[Kabanata 28: Dalamhati]
Kinabukasan
Maaga pa lang naisipan ko munang umalis mula sa kubo, hindi na rin ako nagpaalam kay Carmen dahil ayoko na ring madamay pa siya sa kung ano man ang gawin ko.
Kailangan kong pumunta sa Hacienda ng mga Viscano. Gusto kong alamin kung nasa maayos na kalagayan na ba si Amanda.
Hindi nagtagal at pagdating ko sa Hacienda nila, natatanaw ko sila Don Ernesto at Donya Hilda na naglalakad papasakay sa isang calesa.
Aalis sila?
Pagkaalis ng calesa agad akong pumasok sa loob ng Hacienda, sakto naman at walang bantay at bukas ng pintuan. Marahan akong sumilip at marahan na naglakad papasok sa loob.
"Amanda?"- mahinang tawag ko.
Ang tahimik, nasaan kaya si Amanda??
Naisipan ko na pumunta sa silid ni Amanda, pero naiwang bukas ang pinto kaya naman sumilip ako pero wala rin siya.
Napahinga ako ng malalim at napatingin sa pintuan na bukas na papunta sa labas ng hardin nila. Saktong pagpalabas ko sa hardin napahinto ako bigla.
Magkadikit ang mga labi nina Anton at Amanda ..
Nakaramdam ako bigla ng paninikip ng dibdib at agad akong nagtago ng marahan. Napahawak ako ng mahigpit sa dibdib ko, m-mali itong nararamdaman ko. W-Wala kang karapatang masaktan sa mundo na ito, Gabby. Wala!
Pumikit ako at huminga ng malalim. Gawin mo ang kailangan mong gawin, Gabby. Siguro kapag nagawa mo ng i-safe ang kalagayan ni Amanda siguro naman makakauwi kana sa inyo.
Huminga ulit ako ng malalim. Paglabas ko ulit sa hardin nang mapahinto ako nang makasalubong ko bigla si Anton.
Sa gulat ko agad akong napaatras. Halata rin namang nagulat siya.
"Ikaw?"
"A-Ahm .."- di ako makasagot
"Binibining Gabby??"- nakangiting banggit sa akin ni Amanda.
"Amanda .."
Napangiti siya ng sobrang lapad at agad akong niyakap.
Nagkatinginan kaming dalawa ni Anton, umiwas naman sya agad.
"Ikinagagalak kong makita ka, Binibini."
Napangiti naman ako at lumayo kay Amanda.
"Masaya rin ako na ligtas ka, Amanda."
"Naligtas ako ng dahil sa'yo, Gabb. Kung kaya't ito ay malaking utang na loob ko sa'yo."
Napangiti ako at niyakap ulit siya.
"Hindi na kailangan, masaya na ako dahil sa wakas mukhang makakauwi na ako sa amin."
"H-Ha?"
Marahan akong humiwalay sa kanya.
"Hindi naman sa paniningil, pero kasi Amanda gusto ko ng umuwi sa amin. W-Wala ng dahilan para magtagal ako dito sa mundo nyo, wala narin akong gagawin at matutuluyan dito."
"Naiintindihan ko, Binibini. Ngunit paumanhin dahil ako rin ay naguguluhan kung paano ka napunta sa aking katawan."
Napatigil at napakunot ang noo ko sa sinabi nya.
"Hindi mo alam??"
Umiling siya.
"Gaya mo, ako rin ay gulong-gulo sa mga nangyayari. Ngunit batid ko na ito ay isang milagro dahil may dahilan kung bakit tayo ay naging isa. At ito ay upang hanapin ang katotohanan."
BINABASA MO ANG
Huling Gabi
Historical FictionLunar Trilogy: Ikatlong Serye "Huling Gabi" Gabby Almario, the bad girl who came from the present time will be transported to the ancient times due to the mysterious Lunar Eclipse. Gabby will temporarily replace the persona of a kind and elegant wom...