Chapter 23

45 23 0
                                    




Chapter 23: Love Conclusion



Umuwi narin kami ni Deon at hindi na nagtagal sa rooftop restaurant dahil baka matraffic na naman kami pauwi. Magaalas sais na kasi ng pumunta kami doon dalawang oras lang ang byahe namin kaya ngayong alas otso na kami ng makauwi hinatid niya ko sa apartment at diretso uwi na rin siya.



"Mukhang ang ganda ng ngiti mo dyan huh? Naks! Kwento naman sis!" naeexcite na sabi niya.



"We ate dinner sa isang rooftop restaurant sobrang gaan lang sa pakiramdam." nakangiting sabi ko habang inaalala yon.



"Bakit kasi hindi nalang maging kayo?"



"Ayaw pa naming madaliin ang lahat. Okay na muna yung ganito, Fiona. Wala pa kasi akong natatanggap na assurance galing sakanya ayoko namang pangunahan siya sa mga nararamdaman niya kung meron man. Ewan bahala na!" paliwanag ko.





"Ewan ko ba talaga sa anak ni Mr. Lee o baka naman hindi lang din siya handa sa magiging relasyon ninyo?" —Fiona.





"Di ko rin alam basta kung ano kami ngayon i guess okay nato sa akin." kibit balikat kong sabi.


Okay naman na ito sa akin? Siguro? 




"Basta ingat ingat din dyan." sabay point niya sa heart ko. Just follow your heart? Pero ewan ko din ba sa mind ko puro negative thoughts minsan ang naiisip ko kapag napaguusapan ang bagay sa amin ni Deon.



I know wala kaming label pero di ba alam mo naman mabilis magbago ang feelings ng isang tao, malay natin magbago. I'm not sure. Nevermind. Pumasok na ko sa kwarto at nagayos na.



Kahit ako naguguluhan din pero wala namang masama kung ieenjoy ko lang tong feeling nato kapag nakakasama ko si Deon. I feel safe kapag kasama ko siya.




***





Nang magumaga na parang may tao talaga sa kwarto ko na nakatingin sa akin. In my surprise, It's him...



Oh geez! Nakakahiya. Sino ba naman kasing nagpapasok sakanya dito. FIOOOONA!!!



"Hey, goodmorning." nakangiting sabi niya habang nakatitig lang sakin. Seriously! Mygosh. Nakakahiya talaga! Mabuti nalang pinigilan kong maghikab mga sis! bad breath pa ako! Tapos itong napakagandang mukha yung bubungad sayo umagang umaga nakakahiya naman no?



"Anong ginagawa mo dito?" saad ko sabay kusot pa ng mata.



"I'll wake you up pinapasok ako ni Fiona sabi niya gisingin daw kita kasi malalate kana sa pasok mo." sambit niya.



Nasa cr pa ako at naghihilamos habang inaayos naman niya yung higaan ko hinayaan ko lang siya kahit na nakakahiya na talaga. YRA FIOOOONA! MALILINTIKAN KA TALAGA SA AKING BABAE KA! GRRR! Nauna na kong lumabas ng kwarto at buti naman may breakfast na nakahanda mukhang bumawi pa siya buti nalang kamo wala siya dito kung hindi naihampas ko na yung babaeng iyon sa harapan pa talaga ni Deon Lee kainis!






Ayan na naman ang mga tingin niya sa akin. Bakit ganon hindi ako makakilos ng maayos kapag nandyan siya ngayon sa harapan ko at bawat kilos ko tinitignan niya. Argh!



"Baka late kana sa trabaho mo?"



"I'm not. Can you please hurry up! Ikaw ang malalate sa trabaho mo." saad niya nagmadali naman akong kumain ng sinabi niya yon. E, bakit kasi siya nandito? At talagang walang pasabi no?



"Ihahatid kita kaya bilisan mo na kumilos." dugtong pa na sabi niya.


"Yes, boss." asik ko.





I'll just finish my food then naligo na ko kaagad! Nang natapos na lahat pinagbuksan pa niya ko ng pintuan sa kotse. Nang ihinto na niya yung kotse may sinabi siya sa akin.



"Kapag break niyo na tawagan mo ko sabay tayong maglunch then pagusapan na natin yung sa project ng kompanya niyo. Okay?" seryoso niyang sabi.


Isa pa si Madam Trina! Hindi niya rin kaagad sa akin binilin na may natackle na pala sila nitong si Deon. Grabe talaga naman nangyari ngayon!




"Okay, thank you bye." nakangiting sabi ko nang umalis na yung kotse ni Deon sa harapan ko nasapo ko nalang ang ulo ko.



Gosh! Ano ba naman itong kahihiyan na ito nakakahiya talaga kay Deon. Nako Cho Yra! Humanda ka talaga sa akin mamaya paguwi ko sa apartment! Lintek talaga tong nangyari sa akin ngayon! But nevermind mamaya na iyon sabay naman kaming maglunch ni Deon.


At ako kailangan ko ng pumasok sa trabaho baka marami na naman ang sasabihin sa akin ng boss ko. Isa pa nga pala yung sa project mukhang seryoso si Deon.





Ano kayang meron sa project na iyon? Kinabahan tuloy ako.

Have You Forgottenحيث تعيش القصص. اكتشف الآن