CHAPTER 23 ( Jelous)

15 4 2
                                    


Ella  PoV

Kuya pogi totoo ba ang sinabi mo kahapon?  Nakangiting sabi ni esay sa kaniya na nagsisibak ng kahoy si esay nakaupo sa mga kahoy na nasibak na niya. Samantalang si erol nakatayo lang ito sa tabi ni esay at paminsanminsan kinukuha ito kapag tumatalsik sa malayo ang kahoy.

Lahat naman ng sinasabi ko totoo  "nakangiti niyang pahayag dito,  nakikinig lang ako sa usapan nila at dahil simula nang sinabi niya iyong mga katagang nagpakilabot ng puso ko hindi ko na siya matitigan at sa t'wing nakakatagpo ko siya ako na mismo ang lumalayo dito dahil hindi ko maiwasan ang hindi mahiya sa mga pinagsasabi niya kahapon. Kung lahat ba iyon ay katutuhanan. Pero aaminin ko sa sarili ko na umaasa ang puso ko na sana totoo lahat iyon.

Ibig sabihin magiging kuya na po kita?  Masayang sabi ni esay sa kaniya.

Gusto mo ba akong maging kuya?  Pabalik na tanong niya na sunodsunod naman ang tango ng bata.

Then,  magiging kuya mo na ako nakangiti niyang sabi para pagpulahan ako ng mukha dahil sa sinabi niya. Nagrarambulan naman ang puso ko dahil sa saya na nararamdaman ko ngayon.

Ibig sabihin magkakababy na kayo?  Nabulunan ako ng sarili kung laway sa sinabi ni esay. Napatigil Pa ako sa pagkusot ng kumot na nilalabhan ko ngayon. Napahawak ako sa bandang dibdib ko ng hindi agad ito makasagot , hindi ko makita ang kaniyang reaction dahil nakatalikod na ito ngayon sakin dahil nakaharap na siya kay esay.

Bakit gusto mo na ba ng baby? Mas lalo akong napahawak sa dibdib ko sa sagot niya.

Opo kuya... Gusto ko na po " sabi naman ni esay at panay ang tango nito. Nakita ko Pa na maybinulong siya dito at napatingin silang dalawa sa gawi ko. Napatungo naman ako at nagpanggap na nagkukusot kahit hindi ako sigurado kung nakukusot ko ba ito ng maayos. Narinig ko Pa ng may maliit na mga yapak ang paparating sa akin.

Ate?  Nagulat ako sa sigaw ni esay.

Ba... Bakit esay?  Kinakabahan kung sabi.

Sabi ni kuya pagbibigyan mo ba siya?  Nanlaki ang Mata ko sa sinabi niya. Huh? 

Ate naman eh,   hindi ka naman ata nakikinig sakin sabi niya Pa kinamot ang buhok. "An. ...ano ba ang sabi mo?  Nahihirapan kung sabi sa kaniya,  hindi ko kayang makipagtitigan sa kaniya dahil sa kaba na nararamdaman ko ngayon at lalo na't hindi kalayuan si sir Travis na nakikinig samin.

Pagbibigyan mo naman na diba si kuya Travis na magkakababy na kayo?  Sunod sunod na sabi niya,  napaubo naman ako dahil sa gulat. Yun ba ang binulong niya kanina? 

Esay alam mo ba ang sinasabi mong yan?  Huh?  Nanlalaking mata ko sa kaniya,  Hindi ako makatingin ng diritso sa kaniya dahil narin sa sobrang lakas ng tibok ng puso KO.

Ate naman , syempre alam ko inosente niyang sabi. Gusto Ko siyang singhalan sa mga pinagsasabi niya kay batabata Pa alam na niya ang mga ganyan.

Pumasok ka nga sa loob esay,  sabi Ko nalang para matakpan ang panginginig ko.

Ate naman sagutin mo muna ako  pagaalaska niya Pa.

Hindi Mo alam ang pinagsasabi mo diyan,  kala mo naman alam mo paghihimutok ko Pa sa kaniya.

Ate naman aniya Pa at nagkamot ng ulo. Tinatanong Lang naman ni kuya Travis dagdag niya Pa para mapatigil ako sa paglalaba. Huh?  Hindi niya ako sinagot  bagkus naglakad ito pabalik sa dating niyang pwesto kung saan masinsinan na naguusap ang dalawa sina erol at ang taong yun. Mas lalong uminit ang ulo ko sa gagong yun kita niyo na may gana pangpangitingiti ang gago akala mo naman walang ginawang kalabalastugan dinamay Pa kapatid ko.

The Story of Soldier's (series#1: Travis Hwang-Woo) Everything About HerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon