I close my eyes tightly and tried to calm myself down. Her scent immediately runs through the four corners of the room. Rinig ko ang mararahan at magagaan niyang mga hakbang na ngayo'y patungo na sa kinahihigaan ko.
I frowned when a sudden strong kick landed on the side of my lap.
"Aray ko naman, Kelly!" I groaned and push myself up to sit.
"Nawili ka sa kakahiga diyan sa kama ko. Umuwi ka na. Ang baho mo."
Nanlalaki ang matang inamoy ko ang sarili at ngumiwi. "Hindi naman ako mabaho!"
"Naamoy ko, kaya umuwi ka na. Hindi kailangan ng bahay ko ng asungot na katulad mo."
"Ikaw naman ang nagdala sa akin dito."
"Tingin mo ginusto ko 'to?"
"Hindi ba?" I innocently asked. "Wala namang nanghingi sa'yo ng pabor na sunduin mo ako roon at iuwi rito sa unit mo, Kelly. Hindi mo ba ginusto 'yon?"
Bahagya siyang napa-atras at natigilan sa narinig. She opened her mouth to speak but immediately close it after not finding the right thing to say.
"Nahulog ka na ba?" I added.
Agad na nalukot ang mukha niya. "Ang kapal ng mukha mo para maisip 'yan."
"Naninigurado lang, Kelly. Baka kasi parehas na pala tayong nahulog, hindi kita masalo kasi wala akong alam."
"Manahimik ka! Umuwi ka na!"
"Aray! Ang sakit ng ulo ko!" I held my head and frowned like I am really having a headache.
Kaagad niya akong dinaluhan. She unconsciously cupped my cheeks after she took a glass of water the bedside table.
"Drink this." She worriedly uttered.
Isang maliit na ngiti ang pinakawalan ko. She looks really fierce outside, especially when she talks, but her heart screams the opposite.
"Matulog ka na lang ulit, buwisit ka. Kukuha lang ako ng makakain sa baba." She hissed before turning her back at me.
"Balik ka kaagad, Kelly."
Nahinto siya sa paghakbang at hinarap ako nang kunot ang noo. "Sira na nga ang ulo mo."

YOU ARE READING
Get lost, come back (Completed)
Humor[ E P I S T O L A R Y ] Baby boy Series #3 Started : September 01, 2020 End : September 11, 2020