Bakit Masaya Sa Palengke?

9 1 0
                                    

  
   
Kaya pala favorite time of the day ni Cinderella ang pagpunta ng market, maliban sa matatakasan mo na ang napaka-unfair mong sitwasyon, maaaliw ka pa sa mga makikita mo rito. Wala ritong taong grasa. Wala ring mga pulubi na panay ang kalabit sa 'yo kahit hindi mo pinapansin. Para bang si mister kay misis kapag gabing tulog na ang mga bata.

Ang meron dito?

Kambing na kumukupit ng kangkong mula sa busy na tindera ng gulay. Mga ibon na nagpi-pyesta sa bigasan kapag hindi nakatingin ang nagtitinda. Ang asong nangupit ng longganisa at in-ambush ng pusa, kaya ngayon ay nasa isang matinding labanan sila ng tug-of-war, hindi man lang napapansin ang dalawang daga na mabibilis sa pag-execute ng rebound sa bahaging tumatalsik.

(Author: Wala akong makitang picture na may longganisa. Imagine na lang tayo.)

Natatawang humakbang na ako para magpatuloy. Ngunit...

"Umph!" nabangga ako sa isang matibay na dibdib. Napaatras ako agad sabay sapo sa masakit kong noo. Tumama yata sa chin niya. Tinapunan ko siya ng masakit na tingin ngunit nagulat din ako nang makita ko kung gaano siya kagwapo.

Ang cliché naman! Madalas kong mabasa 'to eh! Ito ang legendary scene ng mga male leads at female leads every first meetings.

"I'm sorry, Miss. Nasaktan ka ba?"

Cliché nga! Tamang tanong ba 'yan ng taong may empathy?

Hindi. Hindi ako nasaktan. Mas masasaktan ako kung hindi mo ako papansinin. Echoz!

Pero, the way he dresses tells me na hindi siya ang prinsipe. May sunung-sunong pa siyang kahon sa balikat. Isa siyang kargador o mamimili ng boss niyang maramihan kung mamili. Or nagtitinda rin siya dito sa palengke. Or all of the above. Kung pwede 'yon.

"Miss?" halata ang pag-aalala sa kanyang kulay brown na mga mata.

"Namumula ba?" itinuro ko ang noo ko.

"Oo."

"So, sa palagay mo, hindi masakit?" Ang tindi mo. Unang pagkikita pa lang natin ay sinaktan mo na kaagad ako

"Ah, sorry talaga! Nalibang kasi ako sa aso't pusa. Hindi kita nakita kaagad. Aah..."

Hmph! Kung hindi ka lang macho at gwapo, makakarinig ka ng Misa Requiem sa akin.

Oh, right. It's not like I'm not guilty of the same stupid reason. Ano pa ba ang magagawa ko? Isa rin akong tatanga-tanga?

"Nakakatuwa nga naman sila." Muli kong ibinaling ang tingin ko sa tug-of-war, animalistic version. Wala sa sariling muli akong napangiti.

"Yeah," he breathe. Eh?

Napatingin ako sa kanya and guess what? Sa akin siya nakatingin, nakangiti ng sobrang lambing na parang gustong manlambot ng tuhod ko at lumuhod sa harap niya. Kung para magdasal o para mag-propose, huwag na nating pag-isipan pa. Basta, sure ako, hindi para gumawa ng perverted stuff na tanging mga pervert lang ang makakaisip. Okay?

"Ah, sige. Mauuna na ako," kaagad na akong tumakas. He looks so yummy I might lose myself and take a bite.

Ako si Cinderella, I need to dedicate myself to the prince or else, masisira ang kwento. I need to prove na kahit hindi ko daanan ang grabeng paghihirap na 'yon, pwede ko pa ring ma-achieve ang same happy ending.

Aist! Hindi ko pa nga nami-meet ang prinsipe, faithful na ako sa kanya. Ang swerte niya ha!

Napadaan ako sa nagtitinda ng itlog at umilaw ang imaginary bulb sa ulo ko.

Yung Bigla Na Lang, Ikaw Na Si CinderellaWhere stories live. Discover now