SC # 4: Papi

3.9K 125 21
                                    

#VinChie100k

Thank you all for loving Vin and Cheantal! As my gratitude for the support you've given them, here's a short narration.

If may request kayo na SC or AU for VxC, MxA, CxJ, please do comment here! Try ko yung best ko na gawin yun.

====


"Mimi, where Papi?" utal na tanong ni Chai, our baby girl. She's asking for her father dahil usually ganitong oras ay nakauwi na iyon.

And yes, tinuruan ni Vin si Chai na 'Papi' ang itawag sa kanya instead of Dad, Daddy, Papa, Tatay, or Baba. Para daw cool dad siya sa paningin ng anak namin. As if naman maiintindihan agad ni Chai yun. One year old and ten months pa lang ang anak namin.

Binitawan ni Chai ang mga hawak na laruan para lumakad palapit sa akin. Unti-unti na siyang natututo maglakad nang tuwid at minsan, tumatakbo na rin. My heart warmed as I watched my daughter come closer. Kung pwede ko lang siya i-video 24/7 para wala akong ma-miss sa mga milestones niya, gagawin ko talaga. Her little achievements meant the whole world to me.

Akala ko noon, bato ang puso na mayroon ako. Lagi kasi nila ako sinasabihan na ang tigas ko pa rin daw. Kahit daw may Vin na ako, parang wala naman nagbago sa'kin. Maldita pa rin daw ako. I still throw harsh words and slap them with reality.

Everything changed when Chrys Aireen Vielle Tiongson came into our lives. The snarky Cheantal was gone. My friends noticed it, too. Sabi nila, Chai managed to mellow me down.

Hindi ko rin naman inakalang lalambot ng sobra ang puso ko. Ineexpect ko pa nga na baka mas maging masungit pa ako because of postpartum stress. But our daughter has me completely wrapped around her little fingers. Kahit simpleng bagay lang na gawin niya, I'd find it adorable. Heck, minsan kahit nakakainis na yung tantrums niya at naaaburido na rin ako, napapakalma naman ako ng maamo niyang mukha pagkatapos.

Binuhat ko si Chai para maupo sa tabi ko. Inabot ko sa kanya ang paborito niyang rag doll at pinaglaruan iyon. Sometimes, she'd stand on the sofa to bring the doll to my face and introduce it to me as 'Bebi.' Syempre, sinakyan ko ang trip ng bata at nagpanggap na kapatid niya ang manika.

"Mimi! Mimi!" sunod-sunod na tawag sa'kin ni Chai nang marinig ang pamilyar na ugong ng sasakyan ni Vin. Chai kept clapping her hands together while giggling so hard. "Mimi! Papi here! Papi!"

I stroked my daughter's wavy hair as I watched her getting excited for her father's arrival.

Papi's girl talaga, naisip ko.

"Come on, Chrys Aireen, let's welcome your Papi home," sabi ko bago kargahin si Chai para salubungin si Vin sa front door.

"Papiiii!" matinis na tawag ni Chai kay Vin nang makita itong pababa ng sasakyan. Naglilikot na siya kaya inayos ko ang pagkakakarga ko sa kanya.

"Ang sweet naman ng mga mahal ko," nakangiting turan ni Vin nang makita kami nakaabang sa kanya.

My heart fluttered at the sight of him. He was wearing a coat and tie today since he had a meeting with the board of directors. Gwapo at charismatic pa rin talaga ang lokong 'to. Lalo na kapag nakangiti. That's what got me addicted to him in the first place.

"Papi! Papi!" Nagkakakawag na si Chai kaya naman tinakbo na ni Vin ang pagitan namin.

Vin kissed me on the lips before taking Chai from my hold. Ginawaran niya rin ng halik sa noo ang bata. Abot tainga ang ngiti niya nang humagikgik si Chai.

"My baby girl missed her Papi so much!"

Chai held her father's face. Pabiro namang sinubo ni Vin ang maliit na daliri ng bata. Tawa nang tawa si Chai habang hinuhuli ng labi ni Vin ang mga daliri ng anak namin.

Watching them have their moment awakened the butterflies in my tummy. The flicker of its wings brought me peace from within. I'd give everything to always have a time like this.

Hindi ko naranasan yung ganitong klase ng aruga galing sa magulang ko kaya ibubuhos ko lahat ng pagmamahal ko sa anak namin.

Our daughter deserves all the love we can give. And she will have it.

"Palit lang muna ako ng damit, mahal," sabi ni Vin nang ibalik muna niya sa akin si Chai.

Pumasok na kami sa loob at dumiretso kami ni Chai sa dining area. I placed Chai on her highchair, while I sat on my side of the table. Habang naghihintay kay Vin, pinanood ko muna ang anak kong tuwang tuwa sa pagkain ng mashed apples na bigay ng yaya niya.

"Say 'ah,' Chai Chai," malambing na utos ng yaya ni Chai. Panay hagikgik niya sa bawat subo sa kanya.

Pati ako napapangiti na lang din habang pinagmamasdan sila.

"Ang saya mo naman yata ngayon, mahal," agaw ni Vin sa atensyon ko. He placed a kiss on top of my head before sitting on his usual seat at the center.

"Ang cute kasi ng anak mo. Nakakapanggigil!"

"Siyempre, mana sa Papi niya 'yan!"

"Hindi naman mapagkakaila. Carbon copy mo kaya si Chai," sabi ko. Totoo naman. Female version ni Vin si Chai. Pati yata ugali, manang-mana sa kanya.

"Ano, mahal, gusto mo ba dagdagan pa natin ng isa pa? Malay mo this time kamukha mo na yung baby natin," tukso niya habang tinataas-taas pa yung kilay.

My eyes rolled at his suggestion. Ewan ko ba, kapag humihirit talaga tong si Vincent ng mga kung anu-ano, agad na tumitirik mata ko sa pagkaasar.

"Umayos ka nga! Ang bata pa ni Chai, no," sagot ko sa kanya.

Napag-usapan naman na namin 'to. Ang plano namin ay after mag-three years old ni Chai, magta-try kami ulit for another baby. Pero kung bibigyan kami ng mas maaga, ayos lang din naman.

"Pero pwede tayong magpraktis mamaya? Baka kasi makalimutan ko na kung paano gumawa ng baby," he boldly uttered. Kumindat pa ang gago.

Ugh! I want to smack his head right now! Nakakahiya talaga tong Tiongson na 'to! Okay lang sana kung kaming dalawa lang yung makakarinig. Ang kaso, nandito yung bantay ni Chai.

"Eh kung ikaw kaya pagpraktisan kong katayin ha?" sabi ko habang madiing tinapakan ang paa niya.

"Araaaaay! Mahal, araaaay! Masakit!" reklamo niya.

Yung anak namin, sobrang maka-Papi's girl talaga dahil biglang bumalahaw ng iyak nang marinig na nasasaktan ang tatay niya!

Inalis ko agad yung paa ko sa paa niya. "Iyang bibig mo talaga ang bastos! Di ka na nahiya kay Korina."

"I-cover ko na lang Ma'am yung ears ni Chai Chai, Ma'am," natatawang sabi ng babysitter ni Chai. Kinarga niya si Chai para patahanin, but Chai reached for her father.

"Ano, mahal, game ba mamaya?" pang-asar ni Vin, hindi man lang natinag. Kandong na niya ngayon si Chai at siya na rin nagpakain dito.

"Ewan ko sa'yo. Magpractice ka mag-isa mo mamaya."

Buti na lang hinain na yung pagkain namin. Kung hindi, baka uminit na yung ulo ko sa kalokohan nitong asawa ko.

So much for mellowing down, huh.

So Into YouWhere stories live. Discover now