PULIS 3: UNGGOY

1.8K 72 60
                                    

Jadie's POV

Alas tres ng umaga nang makarating ako nang Manila, na parang lantang gulay. Umiikot ang aking paningin kay napapahawak ako sa mga upuan habang pababa ng bus. Sumali na naman kasi ako sa cooking contest at lugaw ang favorite kong lutuin, para ma-gets niyo nagsuka po ako habang nasa kalagitnaan ng byahe dahil nga sa hindi talaga ako sanay sa amoy ng refreshener.

Mula kasi sa Isabela ay may zigzag road ka pang dadaanan bago ka makarating sa Manila. Sikat ‘yon sa mga hiloin sa biyaheng katulad ko, gusto niyo malaman? Kapit kay google, joke lang. Sta. Fe po ‘yung lugar na ‘yon at parte na siya ng Nueva Ecija.

Madilim pa rin ang paligid nang makalabas ako ng bus, dumeretso ako sa may cr ng terminal na binabaan namin. Nag-text naman na ako kay mama bago ako bumaba at sinabing nakarating na 'ko, hindi ko na rin hinintay pang sumagot dahil alam kong umaariba pa ‘yon sa ganitong oras, hahaha... Iba rin ‘no? May kiliti pa…

Dahil nga sa maaga at madilim pa ay wala pang masyadong tao kaya nagsimula na akong maglakad patungong cr. Hawak-hawak ko pa ang tiyan ko habang tinutungo ko ang daan, para kasing may pahabol pa ‘yung cooking contest na sinalihan ko. Nako, marami na naman akong mararasyonan sa paayuda kong 'to, haha… Agad akong pumasok sa isang cubicle at doon ko ibinuhos ‘yung natitira pa sa menu ko. Oh, order na kayo.

‘Di rin naman nagtagal ay lumabas na rin ako at naghugas ng kamay sa may sink. Nagsipilyo na rin ako dahil parang nalalasahan siya, ang pait nga eh.

'Ang sosyal naman ng cr na 'to, may hand dryer pa.' Saad ko sa isip ko nang mapansin ko ito sabay tap sa isang puting machine, na naka-kabit sa pader.

Pabalik na 'ko sa waiting area, kung saan ko iniwan ‘yung mga gamit ko kanina. Wala naman akong inikabala dahil may security guard doon. Pagdating ko do’n ay biglang bumalik sa isip ko yung nangyari sa bus ng makita ko ang isang taong nakangiti sa ‘kin.

'Si Mr. Singkit sungit,' taas kilay ko pa siyang tinignan sa isip ko. Huh? Meron bang gano’n?

Mabilis akong lumapit at kinuha ‘yung mga gamit ko, mahirap na baka mag-magic-magic rin 'to.

"Ito oh, naiwan mo kanina sa upuan mo." Nagulat ako nang bigla siyang magsalita sabay abot sa ‘kin ng earphone ko. Akala ko pa naman magpapabida ulit sa harapan ko.

Sobrang lalim ng boses niya, lalaking lalaki talaga. Samantang ako kahit anong gawin kong pag-iipit sa boses ko mukhang babae parin eh, parang may something talaga sa ‘kin. Nagmumukha tuloy akong tibo sa itsura ko.

Dahil sa pagkukumpara ko ng sarili ko sa kaniya ay di ko na namalayang napatitig na pala ako dito.

"Ok ka lang? May dumi ba ang gwapong mukha ko?" Sunod-sunod niyang tanong pero may banat. Kitams, iba rin ang kapal ng mukha nito parang sampung pinagpatong-patong na fiber glass.

"A-Ah eh, s-salamat ha?" Nauutal ko pang sagot sa kaniya sabay kuha ng earphone ko. Ito na naman ako.

Nasa gano'n kaming sitwasyon nang maalala ko ‘yung bilin sa 'kin niPpapa, na 'wag agad magtitiwala sa iba, inshort trust yourself! Kaya nagpasalamat nalang ako. Tatalikod na sana ako nang bigla ulit siyang magsalita at ipakilala ang kaniyang sarili.

"By the way, I'm Gian. Gian Jake Pelajeo." Pagpapakilala nito Sabay lahat ng kaniyang kamay.

Dahil ayoko namang maging bastos ay nakipagkamay ako dito. Wala naman akong naramdaman spark doon. So, umaasa pala ako? Hinding hindi iyon mangyayari! Ramdam ko pa ang paghigpit ng kaniyang kamay at ang pagkislap ng mga mata nito sa ‘kin.

"And you are?" Dagdag pa nito, na parang hinihintay akong sumagot.

"Ahm... Jadie, Voune Jadie Argiel." Sagot ko at ngumiti ng pilit.

Nagulat naman ako sa naging ekspresyon niya matapos akong magsalita. Nanlaki ang kaniyang mga singkit na mata sa nalaman at agad na napabitiw sa aking kamay.

'May sakit ba akong lubhang nakakahawa?' Isip-isip ko pa dahil sa ginawa niya.

"A-Ah...so, lalaki ka pala?" Alanganing pagkukumpirma nito habang napapakamot sa batok.

Aba! Pinopormahan ‘ata ako ng gagong ito, hahaha. Borta ka pero mas yummy ako sayo ‘no? ‘Di tayo talo dahil may batuta rin ako, ‘tol.

"Sino ba nagsabing babae ako?" Pamimilosopo ko dito, na nagtataray-tarayan pero sa loob-loob ko ay tawang tawa na ‘ko.

"Hehe. Sorry, mukha ka kasing babae." Bakas sa mukha nito ang hiya, na parang unggoy pang napapakamot sa ulo. U-uh, a-ah. Ngumiti na lang ako dito.

Napalunok na naman ako ulit dahil sa sinabi niya. May kung ano sa pagtawag niya sa aking mukha daw ako babae na ikinakasaya ng puso ko, which is nakakadiring feeling na nire-reject naman ng aking isip.

‘Ano ba 'yan, gano'n na ba ako ka-feminine?' Tanong ko sa isip at lumakad na palayo sa isang ‘to dahil nakakakulo ng dugo.

"Hehe, sige ha una na 'ko." Kunwari ay natawa daw ako sa sinabi niya haha, sige na nga.

Dahil naman sa mamaya pa daw dadating ang sasakyan na susundo sa ‘kin papuntang kampo ay naglakad-lakad muna ako. Lumabas ako ng terminal at pumasok sa isang coffee shop uminom ng mainit na kape. Akala ko nga ay susunod pa sa ‘kin ‘yung abnormal na ‘yon pero mabuti na lang at hindi dahil bibigwasan ko talaga ang lokong iyon. Taas ng tingin sa sarili, parang walang dumi sa katawan. Ang sarap balatan kanina eh, ‘di ko lang gusto ‘yung inaakto ko kanina dahil nagiging bakla ako sa harapan niya.

Bago pa ako ma-high blood dito ay mag-relax na lang tayo kaya kinuha ko ulit ‘yung earphone at ipinasak ulit iyon sa aking tenga upang making ng music. Music is my life kaya walang makakapigil sa ‘kin. Marami ako gustong kanta, kagaya na lang ng mga kantang gawa ng Owl City.

Isinusuot ko iyon nang mapansin ko ang isang papel na nakaipit dito. Pulang sticky note iyon na may tatlong hugis ng pusong isinulat. Binuksan ko rin naman iyon mula sa pagkakatupi at binasa. Nakasaad doon ang selpon number ng lalaking nagngangalang Gian, na may kasama pang “call me babe”.

Agad ko rin naman iyong nilukot dahil sa pagkainis. Hindi ako babae para bigyan ng lalandiing text o callmate at lalong wala sa bokabyularyo ko ang pumatol sa gakaya niya.

“Gagong unggoy!”


PULIS MATULIS [BOOK 1]Where stories live. Discover now