KABANATA DISE-SIYETE

20 5 74
                                    

QUIJA GAME

Disyembre,27,1985-4:50 AM

Nalimpungatan ako ng maramdaman kong may humihimas sa aking noo,pinilit ko ulit patulugin ang sarili ngunit sapat na ata ang aking naitulog upang hindi na ako makabalik pa sa mahimbing kong tulog.

Tuluyan ko ng minulat ang aking mata at nadatnan ko duon si ashley na hinihimas ang aking noo at bakas sa mukha ang pagaalala.

Kapagkuwan ay nakahinga sya ng maluwag ng makita nya akong nagmulat at maingat akong pinaupo sa upuang aking tinulugan.

Nilibot ko muna ang aking paningin upang suriin kung nasaan ako at sa huli ay napagtanto kong nasa silid tanggapan ako.

Tinignan ko muli si ashley na ngayun ay hinihimas ang kamay ko habang may nangungusap na mga mata at nagtatanung na mukha.

"B-bakit ako nandito?"takang ani ko pero nginitian nya lang ako ng pilit at sinadyang haplusin ang likuran ng buhok ko.

"Dahil nagalala kami sayo,akala namin may masama ng nangyari sayo dahil wari'y namin ay humihingi ka ng tulong saamin kaya minabuti naming dito ka na lamang magpahinga muna sa salas at sa ganun ay bumuti at maging matiwasay ang iyung pagpapahinga"paliwanag nya kaya tumango naman ako ng mahina.tuluyan nya pareng hinahaplos ang aking likuran at nagsimula ulit magsalita.

"Katotohanan ang gusto kong isagot mo sakin sa itatanung ko"ani nya na nakapagbalik ng isip ko sa reyalidad"ano ba talaga ang nangyari sayo?"mariin nya sabi.

Natigilan ako sa itinanung nya dahil inaalala ko kanina ang mga nangyari at hindi ko rin nalampasan ang takot na naman na nararamdaman ko kanina na bumalik dahil sa ala-alang iyun.

'Totoo ba iyun?kung totoo man yun qy dapat na mabahala ako..'

Ani ng isang bahagi ng isip ko dahilan para hindi ko matugunan ang itinanung sakin ni ashley.

"Anak,halika dito at may ipapagawa ako sayo"ani ni nanay teya na nasa kusina,agad namang tumalima si ashley at iniwan ako pansamantala kahit na hindi ko na sagot ang tanung nya sakin.

Napabuntong-hininga nalang ako at tinignan ang hagdan pa puntang ikalawang palapag,gusto ko mang bumalik sa kwarto namin ni ashley para mas maayos ang aking pagpapahinga ngunit nababahala ako na kung paano mangyari na naman ang nangyari kanina,paano kung mas malala pa ang mangyayari ngayun kesa kaganina,at paano kung hindi ko na malampasan ang takot na dinadamdam kesa kanina.samu't saring katanungan ang bumabagabag saaking isipang ngunit may diperensya na talaga siguro ako dahil kahit na alam ko na ang susunod na pangyayari ay tumungo parin ako papuntang ikalawang palapag at namalayan ko nalang ang sarili kong nasa harap ng kwarto namin ni ashley.

'Ito na..'

Pipihitin ko na sana pabukas ang pintuan nang bigla akong may naramdamang gumagalaw sa aking binti.dahan-dahan ko yung tinignan at talagang nakahinga ako ng maluwag ng mapagtanto ko kung sino iyun.

'Si bantay..'

Winawasiwas ni bantay ang kanyang buntot sa aking binti habang dinidilaan ang aking paa.lumuhod ako at sinadyang dumukhaw sa kanya at hinimas ang bunbunan nito at nagusto nagustuhan naman nya ito.

Devil's HouseDonde viven las historias. Descúbrelo ahora