Takot

211 7 0
                                    

Part16

Abie*
POV

Sobrang sakit ng katawan at ulo ko. Marahan akong dumilat para malaman kung anong itsura ng lugar na to. Maliwanag dito tyaka malamig. Nakita ko si Ate Julia na nasa kanan banda ko. Umiiyak sya habang pinapakalma sya ni Kuya Tyler na asawa nya. Marahan akong lumingon pakaliwa kase may naririnig pa kong umiiyak dito. Naluha ako nang makitang umiiyak si Rosalie at Chelsea. Nandito din si Ate Margo.

"Oh."

May humahalik sa kaliwang kamay ko. Nandito din pala si Jon. Umiiyak sya't pinatahan ng Mama nyang si Tita Sandra.

"J-Jon?" Bulong ko.

Tumingin agad si Jon saken sabay tayo sya sa kinauupuan at pasalubong akong niyakap saka hinalikan sa noo. Pagkatapos parang may sinasabi ito pero hindi ko maintindihan. Nagpuputol putol kase kumikirot yung utak ko at inaalala yung nangyari saken. Pati si Ate Julia ko parang sumisigaw pero wala kong maintindihan. Buti nabulong ko pa yung pangalan ni Jon kahit may tubo ako sa bibig.

"Abie?? Abie tignan mo ko!" Sabi ni Ate Julia.

Lumapit agad yung babaeng doctor na kakapasok lang dito sa kwarto. Nilapitan agad nya ko saka chineck yung heartbeat ko gamit yung stethoscope. Pagkatapos tinutukan naman nya ko ng flashlight. Nakakahilo tong ilaw tapos parang may sinasabi yung doctor pero hindi ko talaga maintindihan. Marahan akong pumikit para kumalma...

*****

Jon*
POV

Nakatingin kaming lahat kay Abie habang chinicheck up sya ng doctor. Hindi tuloy ako mapakali. Nalulungkot akong makita syang ganito.

"Anak, tamana." Sabi ni Mama.

Hindi ko mapigilan maiyak kase naaawa ako kay Abie. Naiinis din ako kase bakit sya ginanito ng Rain na yun.

"She's awake." Sabi ng Doctor.

"Oh Jusko! Salamat." Iyak ni ate Julia.

Salamat naman she's really awake na. 8 days na syang tulog kaya importante ngayon samin ay ang maka-usap na sya. Natatakot pa naman ako sa sinasabi ng mga nurse  na baka ikabaliw ni Abie yung nangyari sa kanya.

"Thank god please help her..." Bulong ko.

"Ngayong gising na sya mukhang kailangan pa nyang kumalma. Please, wag nyo muna syang bibiglain paggising ulit nya." Sabi ng Doctor.

Nagpasalamat si Ate Julia tapos umatras na yung doctor saka lumabas dito sa kwarto.

"Abie." Sabi ni Ate Julia.

Nakapikit na si Abie at mukhang nagpapahinga ulit. Good news to dahil gising na sya at makakapagpahinga pa. Ang bad news nga lang ay hindi namen mahanap si Rain. Naiinis talaga ko. Sana pala pinaglaban ko si Abie kahit may Rain pang umaaligid sa kanya. Sana talaga hindi ko sya sinukuan.

"Osha, magsi-uwian na muna kayo. Magpahinga kayo." Sabi ni Mama.

Inaya na ni Tita Margo sila Chelsea at Rosalie na magsi uwi na tutal ay nagising na si Abie. Babalik nalang daw sila bukas. Tumango-tango ako saka sila lumabas dito sa kwarto. Naiwan kame nila Mama, Ate Julia at Kuya Tyler.

"Magandang balita to. After 8 days nagising na si Abie. Kaso, pano na yung isa pa nateng problema? Sandra, hindi ko kakayanin kapag walang hustisyang makukuha ang kapatid ko." Sabi ni Ate Julia.

"Jul, kumalma ka muna. Ginagawa nila Josh at Ivan ang lahat para mahanap yung lalaking gumawa nito kay Abie. Please lang, kailangan mong kumalma." Sabi ni Mama.

Nagsimula nanamang umiyak si Ate Julia kaya niyakap na sya ni Kuya Tyler para patahanin ulit. Hindi ko sya masisisi kung bakit sya umiiyak ngayon ng ganyan. Kahit sino namang pinakamamahal mong kapatid ang pagdadaanan ang kagaya ng nangyari kay Abie e mahihirapan talagang maka-move on. Kahit ako ngayon, nahihirapan ako dahil nalaman kong grabe yung nangyari sa Mahal ko...

Playground (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon