014

18.1K 250 54
                                    

ISAAC'S

Ups! Gambar ini tidak mengikuti Pedoman Konten kami. Untuk melanjutkan publikasi, hapuslah gambar ini atau unggah gambar lain.

ISAAC'S

***

"Ewan ko sa 'yo," naiiling kong sabi kay Calvin dahil ang loko, kung ano-ano nang kabastusan ang sinasabi.

Natawa naman siya sa akin bago paulit-ulit na tumango. "Fine. Serious mode on na. What's with Nymphomaniac?" Then he leans on his seat before crossing his arms in front of his chest. He looks at me, suspiciously.

Nag-iwas ako ng tingin kay Calvin at itinuon ang atensyon ko sa aking notebook. Parang mali na i-disclose ko sa kaniya ang tungkol sa kondisyon ni Rina. I mean, I'm in no position to do that.

Pero... Kaunti lang naman ang alam ko sa Nymphomaniac Disorder. I mean, I am a Psych student but I don't think my knowledge is enough to help or at least handle Rina while she's in my place.

Wala rin naman akong gaanong alam sa sex. Yeah. I am way too older than Calvin but when it comes to sex thing, he knows a lot more than me. At iyon ang kailangan ko para maunawaan ang kalagayan ni Rina. At least, I need to have enough knowledge about her disorder and about... Sex.

"So, dedemahin ko na lang ang tungkol sa pagbubukas mo ng topic tungkol sa Nymphomaniacy?" panghahamon ni Calvin na naging dahilan para humigpit ang hawak ko sa aking notebook. "Okay. Madali naman akong kausap."

Nag-angat ako ng tingin sa kaniya at tinimbang ang sitwasyon. Dapat bang siya ang kausapin ko tungkol kay Rina? Well, I can actually tell him about Rina without telling him her namea and identity. Isa pa, it's not like I know a lot about Rina. She's still a mere stranger to me.

Napabuntong hininga ako at pinakaisip-isip ang sitwasyon.

I know for a fact that Calvin will know more about Nymphomaniacy than me. After all, kapag tungkol sa sex, alam na alam niya ang lahat. He got this weird and kind of peculiar obsession about sex. Minsan nga iniisip ko na baka may kondisyon din siya pero nilinaw niya sa aking matino ang kaniyang pag-iisip.

"Hoy, Father Isaac! Alam ko 'yang mga tingin na 'yan. Ilang beses ko nang nilinaw sa 'yo na matino ang pag-iisip ko," nakakunot ang noo na sita niya sa akin na ikinatawa ko nang bahagya.

My friendship with Calvin may not be as long as the others but I can say that we know each other pretty much.

"Wala akong sinasabi. Sa bibig mo nanggaling 'yan," nakangising tugon ko bago tuluyang binitawan ang notebook.

Sa kabila ng tahimik na paligid sa loob ng library, ang damuhong si Calvin ay walang hiya talaga. Bigla ba namang kinalampag ang lamesa sa pagitan namin na naging dahilan para mapatingin sa amin ang ibang estudyante.

"Alam mo bang nananakit ako kahit mala-anghel pa ang bait?" he said before flexing his arms.

Hindi naman nakaligtas sa akin ang mga tingin ng ilang babae. Sa halip na mainis sila kasi ang ingay ng kasama ko, aba't tuwang-tuwa pa sila sa amin lalo na sa baliw na kaibigan ko.

Insanely InsatiableTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang