Simula

5.1K 88 8
                                    

"Nasaan siya?"

"Ayon ho." Nagtaka ako ng itinuro ako ng Head Maid kaya napaturo din ako sa sarili sabay bulong. Tinignan ko ang katabi niyang siyang boss namin. Nakatingin ito saakin, maya maya'y tinignan ako mula ulo hanggang paa, paa hanggang dibdib. Agad na napatakip ako sa dibdib ko sa uri ng titig niya saakin.

"Send her to my office." Tumango ang Head Maid saka naman umalis ang boss. Sabaysabay na nagsipagtinginan ang mga kasambahay sa loob ng living room na siyang tumutulong sa paglilinis. Nilapit ako ng Head Maid, tinignan ako at saka sininyasan akong sumunod sakaniya.

"A-ano pong nangyayari?" Bagama't nagtataka sa ikinikilos ng Head sumunod padin ako sa utos niya dahil ayaw kong matanggal sa trabaho. Malaki ang sweldo dito at ito ang tanging trabaho ko na malaki ang naipapadala sa mga magulang ko sa Probinsya.

"Kakausapin ka ng Boss, may personal kayong paguusapan. Kaya't kung ayaw mong matanggal sa trabaho ayusin mo ang pakikipag usap." Wala sa sarili akong tumango. Nang makarating sa saktong pintuan ng Boss ay iniwan ako ng Head kaya't dahil hindi ko alam ang gagawin ay binuksan ko nalamang ang pintuan.

"Sit down." Ito ang unang pagkakataon na makakausap ko siya sa ilang buwan kong pagtatrabaho dito. Minsan kasi'y wala siya dito o kapag andito naman ay nasa kwarto kasama ang babaeng dinadala niya.

"A-ano pong meron?"

"Here. Sign this." May ibinigay siya saaking papel. Hindi naman ako bobo, marunong naman ako magbasa. Nakagraduate ako ng highschool ngunit di nakayanang makapasok sa Kolehiyo dahil hindi naman ako matalino kaya't hindi ako pumasa sa pagsusulit para sa scholarship. At wala din naman kaming pera para makapagbayad. Kaya't lumuwas akong maynila dahil madaming nakakapagsabing mataas ang sahod.

"P-para saan po ito?" Hindi siya nagsalita patuloy lang siya sa pagtitig sa dibdib ko habang umiinom ng Red Wine sa baso niya.

"Sign that thing and be my baby maker."

"P-po?"

"You don't want? Then I'll give it to someone willing. Sayang naman ang isang milyong-"

"I-isang Milyon?"

"Ahuh." Ngumisi siya saakin at agad ding binalik ang tingin sa dibdib ko. "Read the contract so you can know more about you being a baby maker."

"Ahm.. Ang haba haba kasi at lahat pa'y englis. Maari mo nalang po bang ieksplin saakin kung paano?"

Bumuntong hininga siya't inilagay ang basong hawak sa lamesa. Lumapit siya saakin at inilagay sa gilid ng taenga ang tumatakas na buhok ko atsaka ako hinalikan sa labi na siyang nagpagulat saakin.

"I do not want to get married yet. So my parents told me that if I showed a child to be their heir and grandson, they would not force me to get married." Naintindihan ko naman ang sinabi niya. Sadyang hindi ko gusto ang magbasa kaya gusto kong sabihin nalamang niya.

"Kung papayag ako. May karapatan padin ba ako sa magiging anak ko?"

Sarkastiko at malakas siyang tumawa. "Did you hear what i have said? I. don't. want. to. get. married. yet. When you give birth to the child you have no right to appear infront of him. in return I will give you one million wages for giving birth to my future child."

"Pe-pero-" Tatango nalang ako pero may plano naman ako. Kahit ano g gawin pa niya'y gagawin ko ang gusto ko oara sa magiging anak ko.

"The contract says, if you appear infront of my child you'll be imprisoned for Six Years. if I were you, I would leave and never show up again." Nakakatakot ang banta niya. Kung makukulong ako paano na ang pamilya ko. Kung tatanggapin ko naman ang gusto niya makakatanggap ako ng isang milyon. Pero hindi ako pinalaking masamang tao na iiwan lang ang anak. Pero paano na ang pera? Pambili ng bahay at pampagamot din ito ng kapatid ko.

Mr. Billionaire's Baby Maker [COMPLETED]Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt