♡JACK POV.♡
TIIMBAGANG NAMING tinahak ang daan patungo sa bahay nila Sean.
At nang makarating kami ay nagulat pa siya sabay kinunutan kami ng noo.
"Bakit ganyan yung itsura nyo?" Tanong nya.
Inis akong nag iwas ng tingin at pinaupo nya kami sa magandang sofa ng kanilang mansion.
"Hindi namin mahanap si Mommy" panimula ng mapapangasawa ko.
"Ano?. Wala kana bang koneksyon sa Kuya mo?" Tanong ni Sean. Ako na ang nailing. Hindi nagsalita ang katabi kong si Trisha.
"Siguro naman ay puwedeng matuloy yang kasal na yan kahit wala yung parents nya diba?" Biglang may nagsalita sa likod namin at nakita si Mckenzie na inabot ang kape sa kanyang nobyo.
"Siguro nga, ituloy nalang natin kahit wala sila" hinawakan ni Trisha ang kamay ko at tinitigan nya ako sa mga mata. Malamlam ang kanyang mata pero hindi paren mawawala ang kaba na nararamdaman nya. Kabang baka bigla nalang sumulpot ang Mommy nya para hadlangan ang kasal.
"Wala na sila sa dating mansion" nangingilid ang luha ni Trisha ng sabihin nya yun.
"Pero paano nga natin makakausap o paano natin mahahanap yung Ina mo?" Tanong ni Mckenzie.
"Kung puwede sana" tumingin si Trisha kay Mckenzie at hindi pa man naitutuloy ni Trisha ang sasabihin nya ay umiiling iling na si Mckenzie at umupo sa tabi ni Sean.
"May trabaho ako Trisha." Usal na ni Mckenzie.
"Pero hahanapin mo lang naman sya at kakausapin." Nagmamakaawa ng sabi ni Trisha. "Kumbinsihin mo lang naman sya, kahit mag kunware lang sya sa araw ng kasal namin pag tapos nun puwede nya ng gawin ang lahat saamin" naluha na si Trisha kaya naman umalo agad ako at lumapit si Mckenzie saamin.
Bumuntong hininga sya.
"I will... but! Promise me na lagi kayong mag iingat. Jack? Ingatan mo ang mag ina mo" pangangaral nya pa.
"What are you talking about?" Hindi ko na maiwasang kabahan sa pinag sasabi nya.
"Hindi natin alam kung ano nga bang plano ng Mommy mo. Baka nga alam nya pang andito na kayo eh." Sabat ni Sean.
"Pero promise kikilos ako." Nangiti pa si Mckenzie at hinagod yung likod ni Trisha.
"Nai postpone na yung kasal. I aatras lang namin ng ilang linggo hangga't wala pa ang Mommy nya" sagot ko.
Tumango ang mag nobya't mag nobyo.
Isa pang iniisip ko ang pagbubuntis ni Trisha kaya naman hindi ko mapigilang hindi kabahan dahil baka sa pag hahanap namin ay mapahamak pa ang batang dinadala nya. Ayukong mangyare yun kaya naman sinasabi na namin ang lahat sa kanila. Isang buwan at isang linggo na ang batang dinadala ni Trisha, ang anak ko.
Sila yung kaibigan na pag kailangan, tutulungan ka sa bawat kapahamakan, ililigtas ka at sa bawat iyakan aaluhin ka.
Habang nag lalakbay ang isipan ko ay nakatingin lang ako kila Sean at Mckenzie na nakikipag kuwentuhan kay Trisha.
Gusto naming ituloy yung kasal. Pero mas gusto naming buo ang pamilya namin pag nangyare yun. At mas gusto naming tahimik at masaya ang magiging kasal namin. Alam kong hindi support ang Mommy nya saamin. Pero gagawin ko paren ang lahat para maging mabuting ama at asawa.
"Uuwi rin ba kayo sa america pag tapos ng kasal nyo?" Tanong ni Mckenzie.
"Yes. Yun yung plano namin eh" sambit ni Trisha.
BINABASA MO ANG
My Yaya Is My Girlfriend Season 2 [Slowmo Update ]
Action(May Season 1 tuh guys yeah!) Mga magkakahalong kuwento ng isang love story. Hindi lang yun syempre nangunguna ang paborito nating Character na sina Sean at Jam/Mckenzie. Sa mga ibang nakabasa na ng Season 1 neto alam kong kilala niyo narin ang iba...