Kabanata 1

24 5 13
                                    

Ako Si Claire Victoria Reyes, ako ay 15 taong gulang, Isa ako sa Mahilig magsulat o Lumikha ng Mga Istorya. Isa akong Estudyante na nag-aaral sa pampublikong Eskwelahan, Hindi namin kayang makapag-aral sa Pampribadong Eskwelahan dahil medyo masikip ang Badget at ang Aking Ama ay isa lamang Drayber. Ako ay nag-aaral nang mabuti para sa Ikabubuti ng Buhay ng aking Pamilya, Pag nakamit ko na ang Diploma na ninanais ko ay Maghahanap agad ako ng Magandang Trabaho upang Makamit ko na ang pangarap ko na Makabangon sa Buhay at Upang Mabili ko na ang Mga Bagay na ninanais ng Mga Magulang ko.

Ako pala ay Bunso, Meron Akong Nakatatandang Kapatid, Siya ay Ang Aking Kuya na si Kennen David Reyes, Siya ay napaka buting Kapatid. Ang aking Ina ay si Editha Reyes, At ang aking Ama naman ay si Randy Reyes.

Ako ay Nasa Eskwelahan ngayun at Nakikinig ng mga Lessons ng aking Teacher, Napag-isip isip ko lamang na:

"Paano Kaya kung mabibigyan ako ng Tiyansa na Makabalik sa Nakaraan?
Ano kayang Gagawin ko at Anong Bagay ang Nais kong Baguhin?"

Hmmm. Ewan, Sa susunod na yan, Makikinig na muna ako sa Teacher namin.

Isa din Akong Dalagang Mahilig umidolo ng Boybands, 90's Boybands, Kagaya ng A1, Backstreet Boys, Boyzone, at Higit sa lahat ang aking pinaka-paboritong Westlife. Paborito ko ang Westlife Dahil Napaka-ganda ng Boses ng Mga Miyembro doon Lalong Lalo na si Mark Feehily at Kian Egan, Sila ang Aking Paborito at Syempre Naman Si Shane Filan din at Nicky Bryne. Nais ko silang makita ngunit wala pa akong kakayahan makapag-ipon ng ganong kalaki upang makabili ng Concert Ticket.

"Claire? Maari mo bang basahin ang Kabanata 31 nang Noli Me tangēre?
Claire?  - Tanong ng Kanyang Teacher sa Filipino.

"Ay Sorry po Ma'am, Lutang lang po Eto na po babasahin ko na. *Sabay ngiti sa kanyang Teacher*

**********************

Uwian na Pala, Nandito pa ako sa School, Antagal naman ng Kaibigan kong Kuhanin Yung Libro Niyang Noli.

Huy Genevaaa? Tapos na baa? Antagal naman, Uwing Uwi na akoo oh!

"Eto na Claire, Nakuha ko na. Uwi na tayo. -Sagot ng kanyang Matalik na Kaibigang si Geneva Dacles.

"Gevs, Gusto mo ba Sabay tayo gumawa ng Assignments? -tanong ni Claire kay Geneva.

"Hmm, Hindi Na siguro. May gagawin pa ko eh, Pasensya na Claire.

*Agad na nanghinayang si Claire at bigla siyang nanahimik at nagiisip nanaman muli ng malalim*

"Geneva Sa tingin mo, Kung Mabibigyan ka ng Chance na Makabalik sa Nakaraan? Anong gagawin mo? -Pagtatakang Tanong ni Claire.

"Uhm, Kakaibang Tanong yan ah, Siguro gagawin ko yung mga bagay na hindi ko nagawa dati..

*Nagisip ng Malalim si Claire at Sinabing*

"Siguro kung ako makakabalik sa Nakaraan Gagawin ko hindi ko pababayaan umalis si Brian Mcfadden duon sa Westlife, Sayang din kasi Haha. Kakamiss na kasi Siya atsaka Mas maganda pag lima sila hihi..  -Kinikilig na sagot ni Claire.

The Girl Who Came back Through the Past.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon