Prologue

513 12 24
                                    

Ang tagal naman na matapos sa pagtuturo nitong si teacher puro naman mga colors and numbers ang tinuturo niya alam ko na naman lahat ng iyan. Black! Yellow! Violet! Green yon!

"Hindi mo pa alam ang different colors?" Pagkausap ko sa aking katabi na seryoso sa pakikinig sa kay teacher namin. Hinarap niya ako at umiling.

"Wag ka na lang makinig kay teacher ako na lang magtuturo sayo!" Masiglang wika ko. Kumislap ang mga mata niya pagkatapos ay tumango sa akin. Aha! Mabuti naman pumayag sya!


"Anong gagawin natin ngayon kung hindi tayo makikinig?" Tanong naman kaagad niya sa akin. Napatingin ako sa iba pa naming kaklase na seryosong seryoso sa pakikinig.

"Batuhin na lang natin ng malilit na papel sila oh." Sabay turo ko sa mga kaklase namin na nakatulala na sa pakikinig kay teacher.


Kumuha ako ng papel sa aking bag at pumunit ng maliit pagkatapos binilog ko iyon, humanap ako ng kaklaseng babatuhin nang makahanap ako. Binalingan ko ang aking katabi itinaas ko sa kanya ang dalawang kilay ko saka umaktong parang may pinapana at ibinato ko na ang papel sa isa ko pang kaklase. Tumama naman kaagad iyon sa batok ng aking binato. Kaagad itong napabaling sa paligid niya kaya nagkunwari akong abala sa pakikinig.

Nang mapansin kong bumalik na sa pakikinig ang aking binato na kaklase, humarap ako sa katabi ko.


"Ganun lang ang gagawin mo pag bumato ka wag ka papahalata na ikaw para hindi tayo mapagalitan ah." Bulong ko sa kanya kaagad naman siyang tumango at ginaya ang ginawa ko kanina sa mga papel. Ngiting ngiti ako dahil may kasama na naman ako sa kautuan.

"Aray teacher may bumato po sa akin!" Malakas na sigaw nung kaklase ko, siya yung pinakapabebe sa lahat ng babae dito. Tiningnan kami ni Teacher isa isa, nagkunwari lang ako na walang naririnig.

"Teacher kita ko po si Chiara siya po yung bumato." Turo niya sa katabi ko tapos tiningnan ako ni Chiara.


Chiara pala pangalan nitong katabi ko. Umiling siya.

"Hindi po ako yun si Alessia po! Sabi niya bumato daw ako at huwag makinig." Pagsusumbong ni Chiara kay Teacher. Napasimangot ako.


"Totoo ba yun Alessia?" Tanong sa akin ni Teacher. Tiningnan ko  siya gamit ang malungkot na mukha saka tumango. Ang turo sa akin ni Mama, ni Lolo at Mama Dheling— HUWAG MAG SINUNGALING!

Kaya sa huli hindi ako nakauwi kaagad dahil kailangan daw na sunduin ako ng guardian ko para makapag-usapan nila ang nangyari kanina. Nakahalumbaba ako sa table habang hinihintay si Lolo Oman dahil hindi naman pwedeng si Mommy ang pupunta dito dahil nasa hospital siya ngayon at imposible naman na si Papa dahil nasa heaven na siya.

"Allesia binibigyan mo na naman ng sakit ng ulo ang mama mo." Wika ni Lolo sa akin nasa kotse na kami ngayon at gaya ng inaasahan sinumbong ako ni Teacher sinabi pa niya kay Lolo na sobra daw ang kulit at daldal ko! Kahit hindi naman.


"Hindi kaya ako madaldal Lolo imbento lang si Teacher." Halukipkip na sagot ko.

"Ikaw ang bahalang magpaliwanag niyang ginawa mo kay mama mo." Sagot ni Lolo sa akin at binalingan ako ng nagbababalang tingin.


Sumimangot ako. Nagdrive na si Lolo kaya tumingin na lang ako sa bintana ng sasakyan. Lagot na naman ako kay Mommy baka hindi na naman siya pumayag na doon ako matulog sa Hospital, kasalan ito ni Chiara dapat hindi niya sinabing ako ang may nag-utos nun.

"Diba sabi ko sayo Alessia magtino ka, lagot ka sa Papa mo hindi ka niya patutulugin dahil diyan sa ginawa mo." Salubong kaagad sa akin ni Mama. Hindi pa ako nakakapagsalita may nasabi na agad siya. Dahil siguro alam na niyang may nagawa na naman akong mali sa tuwing late kaming nakakauwi ni Lolo.


Time Flies Fast (Fear Series #1) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon