Simula

14 3 3
                                    

First Meet

Ash Point of view.

Kahit kailan napakabagal ng dalawa kumilos hayss. Umakyat ako ng kwarto at nadatnan si Yuna na nakatalakbong pa ng kumot.

What the eff? Grr! Kahit kailan talaga si Yuna, kapag hindi mo gigisingin hindi talaga siya gigising.

Padabog akong lumapit sa kanya at hinila ang kumot sa kanya. Napansin Kong yakap yakap niya ang sarili niya at tila ginaw na ginaw.

"Shit Yuna! Nilalagnat ka" sabi ko pagkakapa ko sa noo niya.

"Ay hindi Ash, hindi ako nilalagnat ang galing galing ko pa nga eh" wika ni Yuna na nagawa pang magsungit kahit nilalagnat na.

"Aish! Yuna bakit kase hindi mo pinatay yung aircon dito sa kwarto mo! Giginawin ka talaga niyan" binaba ko ang bag ko na kanina pa nakasabit sa likod ko.

"Oh bakit ka pa nandito? Wag ka ng mag alala sakin, Pumasok kana, ayoko makita ang pagmumukha mo baka lalo lang lumala yung sakit ko"  wika ni Yuna sabay talukbong ulit ng kumot.

"Sino nagsabing nagaalala ako sayo?" Ano kala niya hindi ko papatulan ang pagiging maldita niya ah?

Napatingin siya sakin ng masama. "Okay fine nagaalala na ako sayo. Okay na?" Tinirik niya lang ang Mata niya.

"Wag ka na nga magalala. Ano bang pinagaalala mo? Kaya ko pa naman sarili ko tsk."

"Nagaalala ako baka hindi lumala yang sakit mo" sabay tawa ko ng malakas.

Napatayo naman si Yuna at akmang hahabulin ako, kaya kinuha ko ang bag ko at tumakbo na ko palayo pagkatapos ay sinarado ang pinto.

Hingal na hingal akong maglakad sa kwarto ni Mix, naka bukas ang pinto nito rinig na rinig ko ang malakas na tunog.

"MIX! BAKIT ANG KALAT NG KWARTO MO?" Nagulat pa ko ng makita ang nagkalat na maskara sa mukha niya. Imbis na matawa ako ay tila malungkot ako dahil sa makikita ko ngayon.

Umiyak si Mix habang nagkalat sa sahig ang mga unan, mga frames at nabasag din ang salamin na alam Kong pinaka importanteng bagay sa kanya.

Nagdahan dahan akong lumapit Kay Mix at niyakap siya. Wala na kong pakialam kung madumihan niya ang damit ko basta kailangan niya ko ngayon.

"Pota Ash! Umutot ka?" Tanong ni Mix na ikinagulat ko. Ako umutot? Sumingot ako sa hangin at wala naman akong naamoy.

"Anong umutot? Hindi ako umutot baka ikaw!" Tumayo siya sa kama niya at malakas na tumawa na parang baliw at biglang nagseryoso naman ang mukha. Baliw na nga.

"Si Yuna? Bat di mo kasama?" Ahh oo nga di pa pala alam ni Mix na may Sakit si Yuna ngayon.

"Hindi siya makakapasok kase nilalagnat siya" tumango tango naman si Mix at biglang nagulat.

"WHAT? Nilalagnat si Yuna?" Ulit na tanong niya. Parang tanga.

"Oo isa pang ulit kukutusan talaga kita"

"Ikaw na lang muna ang pumasok ngayon Ash.

Wika ni Mix na biglang nalungkot.

"Can share it?" Umiling si Mix na ikinadismaya ko.

"Wala akong share it, pwedeng Bluetooth na lang?" Nasapo ko ang sarili Kong noo.

"Hay nako Mix, sige na sabihin mo na sakin. What are friends for kung hindi mo sa sabihin sakin?" Umupo ako sa kama niya at inilapag ang bag ko.

"Si..si Gian" hindi siya natuloy sa pagsasalita. Si Gian na naman pala ang iniiyak nito. Alam ko hindi pa rin siya nakaka move on sa lalaking antipatikong yun. Kala niya kinagwapo niya yung napakalaki niyang panga? Baka gusto niyang masuntok ngala-ngala niya.

"Oh? Anong nangyari Kay panga? Este Kay Gian?" Napangiti naman si Mix at bumalik ulit sa pagkakalungkot.

"Si.. Si Gian huhu" isa pang ulit na si Gian uumpog ko to sa dibdib ko este sa pader.

"Ano nga kase tungkol Kay Gian? Pota ka naman Mix eh ang tagal mong magkwento"

"Eh pake mo ba ikaw na nga lang tong nakikinig eh. Ako ang nagkukwento so you better shut up" natahimik naman ako sa sinabi niya. Hindi dahil natakot ako sa kanya,kundi dahil may muta pa pala siya? Hindi ko na lang pinansin yung muta at nakinig na lang ulit Kay Mix.

"Si..si Gian kase anoo.. Nanalo siya sa lotto huhu. Hindi ako makakahingi ng balato dahil ayaw niya ng magkita kami" isang sapok ang lumanding sa ulo niya.

"Nanalo lang pala sa lotto eh, wait what? Nanalo sa lotto? Tara hingi balato!" Biglang sigaw ko.

Naramdaman ko na may tumama sa ulo ko at kamay pala yun ni Mix. "Ano ba? bat ka namamatok?"

"Wala lang HAHAHA" tumayo siya at inayos ang nakabalikong wall clock. "Hoy Ash, 6:30 ang start ng class. 6:00 am na baka malate ka niyan" wika niya.

"Pano kayo? Kaila--"

"No, mas kailangan mo ang edukasyon Ash. Kaya ko na to, at pagtiyatiyagaan ko muna si Yuna alagaan"

Natawa naman ako sa word na Pagtiyatiyagaan HAHAHA kung ako ganun din sa sabihin ko eh.

***

Pumasok ako sa Effero University mag-isa at dahil transferee kami nila Yuna at Mix, wala pa kaming uniform at I'd. Naka black skinny jeans at white T-shirt lang ako. Nakatali ang buhok ko into ponytail at kasalukuyang naka tayo sa medyo malaking gate. Papasok na sana ako ng may napansin akong lalaking naka headset habang nakapikit sa loob ng guard house. Papasok na sana ako pero nagulat ako ng pigilan niya ako.

"Where do you think you're going Miss?" Tinanggal niya ang headset sa ulo niya bago tumingin sakin.

Wait? Ang gwapo naman ng guard na to? Weh? Guard ba talaga siya? Lumapit ako sa kanya at parang mahihimatay ako dahil sa Amoy niya. Napakabango ugh! Tapos napakakinis ng balat niya sa malapitan. Hindi mo makikita ang mga force, pero hula ko isa din tong babaero hmpk.

Wala namang pinagkaiba ang isang to Kay Theo.

"Done observing?" Tanong niya na ikinaawang ng bibig ko.

"Wow ah, hindi kita inoobserve noh? Asa kapa! Btw manong Guard! At kung guard ka man dito. Transferee po ako at malelate na po ako ng dahil sa inyo" napataas naman ang kilay niya at bumaba ang tingin sa dibdib ko.

Kaagad Kong tinakpan ang dibdib ko para wala siyang makita, at dahil wala naman talaga siyang makikita tinanggal ko na lang. Wala naman kaseng laman dibdib ko dzuh. Natawa pa siya sa ginawa ko. May kinuha siya sa kung saan at hinihagis sa mukha ko ang kulay puting damit na sa pagkakaalam ko ay kanya dahil kaamoy niya yun.

"Para saan to? Mukha bang maru--" naalala ko ang pag comfort ko kanina Kay Mix at halatang ginawa talaga ng basahan ang damit ko. Hindi ko kase alam na nginungudngud niya yung pagmumukha niya sa damit ko huhu kaya pala kanina pa ko pinagtitinginan sa jeep.

"May restroom sa kabilang building. You can change now!" Umupo ulit siya at sinuot ang headset sa ulo niya. Nagaalinlangan ako kung kukunin ko ba oh hindi? Pero tumakbo na lang ako sa Cr para makapag palit. Hindi ko na inusisa ang T-shirt na pinahiram ni manong guard. Patay ka sakin Mix pag uwi ko!

The Man HatersWhere stories live. Discover now