PROLOGUE

445 18 1
                                    

Third Person Point of View

"Pack your things children." Nagmamadaling sabi ng isang Ginang sa dalawang taong tahimik na nanunuod ng telebisyon.

Tiningnan siya nito ng dalawa na may nagtatakang tanong.

"Why mom?" A girl ask her mother. Hindi mapakali ang Ginang at palingon-lingon sa pintuan ng kanilang tahanan.

"Is there any problem, Mom?" sambit naman ng isang binata sa ina. Kinakabahan na ito na hindi nila alam ang dahilan.

"Just pack your things. Hurry!" Hindi na nag-aksaya pang magtanong ang dalawa at kaniya-kaniyang umakyat ng kwarto upang mag-impake. Confuse written on their face.

Ilang minuto nang bumaba ang dalawa, dala-dala ang mga gamit na in-impake.

"This way kids," Naguguluhan man sumunod na lang ang dalawa sa inang nagmamadali. Dumaan sila sa likod ng kanilang bahay upang lumabas.

"Hey, what happen to mom?" bulong ng dalaga sa katabing binata. Hindi siya nito sinagot bagkos ay binigyan lang siya ng kibit balikat.

Humarap sa kanila ang kanilang ina.

"Shin. Keep this thing, don't lose it. And please... take care of your sister." paki-usap ng Ginang sa anak na lalake. Nagtataka man tumango na lang ito sa bilin ng ina at ibinulsa ang binigay sa kaniya. Nilingon naman ng Ginang ang anak na babae.

"Be a good girl Kiera and always listen to your brother, always remember that I love the both of you."

"Mom, what are you talking about?" takang tanong ni Kiera sa ina. Ngunit hindi siya nito sinagot at binalingan ulit ng tingin si Shin.

"Now go, just go straight inside the forest. When you found a big tree just touch it and go to Academy. Please be safe." Tu-tutol pa sana si Kiera nang makarinig sila ng isang alulong ng kung ano mang klaseng hayop.

Nakakatakot itong pakinggan.

"Go, before they found you." nagmamadaling tinulak ng Ginang si Shin na walang magawa kundi ang sumunod na lang. Umiiyak naman sumunod si Kiera sa kapatid at huling sinulyapan ang Inang hinaharap ang higanteng lobo.

"Mom," Huling sambit niya ng tuluyan nang mawala sa paningin nito ang Ina.

Naglalakad silang tahimik. Nagtataka sa nangyayari. Napahinto si Kiera nang marinig ang alulong. Malapit na ito sa kanila. Narinig din nito ang pagmura ng kapatid bago siya hinila patakbo.

Nararamdaman nito ang palapit na palapit nang pagyanig sa kanilang kinaroroonan na lalong ikinakaba ni Kiera.

"Where is it. Where is it... Fvck!!" blanko ang utak ni Kiera sa nangyayari. Wala talaga siyang alam sa nangyayari.

Isang alulong ulit ang narinig nila mula sa likuran nila. Nang lingunin ito ni Kiera pulang mata agad ang nakita, naglalaway ang bunganga at handa na silang lapain.

"Found it," napapikit si Kiera dahil ilang dipa na lang at maaabot na ng higanteng lobo ang kamay nito. Pero sa sandaling 'yon iba ang naramdaman niya. Hindi sakit kundi ang kakaibang atmospera ng paligid.

Napamulat siya ng mata at nagulat sa nakita.

Isang malaking gate ang nasa harapan nila na may nakaukit na 'Cloud Academy'.

"Where are we?"

Cloud Academy ll: The Lost (On-going)Where stories live. Discover now