KABANATA DISE-OTSO

17 6 2
                                    

NAWAWALANG GAMIT

(Disyembre 28,1985-7:00 AM)

Nakatulala lang ako sa kawalan at walang imik na lumuluha.patuloy na binabalikan ng aking isip ang mga kaganapang hindi ko inaasahan kahapon.nung una ay akala ko'y isa lamang iyung imahinasyon ngunit mali pala ako binubulag ko lang ang sarili ko sa mga totoong kaganapan.

Pinagtataka ng mga kasama ko sa bahay na ito kung bakit hindi ako kumain ng hapunan nung kinagabihan at nagtatanung din ang mga mukha nila kung bakit tila matamlay ako at parang malalim ang iniisip.

Hindi ko masisisi ang sarili ko dahil ngayun ko lang napagtanto ang katotohanang matagal na kong pinapamukha nito at hindi ko talaga matanggap na patay na si ate,hindi lang patay ngunit pinatay.

'Ngunit ang tanung sino ba kase ang pamilyang tinutukoy nila?'

Halos lahat sila ay pinatay ng pamilyang tinutukoy nila ngunit hindi ko matukoy kung sino ba ang tinutukoy nila.masakit sa isip at damdamin na ganun kabrutal ang pagpatay sa kanila lalo na't kasama dun si ate na hindi ko mawari'y kung ano ang naging dahilan ng pagkamatay nya.

Mahigpit ang hawak ko sa kumot na bumabalot sa katawan ko at taimtim na umiiyak habang hinihiling na sana ay isa lang itong panaginip,na sana isa lang itong imahinasyon,nasa lahat ng ito ay biro lamang ngunit alam ko ring sa sarili kong totoo ito at hindi ko na matatakasan pa ang problemang ito.

Kagat ko ang aking pangibabang labi habang pinipigilang humikbi.kagigising ko lamang galing sa pagiyak ng magdamagan kaninang madaling araw.gusto kong ilabas lahat ng sakit na nakapaloob sa aking puso sa pamamagitan ng pagiyak.

Ramdam kong magang-maga na ang aking mga mata dulot ng pagiyak,pinatahan ko ang aking sarili galing sa pagiyak at dahan-dahang umupo sa gilid ng kama habang pinupunasan ang luhaang mukha.

Humugot ako ng malalim na hininga bago dumapo ang paningin ko sa kabinet na kung saan anduon ang aking telepono.maingat akong tumayo at umupo sa upuang nakaayon dun.

Dahan-dahan kong binuksan ang kabinet upang hindi lumikha ng ingay at ng makita duon ang aking telepono ay agaran ko yung kinuha.

Nagdadalawang isip ako kung sasabihin ko ba kay papa ang nalaman ko na alam ko ring makakasakit sa kanyang damdamin ngunit meron ding punto ang isip ko na kapag nakauwi nalang ako ay duon ko na lamang sa sabihin.

Mahigpit ang aking pagkahawak sa telepono habang nagiisip ng tamang desisyon ngunit sa huli ay naging desisyon ko ay ang sabihin kay papa ang totoo ngayun sitwasyon na ito.

Karapatan ni papang malaman ang nalaman ko kahit na alam kong ikakawasak iyun ng damdamin nya.

'Kaylangan momg gawin ito mikaela..'

Pangungunsinti ng aking isipan kaya naman ng bumukas ang aking telepono ay agaran kong hinanap ang numero ni papa ngunit natigilan ako ng masulyapan ko ang signal ng aking telepono.

'Walang signal..'

Tumingkayad ako ngunit wala parin kaya humanap pa ako ng signal ngunit wala parin tatalikod na sana ako ng makita ko si ashley na nakatingin sakin at sa ginagawa ko kaya naibaba ko ang hawak kong telepono.

"Tara na't kumain"ani ni ashley habang nakatingin sa hawak kong telepono ako naman ay tinago iyun sa likod habang nagiiwas ng tingin.

"A-ah,s-sige mauna ka na"ani ko at walang sa sarili syang tumango habang nakatingin parin sa teleponong hawak ko at dahan-dahang umalis.

Sa pagkaalis ng pagkaalis nya ay nilagay ko agad ang hawak kong telepono sa kabinet bago pumunta sa banyo upang maghilamos at ayusin ang sarili.

Nang matapos ay agaran akong bumaba at dumeretso sa hapagkainan,nadatnan ko silang lahat na nakaupo sa hapag kainan ako na lamang ang kulay kaya naman dali-dali akong umupo at nakisama sa kanila.

Habang kumakain ay lahat ay tahimik at nakikiradaman sa mga mangyayari ng bilang basagin ni nanay teya ang lumulukob na katahimikan.

"Ano bang nangyari sayo kagabi hija ha?"mahinhin na sabi ni nanay teya kaya natigilan ako at nagangat ng tingin sa kanya.

"A-ah,wala naman po bigla lang pong sumama ang pakiramdam ko kagabi"pagsisinungaling ko,sandali pa akong tinitigan ni nanay teya ng nanunuring tingin pagkatapos ay bumuntong hininga.

"Sigurado ka?"paninigurado ni nanay teya kaya tumungo ako bago tumango.

"O-opo"utal kong sabi na para bang hindi ako sigurado sa sinagot.

"Kung ganun bakit namamaga ang iyung mata at namumula ang tungkli ng iyun ilong?"takang tanung ni nanay teya kaya napakurap-kurap naman ako at napakagat ng ibabang labi dahil sa walang maisagot.

Lahat ay natahimik at inintay ang sagot ko pero ng lumipas ang ilang mga minutong ay hindi parin ako sumagot kaya naman sumingit na si ashley sa usapan.

"Mauna na po ako sa taas"ani ni ashley at nilisan na kami.nagtuloy naman kami sa pagkakain at kinalimutan na ang usapang binuksan kani-kanina.

Lumipas ang ilang mga minuto ay natapos na rin kaming kumain ay nagpahinga na muna ako sa salas habang hinihimas ang tiyan.ng makapagpahinga ay napagdesisyunan kong bumalik sa kwarto at tawagan si papa ka.tulad ng dapat na ginawa ko kanina.

Nasa hagdan na ako pataas ng mak.asalubong ko si ashley na parang may tinatago sa bulsa ng kanyang pangibabang saplot.hindi ko maiwasang mangtaka ng magtugma ang paningin namin at tila gulat na gulat syang makita ako.

'Pero bakit naman?'

Nagiwas din sya ng tingin pagkatapos ay nagpaumunang maglakad pababa ng hagdan,napakurap-kurap naman ako sa kinakatayuan nya bago ko sya tinignan na lumalakad papunta kung saan,napailing nalang ako sa pagiging wirdo nya at nagtuloy nang tumaas sa ikalawang palapag.

Nang makapasok sa kwarto ay dumeretso ako sa kabinet kung saan ko nilagay ang telepono ko,ngunit nang pagkabukas ko ng pagambukas ng kabinet ay wala akong naabutan dung gamit.

'Ngunit imposible iyun dahil dito ko lamang iyun nilalagay..'

Literal na nanlaki ang mata ko sa nakitang wala na duon ang teleponong natatangi kong kumunikasyon kila kael at papa,kinakabahan ako sa hindi maipaliwanag na dahilan ngunit nilabanan ko iyun at sinimulang hanapin ang telepono ko.

Sa ilalim ng unan at doble kama,sa ilalim ng papag,sa aking maleta,at kung saan-saan ko pa hinanap ang telepono ko ngunit isa sa mga yun ay wala ang telepono ko.

Napaupo nalang ako sa gilid ng kama sa walang magawang paraan dahil lahat ng sulok ng kwartong ito ay hindi ko mahanap ang telepono
ko,napasabunot ako sa sariling buhok dahil sa inis na nararamdaman.

'Paano na ito?'




-B.M

Devil's HouseWhere stories live. Discover now