CHAPTER 38

183 8 2
                                    

LOUD

Nag-aalalang pumasok sa kwarto ko si Tita Laura nung gabing iyon.

"What happened Yla?" Dumalo siya sa'kin habang masuyong hinahawakan ang mga kamay ko at hinahaplos ang buhok ko.

Agad ko siyang niyakap, umiiyak parin at wala sa sarili.

"Gusto ko nang umuwi sa U.S Tita, ayoko na po dito." Umiiyak na tugon ko.

Pinahid nito ang namimilibis na luha na bumubuhos sa mga mata ko.

"Ayoko sakanya, ang sakit sakit Tita, ang sakit sakit ayoko na siya makita ayoko--"

"Yla." pinapakalma na ako, "calm down Anak, we will go in U.S, we will--"

"I want to leave right now Tita."

"Yla, alam mo namang--"

"I want to leave now!" Patuloy parin parang gripo ang luha ko.

"Magpahinga ka muna Yla, hindi mo na inaalagaan ang sarili mo dahil napapaapekto ka parin sa lalaking iyon!" Tila naubos ang pasensya ni Tita Laura sa'kin.

Napapikit ako dahil hindi ko inaasahang sesermunan na niya ako.

"Dapat nga iniwanan nalang kita doon pero inaalala ko baka magattempt ka nanaman kapag mag-isa ka hindi kita mababantayan, Yla tulungan mo ang sarili mo makalimot huwag mong hayaang lamunin ka ng nakaraan!" Pahabol niya na nagpaiyak sa'kin lalo.

"Alam kong mahal mo parin ang lalaking iyon, pero hindi mo ba nahahalata na mahal ka din niya, bigyan mo siya ng pagkakataon---" I cut her off.

"Oo, Tita mahal ko siya! Mahal na mahal ko parin siya pero ang katotohanang siya ang may dahilan lahat ng ito mula sa pagkamatay ng pamilya ko, at kung bakit ako may sakit hindi ko matatanggap iyon, gusto ko siyang saktan gusto kong gumanti galit na galit ako sakanya! Galit na galit ako sa sarili ko!" Pasada ko sa sarili ko umiiyak parin, "kasi hindi ko magawa lahat ng gusto kong gawin dahil tinatalo ako ng pagmamahal ko sakanya! Gusto kong lumayo! Gusto ko siyang kalimutan--"

"Hindi pa ba sapat ang ginagawa niya, Yla Aianna huwag kang magpabulag sa galit mo siya man ang dahilan ng lahat ang pagmamahal niyo parin sa isa't-isa ang maghihilom sa mga sugat na natamo niyo, pareho kayong biktima ng malupit na tadhana!" Diretsahang sabi niya.

Pinahid ko ang mga luha ko at umiwas ng tingin, "Ang nakaraan ay nakaraan magsimula kayo, huwag mong sayangin ang pagmamahal na meron ka para sakanya, Yla Aianna makinig ka sa'kin. Para sayo ito para hindi ka magsisi sa huli." Pinaharap niya ako pinapahid niya ang mga luha na patuloy na bumubuhos sa mukha ko.

"Makinig ka anak, mahal na mahal ka Nicolas, pareho kayong pinaglalaruan nung maayos pa kayo, I know what happened sinabi niya sa'kin sinabi sa'kin ni Nicolas lahat lahat anak, wala akong karapatang sabihin ito pero sasabihin ko parin para malinawan ka." Naiiyak na din siya.

"W-what do you mean? A-ako ang biktima d-dito ako ang niloko n-nila--"

"Yla naalala mo ba nung naghiwalay kayo ni Nico?" Seryosong tugon niya habang patuloy parin ako sa pag-iyak, I nodded bumalik lahat iyon mula sa nalaman namin nila Andrei, Betty hanggang sa malaman ko na magpapakasal siya sa iba, "nakiusap ang Daddy mo kay Nicolas--" she cried, pinagpapatuloy parin niya ang pagsasalita kahit nahihirapan na siya "nakiusap kay Nicolas na mas piliing ibalita ang pekeng pagpapakasal niya kay Amanda kesa ibalita ang nangyari sa pagitan ng pamilya niyo at pamilya niya."

Ang akala kong si Tay Imman ang may pakana kay Amanda ay mali, nagsinungaling sa'kin si Nicolas nagsinungaling siya sa'kin.

Pinahid ko ang mga luha ko patuloy parin si Tita Laura sa pag-eexplain, "ginawa ni Nicolas iyon para sa'yo, para hindi ka masaktan kasi alam niya magiging miserable ka nagsinungaling siya ng magkita kayo sa bahay nung gabing kasama mo siya hindi niya kaya sabihin sa'yo ang totoo dahil ayaw niyang magalit ka sa Daddy mo--"

Invisible Love String | COMPLETED ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon