Rain or Jon

200 7 0
                                    

Part12

Abie*
POV

Nagkakamot tuloy ako ng ulo kung anong uunahin ko sa mga to. Para matapos na tong problema ko e kumuha ako ng tig iisa sa apat na box. Kumbaga apat na slice yung kakainin ko ngayon. Pagkatapos pinagpatong-patong ko na sila't pinasok sa ref. Buti nalang malaki yung ref at malaki ang space kaya nagkasya yung apat na box ng Pizza.

"Okay, makakain na nga."

Sinimulan ko nang kainin tong Hawaiian Pizza na galing kay Jon. Kumagat ako saka ngumuya tapos biglang tumunog yung cellphone ko. May nagtext kaya binasa ko. Nanlaki ang mga mata ko nang mabasa ang pangalan ni Rosalie. Nagmamadali akong buksan yung message tapos naluha na ko kase nagsosorry sya saken.

[Hi Abie. I'm sorry kagabe. Pinuntahan ako ni Carl dito ngayon lang. Sinabi nya saken lahat-lahat nung tungkol sa plano ni Jon. Sinakyan nya yung bestfriend nya syempre close friends sila pero hindi daw nya intensyon na sirain yung pagkakaibigan naten. Grabe, gusto daw makipagbalikan ni Jon sayo. Pinaliwanag ni Carl saken lahat-lahat na si Jon pala yung nahalikan mo pati yung nag ano kayo sa likod ng Club pero akala mo daw si Carl yun. Sorry talaga Abie. I miss you na. I'm really sorry.] Text ni Rosalie.

Binitawan ko na muna tong Pizza saka ako nagtype na naiintindihan ko sya. Nag-sorry din ako sa kawalang alam na Ex na pala nya yung nakaka harutan ko. Pinaliwanag ko din dito sa text na hindi ko alam na si Matthew si Carl. Sinabi ko din sa text na nagka-usap na kami ni Jon kanina lang.

[Oh em jii! Legit pala na si Jon talaga yung ninakawan mo ng halik kagabe. Gosh nakakakilig naman. Hehe. Edi okay na kayo?] Reply nya.

[Hindi noh. Haha! Galit parin ako sa kanya kahit may nangyare kagabe. Nga pala, pano nakapunta si Carl dian? May contact ba kayo sa isa't-isa?] Text ko.

Nanlaki ang mga mata ko sa reply ni Rosalie. Ang tibay nyang magtype grabe. Pinaliwanag nyang nagde date pala sila ni Matthew o Carl nung nakaraan linggo lang daw pero hindi pa sila nagkakabalikan. Kumbaga gusto lang muna nilang magsimula kagaya ng dati na naging magkaibigan muna sila bago nagligawan.  Ayon pa sa text nya nagdadalawang isip sya kung makikipag-balikan pa ba sya lalo't babaero si Matthew o Carl. Parehas kase kame ng pinagdaanan. Kaya lang inamin ni Carl na nambabae sya hindi gaya ng kay Jon na ni drug daw talaga ni Katie.

[Buti okay kayo ni Carl. Sana lang wag na nyang ulitin yung ginawa nya dati.] Sabi ko.

[Okay na kame pero friends lang muna. Sinabi ko naman sa kanya na hindi pa ko ready. Diba grabe yung ginawa nya? As in nahuli ko syang nakikipagsex. Hindi naman sya lasing nun tapos inamin pa nya kaya naiilang ako na natatakot.] Reply nya.

[Hindi kita masisisi basta mag-iingat kana. Mahirap nang masaktan ng paulit-ulit. Uhm, nga pala gusto mo bang pumunta dito bukas? Wala kase si Chelsea. Hehe. Baka lang naman gusto mong mamasyal.] Text ko.

[Okay sige. G ako dian mga tanghali. Osha, matutulog na ko. Magpahinga kana din. Good night Gaga. See you tommorow.] Reply.

[Sige sige good night din Gaga. Mayamaya na ko matutulog. See you.] Text ko tapos pinatong ko na tong phone ko sa mesa.

Nakangiti akong nagpatuloy sa pagkain ko. Masaya akong nagka-ayos na kame ni Rosalie. Salamat at wala na kong kinaka stress ngayon...

*

Matapos kong kumain. Naghugas na ko ng mga kasangkapan dito sa lababo. Pagkatapos uminom ako ng gatas at tubig saka na umakyat para makapag toothbrush, hilamos tapos matutulog na...

*

Kinabukasan,

Paggising ko ng 9am. Nakatanggap ako ng announcement text galing sa gaganaping Anniversary ng Playground. Grabe, akala ko pa naman si Rain o si Jon na yung nagtext.

Playground (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon