Chapter 1

79 24 0
                                    

Chapter 1:  Wallet


Nang matapos akong magreview niligpit ko na yung mga gamit ko.




"Raine? Yohooo! Andyan ka ba? Gising pa you?" Si Fiona na iyan. Nanawag na sa second name eh!

Narinig niyo naman yung kumatok na iyon si Yra Fiona Farañez Cho.

She is half korean and half filipina but she grow up in korea. She has been my longest friend for the long time since childhood and until now.

You get to know me as well. I'm Allura Macraine Del Fuego Jang. Yung first pa lang nabasa niyo na siguro yung scene na yon. Wala na kong pakialam na doon nakaraan na iyon at kailangan ng kalimutan pa.

Since nasa college na kami nitong friend ko na to. Marami na kaming naging kakilala dakilang party goer din iyang si Fiona hindi lang halata.

Nabanggit ko sainyo si Syd di ba. He is my longest boyfriend pero hindi na kami kaya ex-boyfriend ko na siya. Akala ko siya na talaga pero hindi pala nahulog lang pala ako sa isang patibong niya. Ang galing niya no! Hindi ko naman kasi akalain na gagawin niya sa akin iyon na never kong inexpect na gagawin niya tsk! Nagaaksaya lang ako ng oras pagusapan ang taong iyon pero para sainyo kailangan kong ikuwento lahat ng pangyayari pero yung iba gagawin ko ng shortcut ah.

So ito na nga.

Flashback...

Maguuwian na noon ng biglang may umakbay sa akin walang iba kundi si Syd. Should i call him mister pasikat like pasikat as in pabida kasi lahat nalang ng gagawin niya gustong mapansin ng iba kaya Mr. Pasikat ang tawag ko sakanya. Yes, po opo. He is a famous student in here Lousville Academy dahil isa lang naman siyang apo ng may ari ng school na pinapasukan namin.

"Favor lang to! Please para hindi nako habulin ng mga iyon." medyo may kalakihan ang boses niya pero hindi naman ako natatakot doon.

Binitawan ko ang kanina pang nakaakbay na braso niya dahil ang bigat na sa balikat ko.

"Bakit ako? Ano ba? Bitiwan mo nga--" hindi niya ko pinatapos dahil kaagad kaming tumakbo papunta sa isang hallway doon na medyo may kadiliman.

"Shh! Huwag kang maingay. Baka masundan nila tayo." suway niya sa akin habang tinatakpan niya ang bibig ko nasa hallway kami at kanina pa siya tingin ng tingin kung saan-saan at baka nga raw masundan kami ng mga baliw na baliw na babae sakanya ngayon ko lang napansin na ang seryoso pala ng mukha niya pero mukha siyang monster kapag galit. Nang makita niya iyon kaagad akong umiwas ng tingin sakanya tsaka naman niya binitawan ang kamay niyang nakatakip sa bibig ko.

"Wala na sila." saad niya.

"Mga fangirls mo?" walang reaksyong sambit ko sakanya.

"Oo, hahaha!" natatawang sabi niya.

"Mga baliw kamo. Ewan ko ba kung bakit baliw na baliw sila sayo. Eh parang wala naman silang mapapala sa mga ganyan-ganyan mo." umiiling na sabi ko. Those fangirls of him are crazy samantalang yung idol naman nila nagtatago sakanila. Baliw lang di ba?


"Grabe ka naman. Hoy mga fans ko yon mahalaga kaya sila sa akin dahil wala ako kung walang sila." sabi pa niya.


"Eh ano ka ba artista?" masungit na tanong ko sakanya habang prenteng nakasandal sa pader at nakacross arm pa.

"Sabihin nalang natin na feeling artista ginusto ko na yon pero wala eh ito natupad kaagad. Okay naman di ba?" mayabang na sabi niya.

Have You ForgottenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon