Chapter 2: Meeting them

264 18 0
                                    

Kiera's Point of View

I am nervous. Kanina pa ako dito sa tapat ng pintuan ng classroom. Wala na ring tao sa paligid dahil lahat ay nasa classroom na. Hindi ko pa naman kasama ngayon si Shin, baka nasa loob na.

Huminga muna ako ng malalim at kumatok ng ilang beses. Hindi rin maiwasan manginig ng kamay ko dahil sa kaba. Wala akong kakilala dito.

Bumukas ang pintuan at iniluwa nito ang isang babaeng nakasuot ng uniform ng teacher. Ngumiti ito ng makita ako.

"You're the other transferee, right?" tanong nito sa 'kin. Tumango ako sa kaniya at agad na nilakihan nito ang pintuan

"Come in."

Pumasok ako sa loob at sinundan ang guro namin. Napayuko ako dahil lahat ng mata ay nakatingin sa 'kin. Hindi ako sanay sa mga tingin nila.

"She's the other transferee that Headmistress referring to. Please introduce yourself," nakangiting sabi niya sakin.

Tiningnan ko ang lahat kong kaklase, they're all waiting my introduction. Napako ang mata ko ng makita ko si Shin sa likuran, nakatingin din sa 'kin kaya naman ngumiti ako at nilakasan ang loob.

"H-Hi, my name is... K-Kiera Lopez," tanging sambit ko.

Gosh! Nakakakaba.

"Okay Ms.Lopez. Please sit on the available chair. Are you related to Mr. Shin Lopez by the way?" tanong nito sa 'kin. Tiningnan ko naman si Shin na umiwas ng tingin.

Magsasalita na sana ako ng naunahan niya ako.

"We're not related," Napayuko ako sa sinabi nito.

Bakit ba ayaw niya akong maging kapatid?

Umiwas ako ng tingin ng tumingin si Shin sa gawi ko.

"Please take a sit, Ms. Lopez." Tumango ako at naghanap ng mauupuan.

Pero wala akong choice dahil do'n na lang sa tabi nito ang bakante. Umupo ako do'n at hindi siya pinansin.

Pagkatapos ng unang subject ay naghintay pa kami sa susunod na klase. May napapansin akong mga kababaihan na nagpapansin sa katabi ang iba naman ang sasama ng tingin sa 'kin.

Bakit?

Sino ba naman ang 'di mahuhumaling sa mukha ni Shin. Mayron siyang kilay na makapal, pilik mata na mahaba, matang kulay pula kagaya ng apo, a pointed nose and thin lips na mamula-mula pa. May buhok na kulay pulay at mahabang bangs sa kanang bahagi ng mukha na natatabunan ang kanang mata.

He always wear a serious expression and lazy voice. Almost perfect pa ika nila.

While me?

I have a straight brown hair na hanggang siko ko. Maputi ako pero mas maputi si Shin. Medyo makapal naman ang kilay ko pero mas makapal ang kilay ni Shin. Natural lang ang pilik mata ko at mayro'n brown na kulay ng mata. Medyo matangos ang ilong ko pero mas matangos kay Shin. Maliit din ang shape ng mukha ko at mayron rossy lips. In short maganda din naman ako.

Hindi ko na lang sila pinansin at kukunin na sana ang notebook ko ng nahulog ito. Mabilis ko itong kinuha pero nakuha na ito ng katabi ko.

"Are you mad at me?" tanong nito sakin, mabilis kong hinablot sa kaniya ang notebook ko at hindi na pinansin.

Narinig ko siyang huminga ng malalim kasabay no'n ang pagpasok ng susunod naming Prof.

Nagpakilala muna ito sa 'min at naglecture na pero wala ako sa mood para makinig.

Natapos ang klase na wala akong natutunan. 'Di kasi ako nakinig diba?

"Hey, Kie." Napairap ako sa kawalan. Kanina pa ako nito kinukulit mula sa classroom at hanggang dito ba naman susundan pa rin ako?

Cloud Academy ll: The Lost (On-going)Where stories live. Discover now