Kabanata 3

13 4 3
                                    

  Younger Claire's POV
         Napansin ko na si ate Claire ay sobrang pamilyar sakin, Bakit kaya kami parehas ng pangalan? Atsaka bakit din ganun, May balat din siya kagaya ko.
Ano kayang meron sa kanya at ang bilis gumaan ng loob ni Mama at Kuya, Hindi ko lang alam kay daddy, Kung magugustuhan niya ba si Ate Claire o Hindi.  Sa totoo lang ayoko sa kanya, pero ayoko naman ipakita kay Mama na ayaw ko sa bisita niya. Pero pakiramdam ko talaga kakaiba siya.

*****************

Randy's POV
Sino kaya itong babaeng ito? Bakit kaya pamilyar ang muka niya at may kamukha siya. Hindi agad pinakilala sakin ng Misis ko itong dalagang ito.
Parehas pa sila ng pangalan ng Bunso kong anak, Napansin ko din na may Birth Mark siya kagaya ng Anak kong si Claire. Anong Meron at bakit andami nilang pag-kakaparehas.

Agad kong kakausapin si Edith para maitanong ko kung sino nga ba ang dalagang ito.
*Edith Pwede ba kitang makausap, Yung tayong dalawa lang mismo

Agad na kinabahan si Editha dahil alam na nila ang paguusapan nila "Oo naman. Tungkol saan ba iyon?

*Agad na pumunta ang dalawang mag-asawa sa isang lugar kung saan silang dalawa lang ang magkasama, Isang lugar kung saan sila pwedeng makapag-usap ng maaayos*

"Edith, pwede ko bang malaman kung sino yung dalagang yun?
*Seryosong Pagtatanong ni Randy sa kanyang asawa*

Hindi ko alam kung anong sasabihin ko o kung ano maisasagot ko sakanya, Kinakabahan ako na may malaking posibilidad na hindi siya maniwala sakin at sa mga sinasabi ko. "Siya si Claire. Nakatulog siya sa daan at hindi niya alam kung saan siya napunta, Sinubukan niya hanapin yung cellphone niya kaso hindi niya ito Makita, Nanghiram nalang muna siya ng phone sa iba kaso hindi niya makontak ang mga magulang niya. Ang pangalan niya ay Claire Victoria Reyes, Parehas ng pangalan ng Bunso nating anak.

Nakakapagtaka talaga, Parehas na parehas sila ng pangalan ng anak ko. Bakit? Saan ba siya galing? Sino ba mga magulang ng batang ito?
"Pwede ba natin siyang kausapin. Gusto ko siyang makausap at sobrang pamilyar sakin ang dalagang yun at may kamukha siya na hindi ko marecognize kung sino.

"Sige, Tatawagin ko lang muna siya at siya na mismo ang magsasabi kung sino siya at kung saan siya galing.

*Agad na tinawag ng kanyang asawa si Claire at kinakabahan pumunta ang dalaga kung nasaan ang kanyang ama na seryoso ang pigura ng mukha*

"Randy, Ito na si Claire.

Kinakabahan ako grabe, Paano ko kaya sasabihin to.. "Magandang Tanghali po.

"Magandang Tanghali din sayo Claire, pwede mo bang sabihin sakin kung Sino ang mga magulang mo para matulungan ka namin at para mahanap namin sila.

Mas lalo akong kinakabahan, Yung mga tanong niyang iyon, Ang hirap sagutin. Kung pwede ko nalang sabihin na nasa harapan ko na ang mga magulang ko eh, Na sila ang mga magulang ko ngunit hindi maniniwala si Daddy non. Bahala na sabihin ko nalang ang totoo.
"Ang pangalan ng mga Magulang ko po ay Editha Reyes at Randy Reyes. Ang tatay ko po ay isang Driver at si Mama naman po ay nasa bahay lang. Mayroon din po akong kapatid na Kuya ang Pangalan niya ay Kennen David Reyes, 19 years old na po siya at ako naman ay 15.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Aug 23, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

The Girl Who Came back Through the Past.Where stories live. Discover now