Chapter 38

1.1K 42 23
                                    

Hailey's pov

Mabilis na lumipas ang mga araw at ngayon na ang araw na pinakahihintay naming buong grade 10. Yun ay ang outing namin.



Kasalukuyan kami ngayong naghihintay sa bus na sasakyan namin at kumpleto na rin kaming lahat na grade 10 am and pm. Ngayon ko lang din nalaman na kasama pala si Maam grace, na aming school principal at si maam tintin na bestfriend nto. At syempre hindi mawawala ang bestfriend ng bebe ko na si Maam Girly. Kasama nya ung bf nya na si sir kristoff. Last week lang din namin nakilala ung bf ni maam girly kasi nagpunta sa school at dinalhan ng foods si maam girly. O diba sana ol talaga. Pero sa totoo lang, akala ko si maam mandy lang ung kasama naming teacher.




Speaking of my wuv. Yiii enebe nemen! Kinikilig ako e!!!




Ang landi talaga.




30 minutes na simula nung dumating ako dito sa harap ng university namin pero hanggang ngayon ay hindi parin sya nakikita ng mga mata ko. I wonder kung anong ginagawa nya at kung nasan na kaya sya. Imposible namang late sya. Baka nasa loob ng isa sa mga room kasama ang ibang teacher kaya di ko pa sila nakikita. Baka may importante ding inaasikaso.




"Bitchheesss!" Sigaw ng tumatakbong si andrea palapit sakin. Kararating lang niya at ngayon ay ngiting ngiti pa ang bruha.



"Mas matutuwa pa sana ako kung nalate ka ng dating at naiwan ka ng bus" natatawang sabi ni Janah habang sila savannah at harvey naman ay ayon, hindi mapaghiwalay. Edi kayo na! Kami nga ng bebe ko lowkey lang e ehehehe.




"Mas matatawa ako kung makikita kong umiiyak si andrea dahil naiwan ng bus" malokong sabi naman ni Kath. Mga siraulo, ang sasama kay andrea e.



Kung hinahanap nyo si Diego kung nasan, ayun. Kasama ng mga boys panghapon gumaganap bilang isang lalaki pero ang totoo nanananching lang sa mga boys.




"Ang sama nyo kay andrea" iling iling na sabi ni Jaimee kaya naman agad na lumapit si andrea at yumakap sa kanya. Pero jaimee being jaimee, maarteng inalis ung pagkakayakap ni andrea kaya napasimangot ung isa.




Bwiset na mga to ang aga aga puro kakulitan. Ako nga inaantok pa e. 2:30 am kaya ako gumising kasi sabi 4 am daw aalis. Pero filipino time nga pala, 5:00 pm na ngayon pero nandito parin kami sa university. Dito nalang kaya kami mag swimming dUh.



"Mga wala kayong puso! Dyan na nga kayo! Sasama nalang ako kay diego manlalak-" hindi pa nya natatapos ang sasabihin ay binatukan ko na sya. Hawak nya ang ulo na humarap sakin kahit di naman talaga masyado malakas ang pagkakabatok ko.





"Aray ko hailey! Ang sadista agang aga! Bat moko binatukaan"nakapout na sabi ni andrea kaya sasakalin ko naman sana sya pero di ko na tinuloy.




"Manlalalaki ka jan, pag ikaw nabuntis agad" dahil sa sinabi ko ay narinig ko ang malakas na pagtawa nila janah, kath at jaimee. Kaya pati naman ako kahit pinipilit ko magmukhang seryoso ay napatawa na rin.




"Siraulo ka, hailey!" Ready na sana sumugod sakin si andrea kahit alam kong nagloloko lang naman sya, pero hindi natuloy un dahil may isang boses na nagsalita sa likod namin.




"Ms. Saavedra, are your classmates all here?"




Boses un ng babaeng kanina ko pa hinahanap. Agad kaming lumingon sa kanya pero hindi ko nagustuhan kung sinong nasa likod nya.



My Strict ProfessorWhere stories live. Discover now