Kabanata 29: Pagpapatawad

220 16 0
                                    

[Kabanata 29: Pagpapatawad]


Nang makalayo na kami, hawak-hawak nya parin ang isang kamay ko.

Bakit pa ba nya ako iniligtas??? Pagkatapos nya akong iwan kanina at sinundan si Amanda?!

"Bitawan mo nga ako!"- binawi ko ang kamay ko mula sa pagkakahawak nya.

Napahinto kami parehas sa paglalakad.

"Tila ikaw ay galit pagkatapos kitang iligtas?!"

Tumingin ako ng seryoso sa kanya.

"Ah so sinusumbat mo agad?! Bakit nga ba?! Bakit mo pa ko niligtas sa mga unggoy na 'yon?! Samantalang kanina iniwan nyo ko! Iniwan nyo ko ni Amanda!"

"Huwag mong itulad sa'yo si Amanda dahil wala siyang kakayahan na lumaban sa kahit na kanino. Huwag mo siyang itulad sa'yo."

Napatigil ako sandali.

"Oo nga pala magkaibang-iba kaming dalawa. Matapang akong babae samantalang siya ay duwag! Duwag na ipagtanggol ang nararapat!"

"Wala kang karapatan sabihin iyan kay Amanda."

"Bakit wala??? May karapatan na ako dahil siya ang may kasalanan kung bakit ako napunta sa panahon na 'to! Kung hindi ko sana sya nakita noon na humihingi ng tulong at kung hindi ko sana siya tinulungan wala ako dito! Hindi ako mag-hihirap ng dahil sa kanya! Nang dahil sa inyo!"

Napapunas agad ako ng mga luha sa pisnge at tumingin sa gilid. Bakit ba ako umiiyak??? Bihira umiyak si Gabb eh!

"Hindi ba't may misyon ka kung bakit ka naririto?"

Napatigil at tumingin ako kay Anton.

"Hahayaan mo nalang ba? Hahayaan mo nalang ba na mapahamak o mamatay si Amanda sa kamay ng mga uhaw sa kayamanan? Ililigtas natin si Amanda, Gabb."


_______________________________


"Dito ka muna mananatili hanggat narito ka pa sa aming panahon."- sambit ni Anton nang hindi nakatingin sa akin.

Sandali kong pinagmasdan ko naman ang buong Hacienda ng mga Viscano at muling lumingon kay Anton habang nakapumewang.

"May plano ka bang gawin? Bakit dito mo ko dinala sa Hacienda Viscano?"

"Hindi ako, siya."- sambit nya sabay tingin sa likuran ko. Lumingon naman ako at nakita agad si Amanda na nakangiti habang may mga luha sa mata nya.

"Binibining Gabb .."- sambit nya at agad akong niyakap, pagkalayo nya ..

"Masaya ako na tinanggap mo ang aking alok."

"Anong alok ang sinasabi mo?!"

Medyo nabigla sya sa inaasta ko ngayon, eh sa naiinis pa ako eh. Nababadtrip pa ko!

"Napag-isipan ko na ipa-sundo ka kay Antonio at dito dalhin sa aming tahanan. Hindi ko mapapawad ang aking sarili kung may mangyari mang masama sa taong nag-bantay sa aking buhay."

Napapikit ako at napahinga ng sobrang lalim, bakit ba ang bait nya?! Nakakainis!

Tumingin ako ng seryoso sa kanya.

"Alam mo bang galit ako sa'yo ngayon?!"

"Gabb?"- saway ni Anton

Nananatiling malumanay ang tingin sa akin ni Amanda.

"N-Nang dahil sa'yo .. namatay si C-Carmen .."- hindi ko na mapigilan na hindi umiyak. "Nandun kana eh, nandun ka kanina! Sarili mong lupa 'yon, Amanda! Pwede mo sila mapigilan kanina pero wala kang ginawa!"

Huling GabiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon