CHAPTER 2

701 24 7
                                    


DRIVER

Hindi parin nagsisink-in sa'kin ang katotohanang ang estrangherong mayabang na lalaking 'to at walang emosyon ay magiging driver ko.

Actually wala namang kaso sa'kin na palitan ang mga Drivers namin, marami namang kaming mga substitutes ewan ko ayoko lang sa lalaking 'to, hindi ko gusto, pangit naman, okay hindi siya pangit, may something sakanya, at ang isiping siya ang nakasalo sa'kin sa muntik ko nang pagkapatid ay iba, ewan ayoko aminin!

Naaalala ko parin ang pagkapahiya ko nung sinabi ko na sino ba siya, sa huli hindi niya ako sinagot sa tanong na iyon at niyabangan pa 'ko, hay! Nakakairita!

Masama ang tingin na pinukol ko dito, kung nakakamatay lang ang mga tingin ko, kanina pa kami pinaglalamayan, umalis ako sa club na hindi nakakapagpaalam sa mga kaibigan ko, dahil gusto kong kausapin si Mommy, about dito sa pag-palit ng driver ko.

First time ata na dedespensa ka hah.

Basta ayoko sa lalaking 'to, naiintimidate ako sa mga titig niya, napatingin ako dito na nag-ddrive, medyo dim ang lights sa loob ng sasakyan kaya hindi niya mahahalata ang mga nakaw na titig ko.

Ang hot niya naman! Oo na, ang lakas ng dating niya, may something sakanya na di 'ko kayang paaminin sa isipan ko kahit hindi naman niya ko naririnig.

Tinignan ko pa siya lalo, lalo na't busy ang mga mata niya sa dinaraanan. Ang mga mata niya ay mapupungay kahit singkitin ang mga ito! Ang kilay makakapal at itim! lalo pa depina ang katawan dahil ultimo kahit uniporme ang suot niya mas lalong bumabagay sakanya.

"Ma'am Yla, pwede naman ho kayo sa Passenger Seat para makatingin ho kayo ng maayos sa'kin, huwag niyo pahirapan ang sarili niyo." He said out of the awkward moment! Agad akong natauhan halata ba? Sh*t baka nga! nag-iwas ako ng tingin sakanya, tinitignan niya ba ko? Wait! Sh*t nakakahiya!

Tumikhim ako, umakto ka Yla na hindi mo siya naririnig o di kaya'y sungitan mo! Galaw! "D-drive!" ayun at utal! Wala kang kwenta kahit kailan! traydor ka, pahamak.

Narinig ko pa siyang natawa sa mahinang paraan, agad akong pinang-initan ng pisngi feeling ko kulay kamatis na ang mukha ko ngayon sa labis na kahihiyan!

Never in my life I had this feelings, naccringed ako e, sa mga experiences palang ng mga kaibigan ko kapag nagkkwento sila nangingilabot na ako, pero ang isiping nararanasan mo at nandito na ay totoong kakaiba pala lalong hindi ka makakapaniwala dahil sa nagtatrabaho pa sa pamilya niyo nararansan ang kakaibang damdamin na ito, hibang na hibang ba Yla?.

No, hindi ko siya crush o kung ano bang tawag dito sa nararamdaman ko! Ni hindi ko pa nga siya nakakasama ng matagal! Bakit iniisip ko ba na matagal kami magkakasama dahil magiging driver ko siya? Seriously Yla Aianna?

Napahawak ako sa cellphone ko na drained na drained na pala, ano ba 'to, walang paglibangan.

Tumingin nalang ako sa paligid hanggang sa makauwi kami, agad akong bumaba hindi na hinintay ang lalaki na may kakaibang pinararamdam sa'kin, ayokong makita niya ako sa paraang ganito lalo pa't hindi pa yata nakakamove on ang damdamin ko sa pagkapahiya sakanya kanina.

Dire-diretso ang lakad ko kahit na nahihilo ako ng kaunti, ginagawa ko parin para lang makapunta sa pintuan at kausapin si Mommy.

Nang makarating ako, laking pasasalamat ko na nakabukas naman ang pintuan ng mansyon si Yaya Pam ang sumalubong sa'kin, awkward na napatingin siya sa lalaking nasa likod ko at umaliwalas ang ngiti.

"Oh, ikaw yung bagong driver diba? Nagduty ka kaagad?" Tanong niya.

Tumango naman ang kasama ko, napairap ako at bastos na umalis sa harap nila para makapunta sa kusina at makainom ako ng tubig nang mainip nagtanong ako kay Yaya Pam.

Invisible Love String | COMPLETED ✔️Where stories live. Discover now