Epilogo

402 18 6
                                    

[Epilogo]



*****


Unti-unting dumidilat ang mga mata ko hanggang sa nakita ko si Mama.

"M-Ma ..."

"Anak .. anak .. t-teka tatawag ako ng Doctor."- iyak ng iyak si Mama at ito ay lumabas.

Habang pinagmamasdan ko ang buong paligid ng kwartong 'to nararamdaman ko ang pagbagsak ng mga luha ko.

N-Nakabalik na ako ..

Nakabalik na ako sa tunay kong mundo, kwento at panahon ..



_________________________________



"Pagkatapos mong magligpit ng mga gamit mo tawagan mo ko ha, magbabayad lang ako ng bill dito sa hospital."- Mama said

Tumingin ako sa kanya habang nililigpit ang mga damit ko.

"Ma ilang araw ako nandito sa hospital?"

"Pang pitong araw mo na ngayon dito sa hospital, anak. Mabuti at nagpapasalamat rin ako sa Diyos dahil nagising kana."

Napayuko ako.

"Sorry po."

"Anak huwag mo ng isipin 'yon, okay? Oh sige na babalik ako agad ha."- pagkasabi nya nun lumabas na siya ng kwarto.

Ipinagpatuloy ko naman ang pagliligpit ng mga gamit na nagamit ko dito sa hospital. Habang nagliligpit ako nang mapatingin agad ako sa bag ko.

Naalala ko bigla na naidala ko ang bag ko sa mundo nila Anton.

Tumayo ako at agad na kinuha ang bag ko, napansin ko pang medyo maputik ang bandang ibaba ng bag ko. Pagbukas ko nakita ko agad yung cellphone ko, binubuksan ko pero ayaw bumukas. Tsk!

Tumayo ulit ako at naghanap ng charger, nang makita ko agad ang charger ni Mama agad kong sinaksak ang cellphone ko.

Bago ko ulit buksan, pumikit muna ako at huminga ng malalim.

Pag-on ko ng phone agad akong pumunta sa gallery. Halos nag-uumpisa na namang sumikip ang dibdib ko. Clinick ko ang lahat ng photos sa gallery ko pero hindi ko talaga mahanap ang litrato naming dalawa ni Anton.






"Bago ako mag-explain sa'yo mag-picture muna tayo."- pagkasabi ko nun itinaas ko agad yung camera at agad kong pinindot.

Pagtingin ko sa picture tawa naman ako ng tawa dahil nakatingin siya sa akin ng nakakairita.

"Ano ba naman 'yan hindi manlang nag-smile."

"Tigilan mo ang iyong kalokohan, Binibini."

"Tsh, pag-uwi ko sa amin for sure na mamimiss kita."- pagkasabi ko nun napatigil at nanlaki ang mga mata ko sabay takip ko ng kamay sa bibig ko.








Napayuko ako at hindi ko na naman mapigilan na hindi umiyak. H-Hanggang kailan ako mahihirapan ng ganito?? Hanggang kailan ako masasaktan ng ganito?? Parang dinudurog ang puso ko ng paulit-ulit. Sinasampal ako ng katotohanan na hindi talaga kami pwede.








"Bakit hindi?? Wala namang magbabago eh, aalis parin ako dito at iiwan kita."

Umiling siya.

Huling GabiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon