Chapter 17

37 23 13
                                    



Chapter 17: Mutual Feeling







Nagsimula na ang open ceremony nila lahat kami ay nakikinig lang andito pala lahat admins, principal pati yung may ari ng Lousville Academy.


Nakafocus lahat kami sa screen hanggang sa pinapakita yung mga litrato namin nakita ko ang litrato namin ni Syd na nakaakbay sakin at parehas kaming nakamask at nakacap naghiyawan naman ang mga tao sa amin ako naman ay hindi ko pinansin yon.



Ayun yung time na nagtrending sa Lousville yung picture namin as in kalat na yung picture na iyon tapos todo assume nga sila na meron daw kaming hidden relationship ni Syd ofcourse those f**kin rumor na paniwalang-paniwala sila kahit ang totoo palabas lang naming dalawa yon. Hindi rin naman kasi kami nagtagal.





Tumingin siya sa gawi ko at iniwas ko ang tingin ko. Bakit? Affected parin ba siya? Nevermind. Wala nga naman akong pakialam pa! Kung ano yung nakaraan sa amin, samin na lang yon. Ayoko ng inuungkat iyon kasi nakaraan na yon ang mahalaga yung sa ngayon.


"May time ba na nagsisi ka?" bulong ni Fiona sakin.

"Oo. Na sana hindi nalang kami dumating sa punto na ganon na sana pala hindi ko nalang siya nakilala. Ang tanga-tanga ko kasi sikat nga pala siya pero naniwala ako eh naniwala ako sa mga laro niya eh ako naman game na game din kaya ang hirap sobrang hirap magtiwala kasi yung paniwalaan ko dati ginago din ako." pinunasan ko yung nagbabadyang luha sa mata ko.


Tinignan ko bigla si Deon na nakatingin sa screen na seryoso ang mga mata bigla nalang akong napailing sa naisip. Hindi pwede to. Hindi ko rin alam kung pwede pa ba kong magtiwala ulit. I have these feeling to look forward para sa amin ni Deon pero nagaalanganin din ako kasi baka, baka nga magkaibigan lang kami at doon lang yon.

"Hey, wait! Saan ka pupunta?" hawak ni Deon sa braso ko.

"Magpapahangin. Bakit?"

"I wanna go with you."


"Magstay ka nalang dito baka hinahanap ka ng mga kaibigan mo."

"No, sasamahan kita tara." hinatak niya ko palabas. Basta nagpahatak lang ako at hindi ko alam kung saan kami pupunta nito.

Sumakay ako sa loob ng sasakyan niya at siya naman sa driver seat nakatingin lang ako sa labas ng bintana puro mga gusali. Maling-mali pala yung desisyon ko na pumunta sa reunion kinakabahan pa naman din ako excited pa man din ako pero nawala ang lahat ng kaba at excitement nung makita ko yung litratong iyon.

Huminto ang sasakyan sa isang malawak na daan at sa harapan nito ang dagat na kitang-kita tuwing umaga pero mas lalong gumanda nitong gabi dahil sa gusali at makukulay na mga ilaw na nakapaligid dito. It was a peace and calm place. Itong sea side na nagsilbing tambayan ko tuwing gusto kong napapagisa ako.


"Alam mo bang paborito ko itong lugar na to?" tahimik lang siyang tumango.

"Nandidito ko kapag gusto kong mapagisa, makapagisip-isip ito sa lugar na to." saad ko habang nakatingin lang sa mga gusali.


"Do you still love him?" biglang tanong niya at ang mata niyang seryoso na nakatingin sa akin.

"No." tipid na sagot ko at nakatingin din sa mga mata niya.

"Then why are you crying?" at sa tanong niyang yon biglang tumulo nalang ang mga luha ko. Nakakainis naman siya e! Kahit anong punas ko ay patuloy parin ang pagbagsak nito sa mga mata ko.

"Sana kasi...hindi nalang ako pumunta bakit parang wala lang sakanya hanggang ngayon tuwing naalala ko yun ang laking trauma ang tumatak sakin nun. Natatakot na ulit akong magmahal at magtiwala ulit baka kasi maulit lang yung nangyari." nagulat ako ng niyakap niya ko hinahaplos niya yung likod para pagaanin ang nararamdaman ko.

"Tahan na. Pwede bang ako nalang pumawi sa lungkot mong iyan? Pwede ba yun, Allura? Simula kasi nung nakita ko kayong nagusap na dalawa parang may galit ako na naramdaman. Hindi ko alam pero nagselos ako nun nung magkasama kayo. Ang weird no?" sambit niya habang ang dalawang braso niya ay nakayakap parin sakin.

"Allura, baka nga nagugustuhan na kita."


"Hoy! Ikaw kung magbibiro ka huwag ngayon tsk!"


"I'm not joking, allura! Seryoso ko."


"Deon!" padyak ko. Nakakainis kasi! Kumalas nako sa pagkakayakap niya aba! chansing siya dun ah pero gumaan naman kahit papaano ang pakiramdam ko.

"Okay kana?" tanong niya.

"Oo tara na! bumalik na tayo doon."

"Huwag na dito nalang muna tayo baka maaway ko pa yung ex mong yun."

"Selos ka?"


"Oo." nagsalubong na naman ang dalawang kilay niya. Ang cute niya!

Si Deon? May gusto sakin? Bago yun ah.


***


"Umamin siya sayo? Sabi ko sayo prend eh!"

"Argh! Fiona makauga naman to nakakahilo ah!"

"Masaya lang ako para sayo! Ito naman. Di ba atleast the feeling is mutual. Dalaga kana nga girl HAHAHA!"

"Ayan ka na naman!"

"Joke lang ito naman!"

"May label na ba?"

"Bakit kayo may label din ba kayo?" tanong ko din sakanya.

"Ah wala." sabay iwas na tingin niya.

"Sige na dito na ko." sambit ko at binuksan na ang pintuan ng kwarto nilock ko na at nagbihis.

Binuksan ko na ang laptop at nagbrowse sa facebook puro mga shared post lang ang mga nakita ko kaya nagedit nalang ako sa word ng hindi ko pa natapos na document.

From: Deon
Nandyan kana?

To: Deon
Oo.

From: Deon
Deina wants to see you.

To: Deon
Talaga?
Bukas pwede?

From: Deon
Yeah, okay.
Kanina pa nga nangungulit sakin dito.
Tomorrow. Hidden Lane Café.



Si Deina yung high school student na kapatid niya na gusto raw ulit akong makita. Ano kayang meron? Ang cute din ng batang yon napakagalang at bait pa. Siya yung batang na nagsilaglagan yung mga libro kaya tinulungan ko siguro nabigatan siya.




Pwede na kaya kong magmahal ulit? Sana ito na, sana siya na. Si Deon na nga ba yung para sakin o hanggang doon nalang?

Have You ForgottenWhere stories live. Discover now