2-[Ang Desisyon]

2 0 0
                                    

Nandito kami nina Ama at Ina sa kanilang tirahan kasama ang punong babaylan. Kami lamang ang nakakaalam tungkol dito. Hindi na namin pinaalam sa iba dahil sa aming angkan lamang ito napapatungkol. Hindi sa buong tribo.

Ngayon namin kakausapin si Apo Orasi sa tulong ni Sadira. Nandito siya sa harapan namin. Nakapikit at nagdadasal. Ito ang paraan para tawagin si Apo Orasi. Sana nga lang kami'y kanyang paunlakan. Nakatutok kami kay Sadira habang hinihintay siyang magmulat. Kinakabahan man ay pilit ko pa ring pinapakalma ang aking sarili.

Ilang sandali pa ay nagmulat na si Sadira. Bakas sa kanyang mukha ang panghihina. May katagalan rin kasi bago siya nagmulat. Hinintay ko siyang magsalita pero sadyang nasasabik talaga sina Ama at Ina dahil kaagad itong nagtanong sa kanya.

"Sadira, ano ang kanyang sinabi?" Tanong ni Ama. Hindi kaagad sumagot si Sadira. Marahil ay nag-iipon pa siya ng lakas.

"Ayos ka lamang ba punong babaylan?" Tanong ko sa kanya. Halata kasi sa kanyang mukha na nahihirapan siya. Tatayo na sana ako ng nginitian niya ako.

"Ayos lamang ako prinsesa. Salamat sa pag-aalala." Tumango na lamang ako bilang sagot.

"Kung gayon, maaari mo na bang ibahagi ang inyong napag-usapan ni Apo Orasi?" Ngumiti siya at tumango bilang sagot kay Ama.

"Wala po kaming napagdiskusyunan ni Apo Orasi sapagkat siya raw mismo ang kakausap sa inyo."

Napantig ang aking pangdinig dahil sa kaniyang tinuran.

"Totoo? Hindi ako makapaniwala." komento ni Ina. Sino bang hindi? Piling tao lamang talaga ang kinakausap ng mga diyos. At sa tingin ko'y kami na ang isa sa pinakamapalad na nilalang sa buong kalupaan.

"Totoo ang aking sinabi Hara Maliya. At nandito na siya."

Pagkasabi ni Sadira ng mga katagang iyon ay biglang may lumitaw na lalaki sa kanyang tabi. Kagaya ni Apo Agliya, kakaiba rin ang kasuotan nito. Hindi ko mawari kung ano ang tawag sa kanyang suot. Kaya nasisiguro ko na siya na si Apo Orasi. Sa presensiya at hitsura pa lamang, matitiyak mong isa siyang diyos.

Tumayo kami nina Ama at Ina pagkatapos ay nagbigay-galang.

"Pagbati, Apo Orasi. Kami ay labis na nagagalak na ika'y nandito mismo sa aming harapan." Saad ni Ama na ngayon ay nakatindig ng tuwid at nakangiti. Gayundin si Ina.

Tumango lamang ito bilang sagot. Hindi ito nakangiti. Seryoso lamang ang mukha nito. Nakakakilabot ang kanyang mga titig. Sa tingin ko rin ay nagmamadali ito at wala nang balak pang magsayang ng oras.

"Wala akong mahabang oras para dito kaya sasabihin ko na sa inyo ang aking pakay." Agarang sabi nito na siyang ikinatango lamang namin.

"Kayo ay pinapaboran ng mga diyos kaya kayo nabigyan ng pagkakataong iligtas ang inyong angkan. Ako ang may kakayahang dalhin kayo sa panahon kung saan niyo matatagpuan ang huling mga nilalang sa inyong angkan." Huminto siya at tinitigan kami isa-isa. Napalunok ako dahil sa intensidad ng kanyang mga titig.

"Binabalaan ko kayo na hindi madali ang inyong mapagdadaanan. Lalo na't ibang-iba na ang klase ng pamumuhay sa panahon na iyon. Tiyak na kayo'y mahihirapan." Kinakabahan ako habang tumatagal ang kanyang pagsasalita. Pilit ko na lamang iwinaglit ang kabang ito.

"Isa lamang sa inyo ang maaaring maglakbay sa panahon. Kaya pagdesisyon niyong mabuti. Wag niyo sanang sayangin ang pagkakataong ipinagkaloob sa inyo. Nakasalalay sa inyo ang kabutihan ng inyong angkan. Piliin ang tamang tao. Bibigyan ko kayo ng dalawang araw para makapagdesisyon. Siguro ay sapat na iyon. "

Pagkatapos niyang sabihin iyon ay bigla nalamang siyang nawala. Gaya ng ginagagawa ni Apo Agliya. Ganun siguro talaga ang mga diyos. Bigla nalang dadarating at bigla ring mawawala. Nakakagulat.

Kasabay ng pagkawala ni Apo Orasi ay siya ring pagkatumba ni Sadira. Kanina ko pa na papansin na namumutla ito pero dahil nandito si Apo Orasi ay hindi ko siya nagawang lapitan. Isa iyong hindi kagalang-galang na gawain sa harap ng isang diyos. Dinaluhan naman agad siya ng mga manggagamot na tinawag ni Ama at dinala sa kanyang tahanan samantalang nanatili kami nina Ama at Ina dito upang makapag-usap.

"Ama, Ina, sino sa atin ang maglalakbay?" Tanong ko sa kanila.
Tumingin lamang sila sa akin pero hindi sumagot. Alam kong nag-iisip rin sila kung sino.

"Ako na lang ang pupunta." Napatingin ako kay Ama dahil sa sinabi nito. Kung tutuusin, siya ang pinakamalakas at matalino sa amin ngunit tumatanda na rin siya. May mga puti ni ang kanyang buhok. Ganun rin si Ina kaya mahirap kung sila ang maglalakbay.

"Ako nalang Ama." Sabay na lumingon si Ama at Ina sa akin. Tila nagtatanong kung bakit ko iyon naisipan. Napabuntong-hininga ako.

"Ikaw ang pinuno ng bayang to Ama. Hindi pwede na mawalan ng mamumuno ang lugar na ito. At tumatanda na rin kayo ni Ina Mahirap na maglakbay pa kayo papunta sa lugar kung saan hindi natin alam. Alam kong Mahirap pero kakayanin ko para sa atin." Determinadong sagot ko sa kanila.

"Pero Hiraya, ikaw ang susunod na mamumuno sa bayang ito. Hindi ba nararapat na ikaw na muna ang mamuno habang wala ako? Para masanay kana? At isa pa, kahit matanda na ako, kayang-kaya ko pa. Hindi ako papayag anak." Mahirap talagang pakiusapan si Ama. Siguradong matagal-tagal rin ang diskusyon namin ngayon.

"Alam ko iyon Ama. Pero gaya ng sinabi mo, ako ang susunod na pinuno. Hindi ba nararapat na ako ang maglakbay at iligtas ang ating angkan? Nangangahulugan lang ito na handa na akong pamunuan at proteksyonan ang bayang ito."

"Hiraya, Anak-"

"Ina, kaya ko na ang sarili ko. Kaya ko nang kontrolin kung ano ang meron ako. Huwag kayong mag-alala. Mapagtatagumpayan ko ito." Pangungumbinsi ko sa kanila. Napatitig sa akin si Ina at Ama. Wari'y pinag-iisipan nila ang aking sinabi. Di nagtagal, napabuntong-hininga si Ama at napayuko na lamang si Ina. At alam ko na kung ano ang susunod na sasabihin ni Ama.

"Ama, pangako ko sa'yo, babalik ako nang ligtas dito." Nakangiti kong sabi kay Ama. Lumapit ako Kay Ina at niyakap ito. Humihikbi ito.

"Ina, hindi pa nga ako umaalis, umiiyak ka na." Biro ko rito. Ngumiti naman ito at hinaplos ang aking mukha.

"Anak, papayag kami ng iyong Ama basta't sisiguraduhin mong uuwi ka nang ligtas at buo. Mangako ka Hiraya." Tumingin ako sa kanyang mga mata at pagkatapos ay kay Ama. Ngumiti ako. Ngiti ng kasiguraduhan.

"Pinapangako ko Ama at Ina. Pinapangako ko." Yinakap ko silang dalawa pagkatapos kung sabihin ito.

"Hanga ako sa iyo anak." rinig kong sabi ni Ama. Napangiti ako. Gagawin ko ang lahat upang magtagumpay. Bihira lamang ang pagkakataong ito. Wala mang kasiguraduhan ay susubukan ko pa rin. Magtatagumpay ako ano man ang mangyari.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Feb 09 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Time TravelWhere stories live. Discover now