Chapter 1

166 12 4
                                    

CHAPTER 1

KUNG may maihihiling man ako bago pumanaw sa mundo, iyon ay atakehin sa puso itong matandang hukluban sa harap ko, pero sabi ni Mamang ko ay bad daw iyon kaya binabawa ko na, Napakaswerte ng land lady na ito at mabait ako dahil binawi ko na ang sumpa ko sa kaniya.

"Anong tinititingin tingin mo diyan?" nakataas kilay na ani ng matandang lady lady na inuupahan ko.

"Isang linggong palugit nalang po promise magbabayad na ako, Nasanti kasi ako sa pinagtrabahuan ko." pagmamakaawa ko sakaniya. Inarapan lang ako nito na sana'y mabulag na siya sa kaniyang ginagawa, Akala mo naman maganda e wala namang maibubuga dahil bukod sa bungi siya, mabaho ang kili-kili niya, wala siyang kilay, ay mataba din ito't pandak. Jusko, Nasaan ba itong matandang hukluban na ito nung panahong nagpaulan si God and Mother Marry ng kagandahan. Hindi naman sa kinu-question ko ang kagandahan ng isa't isa ay hindi ko lang talaga feel ang matandang land lady na ito, ang panget pa ng ugali. double ekis talaga.

"'Nung unang linggo ay binibisita ko ang alaga mong aso sa probinsiya kaya hindi ka nakabayad ngayon naman ay sinasante ka?" Napangiwi ako sa narinig, namatay kasi si Bros ang alaga kong aso na inilibing sa likod bahay ng kapit bahay namin dahil naibenta na ang bahay namin.

"Ah eh-- Isang pagkakataon pa po, Maghahanap po ako ng trabaho." umiiling ito sa akin at agad akong itinaboy.

"Umalis ka na dito dahil maghahanap ako ng matinong uupa dito! Ke ganda ganda mo pa naman, wala ka namang silbi sa lipunan." Kita niyo na? Baka naiinggit lang talaga ito sa ganda ko e. Hindi naman sa pagmamahangin, masasabi kong maganda talaga ako, dahil foreigner ang tatay ko na binuntis si Mamang at agad na iniwanan ang responsibilidad niya.

"Edi aalis! Sinusumpa ko sa araw na ito ay tuluyan ka ng mawalan ng ngipin!" Inirapan ko siya at nag w-walk out palabas ng maliit at bakod bakod na inupahan ko.

"Huwag ka ng babalik dito, bruhaldita ka!" rinig kong sigaw niya, binalingan ko ito at sumigaw rin.

"Hinding hindi na talaga! Walang uupa diyan dahil maraming tulo ng ulan tuwing uulan at giba giba ang sahig!" hindi ko na pinansin ang mga sigaw niya dahil kaagad akong lumayas sa bakuran niya. Pinagtitinginan na din ako ng mga kapit bahay na tsismosa na kaagad kong inirapan.

---

Napabuntong hininga akong umupo sa tabing kalsada dahil sa nanakit na paa, Ang malas talaga ng buhay ko, ulila, mahirap at walang matutuluyan. Wala pa naman akong kaibigan dito sa Manila, at wala din akong masyadong damit dahil pinalayas din ako sa kamag-anak kong tinutuluyan sa probinsiya kaya namamasakali ako dito sa Manila na baka ay uunlad ang buhay ko, Pero hindi ko naman expect na ganito pala kahirap ang buhay sa Manila.

"Miss? Isa ka din bang mamalimos? Bawal mamalimos dito, 'dun ka sa kanto." taboy sa akin ng tabachuychoy na guard. Malas talaga!

"Sa ganda kong ito papagkamalan niyo akong mamalimos?" singhal ko sa guard na sumuway sa akin, napakakot ito sa kaniyang kumikinang na ulo, dahil kalbo ito.

"Sorey, hija. Ang dumi mo kasing tingnan at wala ka sa tamang ayos." bumaba ang aking tingin sa aking suot, sabagay tama naman siya, madumi na ang maputi kong bestida at ang sandalyas ko ay nasira na rin.

"Siga hija, Mabuti pa at umalis ka na dito. Bawal kasi ang tambay dito." bumuntong hininga ako at walang pasabi sabing tinalikuran siya.

Buong buhay ko ay inaasam ko kung paano mamuhay ang mga mayayaman, siguro sobrang rangya ng buhay nila. Pinaglaruan talaga ng tadhana ang buhay ko, Iyong wala kong kuwentong amang foreigner tinakbuhan lang si Mamang pagkatapos niya malamang buntis ito sa akin, Nagtrabaho si Mamang sa bar 'nun, tig entertain ng mga costumer pero hindi iyong kalagkarin nalang siya bigla ng mga lalaki, sa ama ko lang daw nahulog ang loob ni Mamang dahil nagpakita ito ng motibo. Kaya masasabi kong duwag sa responsibilidad ang mga lalaki, puro nalang papakasarap ang buhay nila, tamang labas masok lang ng mga kargada nilang walang kuwento.

Napasimangot ako sa mga naisip ko, siguro'y nababaliw na nga ako.

----

Hawak ko ang aking tiyan na kumukulo habang naglalakad sa daan, nakapaa lang ako at bitbit ang sandalyas sa kaliwang kamay. Pinagtitinginan na din ako ng mga taong nadaanan ko dahil sa white dress kong madumi na, wala na din sa tamang ayos ang aking buhok at ramdam ko ang sakit ng  mga paa ko sa paglakakad.

Huminto ako sa isang karenderyahan na bukas pa sa mga oras na ito, alas diyes na din ng gabi.

"Ale, baka may tira kayo diyan oh." ani ko sa ale na nagseserve ng ulam, mas kalong kumulo ang tiyan ko dahil sa masarap nitong amoy.

"Jusko! Umalis ka nga dito, magdadala ka lang ng malas sa negosyo ko. Hala alis!" taboy nito sa akin.

"Wala kayong awa! Mabulok sana itong maliit na negosyo mo!" sigaw ko sakaniya bago nagmamartsang umalis ng karenderya, Napabuntong hininga ako ng makalayo na ako. Ganoon talaga ang mga tao kadalasan ay sa porma at ayos talaga binabase.

"Nasaan na ba ako?" bulong ko sa sarili nang hindi ko na alam kung saang distinasyon na ako napadpad, madilim at walang ka ilaw ilaw ang daan.

Babalik na sana ako sa dinadaanan ko kanina nang may marinig akong sigaw... wait, sigaw? Ramdam ko ang pagbilis ng tibok ng puso ko habang dahan dahang lumapit at nagtago sa may maitim na van.

"Nag makaawa ako, boss. Huwag niyo akong kitilin, may pamilya akong binubuhay." napatakip ako sa senaryong nadatnan, may maraming dugong tumutulo sa batok ng may kaedarang lalaki at nakagapos ito sa isang monobloc na upuan. Akmang tatakbo na sana ako ng may isang mainit na kamay na mahigpit ang hawak sa braso ko.

"Where do you think you're going?" isang malamig at bruskong tinig ang narinig na siyang nagpataas ng balahibo ko sa katawan.

"U-uhm, Aalis na ako, mister. Promise, hindi ko ipagsasabi iyong nakita ko! Swear, peksman mamatay man!" my ghad! anong gulo na naman ba itong sinapit ko? Tatakbo na sana mahigpit pa rin niya akong hinawakan sa braso.

"You'll be my possession, mi amor." nanindig ang aking balahibo sa kaniyang malamig na boses, inangat ko ang tingin ko at napaawang ang bibig sa nakita, kahit madilim sa eskenetang ito ay kitang-kita ang guwapo nitong mukha at ang matigas na ekspresyong nakatutok sa akin.

Napabalik ako sa ulirat ng hinila ako nito papasok sa van na pinagtaguan ko, kaya nakita kami ng mga tauhan niya siguro?

"H-hoy! Saan mo ako d-dadalhin?! Huwag mo muna akong patayin please, virgin pa ako." napapikit ako sa nasabi, pero totoong ayaw ko pang mamatay na virgin, huhu.

"Shut up. Get inside." nag atubli akong pumasok nang marahas ako nitong pinaupo sa front seat.

"S-saan mo ako dadalhin?!" umangat ang malademonyo nitong ngisi sa akin.

"You'll marry me, no buts." parang anytime ay malalaglag ang panty ko dahil sa mga narinig, hindi nga ako mamatay na virgin pero may asawa naman ako agad, jusko, hindi ko pa nga naranasan magka nobyo. Tinitigan ko ang lakaking nag d-drive, well, guwapo din naman at mukhang mayaman, hindi na ako lugi.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 24, 2021 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

𝐀 𝐃𝐞𝐚𝐥 𝐰𝐢𝐭𝐡 𝐈𝐧𝐟𝐞𝐫𝐧𝐨 ↝𝙾𝙽-𝙶𝙾𝙸𝙽𝙶 Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon