PULIS 2: MISS

1.8K 80 47
                                    

Jadie’s POV

Matapos ang tatlompung minuto

Dahil nga sa 'pugrot' (mahirap) ang aming bayan ay kinailangan pa naming sumakabilang buhay, ay este sumakabilang bayan para makapunta sa terminal. At heto, sa awa nang may awa kahit na lubak at bato-bato ang daan ay nakarating rin kami ng ligtas at mapayapa.

'Hooo!...ang sakit sa pwet!' Isip-isip ko pa habang hinihimas ang aking pang-upo.

Manawagan kaya ako kay governor, what do you think guys? Kahit patabunan lang ng lupa tong sikat na sikat na kalsada dito. Nakakapikon eh, mas peymus pa kaysa sa 'kin.

‘Di nila alam yung salitang 'karruba pers bepor aders' (kapitbahay muna bago ang iba). Huh? Ano daw? Anong konek?

Ibinaba at inayos naman agad nila papa ang mga gamit ko sa stribo ‘ata ang tawag? Ewan, basta ‘yung malaking box doon sa may ibaba ng bus, haha. Sukbit ko naman ang bag ko sa aking balikat, laman ang mga mahahalagang dokumento, pera at anting-anting?

'Si Mama talaga, oo. It's been 21st century at naniniwala parin sa mga kulto.' Sambit ko sa aking isip habang nakatingin sa isang ngipin ng aso.

Oh, diba? Kakaiba talaga ang mga ilokano. Saan kayo nakakita ng anting-anting na ngipin ng aso? ‘Yung iba pa nga buntot ng pusa at kung ano-ano pa. Okay, stop na tayo d’yan.

‘Di rin naman nagtagal ay naayos na nila ito. Iisa lang ang palatandaan ko dito dahil may nakasulat ng 'Jadie Pogi' sa ibabaw, incase na mawala. Astig ‘di ba? Lakas makapogi points.

‘Aysus...piling gwapong ilokano,' sabat naman ng kontrabida kong utak.

Tsinek ko naman sa bulsa ko ‘yung selpon at bus ticket ko na maayos naman. Speaking of bus ticket nga pala, hindi ko po talaga binili 'yon. Ang totoo po niyan, bigay po 'yon ng Tito kong bus driver na kapatid ni Papa. Oh, ganyan lang ang mga kilusan upang makatipid. Gayahin niyo ako, pulis na wais pa. High five mga tol!

Natigilan lang ako sa pagmumuni nang magsalita si Mama.

"Anak, alagaan mo ang sarili doon ha?. Malayo kami ng Papa mo sayo kaya magpapakabait ka ha?" Saad ng aking ina, na hindi na mapigilang mabasag ang boses.

"Opo. ‘Ma naman eh, iiyak-iyak ayoko niyan!" Reklamo ko pa dito at agad na yumakap.

Kita ko naman itong nagpunas ng mata. Ano ba yan, kay tanda-tanda na iyakin parin, nadadala tuloy ako huhuhu...

"Pagpasensyahan mo na ang Mama mo Jadie, ngayon lang ‘yan mawawalay sayo. Basta anak, ‘yung kabilin-bilinan namin sayo ay ‘wag mong kakalimutan. Ano ulit yon?" Si Papa at yumakap na rin sa amin.

"Na 'wag agad magtitiwala sa iba, inshort trust yourself." Sagot ko naman dito. Huh? Ano na naman daw? Hmpft...hayaan na nga natin.

"Very good anak, sigurado akong magiging magaling na pulis ka," Pagpupuri niya sa 'kin sabay gulo ng buhok ko.

Nag-group hug kaming tatlo bago ako humalik sa kanilang mga pisngi. Muah...

"Lagi kang tatawag Jadie, 'wag mong kakalimutang magdasal kahit saan ka man pumunta." Payo ni Mama at ibinigay sa 'kin ang isang puting rosaryo sa kamay ko.

Tumango naman ako bilang sagot. Bago pa man tumulo ang mga namumuong luha sa aking mga mata ay lumakad na ako papasok ng bus. Ayoko nakikita nila akong umiiyak dahil hindi ko kayang maging mahina sa harapan nila. Ako kaya si Jadie, ipinanganak akong matapang kaya walang makakatalo sa ‘kin.

"Bye ‘Ma, ‘Pa! Mag-iingat po kayo lagi. Alagaan niyo ang mga sarili niyo habang wala ako, mahal na mahal ko kayo." Pagpapaalam ko sa kanila habang nakatayo ako sa pinto.

Nagulat pa ako nang bigla silang sumaludo sa 'kin. Mga magulang ko talaga oh, ang kyut-kyut. Idol na idol kasi nila si Cardo.

"I, I Captain!" Sagot nila ng sabay at tumindig na parang mga pulis.

Wala naman na akong magagawa pa kung hindi ang sumaludo na lang pabalik bago ako kumaway at tuluyan ng pumasok sa loob. Binigyan naman agad ako ni Manong kondoktor ng stamp na may tatak na 'Victory liner', dahilan upang mapuna ko na naman ito.

'Aba! May pa libreng tattoo na pala ang mga bus ngayon?' Pagbibiro ko pa sa isip ko.

Nagpatuloy na lang ako at naghanap ng magandang pwesto. Naisipan ko namang sa gitna umupo, upang hindi masyadong magalaw. Gumagawa kasi ako ng lugaw kapag bumabyahe eh. Yaks...nakakahiya, hahaha...

Ilang saglit pa ay umandar na ang bus at nagsimula na ito sa pagtakbo. Naglagay ako ng earphone upang ‘di ko masyadong marinig yung ingay ng sasakyan. Kinuha ko naman yung selpon ko at nag-play ng music. Napapatango pa ako habang nakikinig sa kanta. Sa sobrang kabaliwan ko, ‘di ko na naalalang may katabi pala ako. Gano'n na lang ako napatigil sa hiya ng mapagawi ang tingin ko dito.

Isang lalaki ang masamang nakatingin mula sa aking tabi. Maputi at well toned ang katawan nito, matangos ang ilong na bumagay sa kaniyang singkit na mata, pati na rin ang kaniyang mamula-mulang mga labi. Masasabi kong gwapo siya pero syempre mas gwapo naman ako ‘no? Teka, bakit ba kasi ako affected sa kaniya?

Meron rin naman akong mapupungay na mata at matangos na ilong. Higit na mas maputi rin ang aking kutis kaysa sa kaniya, pinkish rin ang aking mga labi at labis na hinahangaan ng mga babae. Iyon nga lang at hindi muscular ang body composition ko pero hindi ‘yon bawas points, it’s an exemption.

'Maligo ka pa ng mabuti, tol.' Ani ko sa aking isip nang makita ko ang kabuoan niya.

Kita ko pa ang pagngisi nito sa 'kin nang mapansin siguro niyang nakatingin ako sa kaniya. Halata bang ikinukompara ko siya sa ‘kin? Dahil sa mahina lang naman ang music na nakapasak sa aking tenga ay gano'n na lamang nanlaki ang aking mga mata nang bigla itong magsalita.

"Are done checking me out, Miss?" Ngising asong sambit nito.

What?! Ako, tinawag niyang Miss? No way!

Napalunok ako ng tatlong beses dahil sa aking narinig. ‘Di ko alam pero hindi inis ang nararamdaman ko, kung hindi ay hiya at kilig? Bakit may kilig na parang kumukuliti sa puso ko? Kailan pa ako kinilig sa kapwa ko lalaki? Hindi pwede ito dahil wala sa program ko ang humanga sa may lawit. Dahil sa mga katanungan ko ay napapikit ako at sinubukang pakalmahin ang aking sarili. Itinuon ko ang aking isip sa kantang aking naririnig mula sa aking selpon.

Ilang saglit lang ay ibinukas ko na rin ang aking mga mata, mas lalo pa akong kinilabutan nang makita ko sobrang lapit ng mukha nito sa ‘kin.

“Am I that handsome, huh?” Tanong nito na parang nang-iinsulto. Itunulak ko siya ng malakas, ‘di ko alam pero parang may humihila sa dila ko, na siyang dahilan upang hindi ako makapagsalita.

Tumagilid ako ng upo, pilitin ko mang sumbatan siya ay ‘di ko magawa kahit pa nakataas na ang isa kong kilay.

‘Ang kapal ng mukha nang lalaking ‘to, mukha rin namang sambakol.’ Nanggagalaiting isip ko kabang nakakuyon ang aking mga kamao.

PULIS MATULIS [BOOK 1]Where stories live. Discover now