Chapter 1: Magic World

384 17 0
                                    

Kiera's Point of View

"Where are we?" tanging tanong ko kay Shin ng makita ang paligid.

Nagtaka pa ako ng hindi ko na nakita ang humahabol sa 'ming malaking lobo. Inilibot ko ang paningin ko, saang lupalop ba kami ng mundo napunta? Ibang-iba ang atmospera ng hangin dito keysa sa hangin sa gubat. Mahahalata ang kaibahan ng paligid at puro malalaking puno ang aking nakikita. Tanging huni ng mga maliliit na insekto ang maririnig sa paligid hanggang sa nadapo ang paningin ko sa isang sulok.

May isang malaking gate na nakatayo doon na kumakalawang na at puno ng mga baging ng halaman ito. Sa itaas ay may nakalagay na sulat 'Cloud Academy'.

Napaisip ako. Ito kaya 'yong sinasabi ni Mommy Academy? Matutulungan kaya nila kaming mailigtas si Mommy sa malaking lobo na naghahabol sa 'min?

"Can't tell." Napanguso ako sa sagot ni Shin. Walang emosiyon niyang sinabi iyon habang mariin na tinitingnan ng gate na nakita ko kanina. Kagaya ko ay naguguluhan din siya at nagtataka. Pero kahit ganon hindi pa rin maalis sa ugali niya na kahit talaga kailan ang haba magsalita, ang saya!! Insert the sarcasm.

Pero 'yong totoo. Iniisip din ba kaya ni Shin ang iniisip ko ngayon? Sinulyapan ko siya ng ilang minuto, sinisigurado kung ano ba ang balak niyang gawin. Huminga ako ng malalim at pinunasan ang maliit na butil ng luha ko kanina, hihingi naman ng tulong si Shin 'di ba?

Humakbang ako ng ilang beses at binuka ang aking mga labi para kausapan sana ulit si Shin nang biglang nagbukas ang gate na kanina ay sarado. Bumungad doon ang isang babae na nakasuot ng formal attire. Nakangiti siya habang nakatingin sa amin na siya namang ikinakaba ko.

Mabilis akong tumabi kay Shin at hinawakan ang laylayan ng damit niya, napansin ata niya ang naging kilos ko dahil napatingin siya sa akin ng saglit.

"Welcome to Cloud Academy, may I help you?" Nakangiting sambit ng babaeng sumalubong sa amin. Napabitaw na lang ako sa laylayan ng damit ng katabi ko dahil narinig ko ang pag hissed nito,

Umayos ako ng tayo at lumapit sa babae. Mukha naman kasing mabait kaya magtatanong ako. Wala naman kasing balak magsalita ang kasama kong akala mo pepe.

"Nasaan po kami? At anong lugar 'to?" Tanong ko sa kaniya. Ngumiti siya sa 'kin at nilingon ang lalaking nasa aking likuran.

"I'll tell you but first let's go to Headmistress Office," nagdalawang isip pa ako kung papasok ba kami o hindi. Ganon na lamang ang paghulog ng panga ko ng binangga pa ako ng walang kwenta kong kasama at nauna nang pumasok. Napairap na lang ako at sumunod sa babae.

"By the way, I'm Ami. The Headmistress Secretary," pagpapakilala nito habang naglalakad kami. Hindi ko mapigilang mamangha dahil sa nakikita ko.

Marami ang nagliliparang mga paro-paro sa paligid. Lalo pang nakakamangha dahil kapag ginagalaw nila ang pakpak nila ay may nahuhulog na parang dust.

"Ang gaganda ng mga paro-paro!" manghang sabi.

Nilingon ako ni Ms. Ami, nakangiti pa rin ito.

"They're not butterflies Young Lady. They're fairies." Napanganga na lang ako sa sinabi nito. Fairy? As in yung maliliit na taong may pakpak, 'yong may powers?

Napatingin ako kay Ms.Ami ng humagikhik ito. Masyado ba akong nagulat. Nakakapagtaka mayro'n palang fairies sa lugar na 'to?

"Let's keep going," aniya nito ng huminto kami saglit. Lalo pa akong napanganga sa nakikita ko at hangang-hanga sa mga disenyong nakakabit.

Cloud Academy ll: The Lost (On-going)Where stories live. Discover now