Kabanata 2

10 4 3
                                    

Pagpapatuloy ng Istoryang "The Girl Who Came Back through the Time"

Ang Pangalan ko po ay CLAIRE VICTORIA REYES.

*Agad na nagtaka ang Nanay ni Claire kung bakit parehas ng Pangalan ng Kanyang Anak na si Claire. Agad nagtanong ito ng....

"May kapatid ka ba? Kuya, Ate?
*Kinakabahan si Claire ngunit Sumagot din siya*
Opo, May kapatid po ako, Kuya po. Ang pangalan niya po ay Kennen David Reyes.
*Nagulat ang Nanay ni Claire dahil kapangalan din ito ng Panganay niyang anak. Nagtaka siya at nagtanong muli siya.
"Claire, Maari mo bang sabihin sakin kung anong pangalan ng Mama mo at Daddy mo?
"Opo, Ang Pangalan po ng Mama ko ay Editha Reyes at ang Daddy ko naman po ay Randy Reyes.
*Mas lalong nagtaka ang nanay ni Claire at tiningnan niya muna ang kaliwang braso ng dalaga at napansin Niya na may balat din ito kagaya ng kanyang anak na si Claire. Naiisip niya din na imposible ito, at paano ito nangyari*
Mama! Ano pong almusal? *Nagtataka ang batang lalaki na anak ni Editha, Nagtataka ito dahil may bisita silang pamilyar ang muka* Mama, Sino po siya?
"Anak, sandali lang ha, Kainin mo na muna yung Cheese Cake duon at May kausap ako.
"Sige po Mama.
"Claire, Pwede ko bang malaman kung paano ka napunta sa lugar na ito?
"Nagising po ako, Nasa isang liblib na lugar po ako at may nakakita saking babae, Sinubukan ko pong hanapin yung Cellphone ko para makontak ang mga magulang ko pero wala po, Hindi po available. Ayun po sinubukan ko libutin ang lugar at sobrang pamilyar ito, nakita ko na po ang bahay namin kaso iba pala ang nakatira.
*Puno ng Pagtataka at Tanong ang nasa isip ng kanyang Ina, Kung paano nangyari iyon at kung sino ba ang dalagang nasa harapan niya, Nagtataka siya na baka ang bahay na tinutukoy niya ay itong bahay na tinitirhan nila, at ang dalagang ito ay nagmula sa Hinaharap ngunit paano? Imposible yun*
"Ilang taon ka na ba Claire?
"15 po ako.
*Inisip niya muli ang edad ng kanyang anak na si Claire ito ay Limang taon lamang at etong nasa harapan niya ay 15, Ibig sabihin siya ay nagmula sa taong 2020? Imposible! Paano ako maniniwala, pero siya nga ba talaga ito?
"Claire, Anak ikaw ba yan?
"Opo, Ako po ito si Claire.
"Paano nangyari yun anak? Nagmula ka sa taong 2020 pero ngayun nagbalik ka sa taong 2010? Paano nangyari yun?
"Hindi ko din po alam at hindi ko din po alam kung paano ako makakabalik sa Hinaharap.
*Nagtataka pa din sila, ngunit kailangan na maniwala ng Nanay ni Claire dahil ang postura, Pagkilos, Muka, Balat, At iba iba pa, Siyang siya ito. Mahirap paniwalaan ngunit kailangan*
"Claire, Kumain ka na ba? Kumain ka muna. Pagusapan natin ito mamaya at kailangan kasama ang Daddy mo.
"Sige sige po, Salamat po. Pero naniniwala po ba talaga kayo kasi kahit ako po hindi makapaniwala na nandito ako kaharap ko kayo, Nandito muli ako sa 2010.
"Nahihirapan din ako maniwala ngunit kailangan, Hindi ko Alam kung anong mangyayari sa Akin kung pababayaan ko ang batang kagaya mo.
"Maraming salamat po talaga.

****************

*Pumunta si Claire sa Lamesa at Kumain dahil kahit na kumain na siya kanina ay Nakararamdam pa din ito ng gutom, Agad nagtanong ang batang lalaking katabi niya*
Ate, Pwede ko po bang malaman ang pangalan mo?
Sumagot agad si Claire, Oo naman, Ang Pangalan ko ay Claire, at ikaw naman si Kennen.
*Nagtaka ang batang lalaki kung bakit alam nito ang Pangalan niya*
"Bakit niyo po alam ang pangalan ko?
Natatawang sumagot si Claire, Secret hihi.
"Sige po kayong pong bahala.
Natawa muli si Claire at Nagsalita siyang Muli. "Alam mo magpapakabait ka kay Mama, Wag matigas ang ulo. Wag puro laro, Dapat magaral kang mabuti.
*Nagtaka si Kennen kung bakit sinabi nitong Mama niya din iyon*
"Ate Claire, Bakit kapangalan niyo po yung kapatid ko, At bakit sinabi niyo din mama niyo ang Mama ko?
"Nais mo bang malaman, Kapatid mo din ako, Kuya kita, Nagmula ako sa future, Nagmula ako sa taong 2020.
*Hindi naniwala ang batang lalaki kaya nagtanong muli ito*
"Sigurado po kayo? Ang kapatid ko lamang ay Si Claire, Si Claire na 5 years old lang.
Natawa muli si Claire dahil ang kanyang kapatid ay Makulit at puro tanong.
"Oo, Ako din yun, pero etong nasa harapan mong nagsasalita ay 15 na, nagmula ako sa future, Kuya kita, Yung kuya kong nasa future mabait, Matangkad at puro laro ng Cellphone.
"Talaga ate? Nagkacellphone na ako non? Naeexcite ako ate! Gusto ko talaga magkaroon ng Cellphone. Yung nokia, Maglalaro ako ng Bounce.
*Natawang Muli si Claire sa inasta ng Kanyang Kapatid*
"Kuya, Ang cellphone Niya sa Future ay Touch Screen, Di na siya de keypad. Maraming mga bagong magagandang laro duon, Sa ngayun nagaaral na siya ng Senior High School. Grade 12 na siya.
"Hah, Grade 12 na siya, Ako grade 2 palang.
*mas lalong natuwa si Claire sa kapatid niya, At piningot ang ilong nito*
"Aray! Bakit po kayo nanakit?
"Wala lang ang cute mo eh, Hahhaha.
*Agad na dumating ang Mama nila at nagtaka muli*
"Claire anong narinig ko, Si Kennen ay Grade 12 na sa Future? Bakit? Wala naman Grade 12 dito ah?
"Nagpatupad po yung presidente nating Si Aquino na Magkakaroon po ng k to 12 bali po mas pinahabang proseso.
"Ah ganun ba, So ibig sabihin may dagdag na dalawang taon pa?
"Opo, ganun na nga po, Kaya ikaw Kuya magaral ka mabuti, wag laging tahimik.
"Opo, Opo.

"Tapos na ba kayong kumain, akin na at mahugasan na yan.
"Sige po salamat po, kahit ako na po maghugas nian Ma.
"Ako na lang muna, laruin mo muna ang kapatid mo.

**********************
Dumating na ang Tatay Nila At Kasama si Claire na Limang taon lamang.

Mama! Mama! Tingnan mo Ma, May Star ako oh!
"Oh anak nandyan na pala kayo. Wow! Nice ang galing naman ng anak ko,Mamaya may surprise ka sakin.
*Agad na nagtaka ang Tatay Ni Claire at Ang batang Si Claire, Nagtaka ito kung bakit nandito sa bahay nila ang Dalagang nakita niya kanina*
"Mama, Sino po siya?

Claire's POV
Mahirap paniwalaan na nakabalik ako dito sa nakaraan, Paano? Paano? Paano?
Puro mga Tanong at Pagtataka lang ang nasa Isip ko, Paano kaya maniniwala si Daddy na ako ito? Si Claire na Anak niya , Na nagmula sa Taong 2020, January non at Ngayun ay parehas lang din.
Paano kaya nila ako paniniwalaan?

"Anak Siya si Ate Claire mo. Mag hello ka sa kanya nak.
*Natuwa ang Batang si Claire Dahil kaparehas ng Pangalan nito ang sa kanya*
"Hello Ate Claire!

Binati ako ni Claire, At nagsalita din ako
Heloo Claire! Musta na?
Si Daddy? Paano siya maniniwala, Kilala ko ang tatay ko, Mapanuri, Di madaling maniwala sa bagay. Paano kaya kung di siya maniwala, Saan ako titira? Paano ako babalik sa  future?

"Eto ate Masaya, Tingnan mo Ate, Nakakuha ako ng Star sa School! Di ba ang galing!

Nakakatuwa talaga itong batang ako, Napaka cute at Napaka sipag magaral. Buti hindi ako nagbago. Ganyan din ako kahit sa ngayun, Ang hilig ko ay makakuha ng Award sa School.
"Claire, Proud na proud ako sayo! Ipagpatuloy mo yan!

Ipagpapatuloy.......

Author's note
Pasensya na po kung maikli ang Chapter 2, Babawi po ako sa susunod na Chapter. Maraming Salamat po sa nagbasa at Magbabasa pa lamang.
Happy Reading!❤️🙂

The Girl Who Came back Through the Past.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon