CHAPTER 6

806 84 1
                                    

Pag kagising ko sa Umaga ay akala ko nakabalik na ako sa bahay namin pero nabigo ako.

Habang nagluluto ng agahan ay nagulat ako nang makita si kio sa labas ng pintuan ng kubo.

"Gaga ka anong ginagawa mo dyaan. Ang aga-aga, na sa labas ka ng ganitong oras."

Halata naman na kagigising lang nito dahil sa mata nyang namumula pa.

"Hindi ka pa nag agahan tapos nandito ka kaagad? Umuwi ka sa Inyo at kumain ka muna doon baka masipa lang kita, kio." Tinulak tulak ko ito pero sobrang bigat at laki ng katawan ng lalaki.

Pinigilan ako nito. "Pag lutuan mo ako, Amelia." Kumunot ang noo ko.

"Aba, ano ako yaya mo? Umalis ka na, doon ka na kumain sa inyo."

"You've been controlling my life for the past years, please pag bigyan mo naman ako." Natigilan ako sa sinabi nya. Napabuntong hininga nalang ako at bumalik sa niluluto ko

Nang matapos ako sa pagluluto ay lumapit ako sa kanya.

"Ito oh" Inabot ko sa kanya ang Plato na may laman ng pancakes at hotdogs. "Sorry iyan lang kaya kong lutuin, hindi ako sanay mag luto dahil si mama ang nag luluto."

"Okay lang, hindi naman ako maarte sa pagkain." Sumubo lang ito ng hotdog.

"Ano pa lang ang ginagawa mo nang makita doon sa may kanto kahapon?"

Inilapag nito ang tinidor at Inabot ang caramel sa may gilid.

"Nag hihintay ng update mo. Hinihintay ko kung ano na naman gagawin mo sa buhay ko."

"Sorry. Busy kasi ako for the past few days."

"Gusto mo ba pumunta tayo ng coffee shop? Libre lang mga pagkain dito."

Lumiwanag ang mukha ko dahil doon.

"Bakit naman tayo pupunta doon?"

"Kasi paborito mo ang kape?" Saad ng lalaki habang hindi nakatingin sa kanya.

"Hmm. Paborito ko nga, paano mo nalaman?"

Ngumisi si kio.

"Secret."

Nang matapos kumain ay naligo sya. Si kio naman ay umuwi sa kanila para maligo, pupunta kasi kami ng coffee shop. Excited na ako makainom ulit ng kape.

Nang matapos sa lahat-lahat ay hinintay ko nalang si kio sa labas ng kubo, tanaw na tanaw ko sya dito mula sa malayo. Nag dala lang ako ng maliit na bag na may laman na hygiene products.

Napaka bagay talaga sa kanya ng soot nyang polo shirt na cream white ang kulay.

Nang makalapit ito sa akin ay inabot nya sa akin ang kamay nya. Inilagay ko doon ang bag ko pero kaagad naman syang nagtatakang tumingin sa akin.

"Bakit?" Tanong ko at muling nag lakad.

"Akin na kamay mo." Tumigil ako at hinuli nya ang kaliwa kong kamay, nagulat ako nang lagyan nya iyon ng band-aid. Nilagyan nya pala ang sugat ko sa daliri dahil sa bubog.

Nang matapos nyang malagyan ay pinagsiklop nya ang mga daliri namin at hinatak ako paalis ng lugar na iyon.

Nang makarating sa coffee shop ay namangha ako nang sobra dahil sa mga perlas na nakadikit sa pader at mga chandelier sa gitna ng shop.

"Ang ganda naman dito, kio. May phone ka ba? Pahiram ako kuhanan ko lang ng picture."

Tumayo si kio para siguro ay mag order. Habang ako naman ay busy sa kakatingin sa paligid. Parang totoo ang mga ito. Habang kinukuhaan ng litrato ang kape ay may sinabi si kio.

"My love, Amelia." Hindi ko maintindihan ang sinabi nya dahil sa ingay ng mga tao sa lugar at mahina lang din ang boses nya.

"Ano? May sinabi ka?" Umiling si kio.

Marami kaming pinag usapan kanina sa coffee shop, sobrang nag enjoy ako.

Habang nag lalakad papunta sa tinutuluyan ko ay binasag ko ang katahimikan na namamayani sa pagitan namin.

"Parang Coffee date ang ginawa natin kanina ah." Natatawa kong saad.

Tahimik lang ang lalaki at hindi ako pinansin baka pagod lang.

"Kio? Gusto ko makita ang bahay mo."

Naagaw ko ang atensyon nya at lumingon sya sa akin.

"Gusto mo ba talaga?" Tumango ako nang paulit-ulit. "Hinde pwede, Amelia." Nakaramdam ako ng lungkot.

"Goodnight." Maikli nitong sabi at umalis.

- Binibining Lara

His Love, Amelia | COMPLETEDWhere stories live. Discover now