Chapter 2

13 3 0
                                    

Bautista

Ash Point of view.

Nagmadali na Kong pumunta sa Classroom ng mahanap ko ito. Ang layo pa ng building pisti. Buti na lang talaga malapit lang ang bahay naming tatlo dito sa Effero University. Umakyat ako sa ikatlong palapag at pag apak ko sa huling step ng hagdan ay nadapa ako dahil sa naiwang plastic botlle. Grr!

Kahit ika-ika ay tumakbo ako para hindi mahuli sa klase. Nagtataka naman ako kase wala pang mga tao kanina sa ground at hanggang dito ba naman sa hallway? Baka naman nasa klase na silang lahat at late na talaga ako? Huhu!

Nang makarating ako sa dapat ng room ko, agad Kong pinihit ang pinto at kusang nalaglag ang panga ko sa nakita.

Walang katao-tao sa room! Shit nasan sila? Tama naman ang schedule ko ah? Di naman namin PE? shit! Pumasok ako sa loob at nanghihinang umupo sa unahan. Hinilot ko pa ang tuhod ko dahil masakit pa rin hanggang ngayon.

Napatingin ako sa wall clock at kusang kumuyom ang mga kamay ko.

"MIIIIIIIXXX!! BWISIT KA TALAGA!" sigaw ko sa loob ng room.

Alas sais pa lang ng umaga at akala ko umalis ako sa bahay ng saktong 6 pero kaka 6 pa lang! Bwisit ka Mix. Nagvibrate naman ang phone ko, kinuha ko yun mula sa bulsa at may text message galing Kay Yuna.

From: Yuna
Hoy ash! Si Mix to.
Sira pala yung orasan ko,
Haha! Peace yow!
Nakigamit lang ako ng
Phone Kay Yuna.

To: Yuna
Letcheng Mix ka, patay
Ka sakin pag uwi ko!

Nagantay pa ko ng 30minutes dahil napaka aga ko. Hindi na rin masama, thanks to Mix Wall clock dahil sabi ni Miss lahat ng late sa araw na to ay may bawas agad na points for the whole sem.

At para naman sa mga absents, need nilang magbigay ng excuse letter. Kaklase ko pala sina Yuna at Mix. Kaya hindi na sila mahihirapan maghanap ng room nila.

Nagkaroon kami ng Introduce your self sa harapan, at dahil lumipat pala ako sa pinakadulong upuan ako ang huling nagpakilala.

"Ashienna Villafuerte, 16 years old. You can call me Ash for short" babalik na sana ako sa upuan ng tawag in ulit ako ni Miss.

"Excuse me Miss Villafuerte. Do you related to Mr. Bautista?" Ano daw? Bautista? Wala naman kaming kamag anak na Bautista eh?

"Wala po akong kamag anak na Bautista Miss, why did you ask po?" Napangiti naman si Miss.

"Suot mo kase ang family T-shirt ng mga Bautista at kung hind ako nagkakamali lahat ng mga kamag  anak ay merong T-shirt na yan" turo pa ni Miss sa damit na suot ko.

"Uhm Miss--" hindi ko na naituloy ang sinasabi ko ng biglang may pumasok sa pinto.

"Sorry I'm late" bored nitong saad. Si kuyang guard to ah? Bakit siya nandito? At siya pala ang may ari ng damit na to? Siya ba yung Bautista?

"Oh? Mr. Bautista? You're late you have minus 5 for the points"

"The hell I care?" Pabulong niyang sagot. Halatang namang di ito narinig ni Miss.

Umupo na lang ulit ako sa upuan ko at pinagmasdan na lang si Mr. Bautista

"Introduce your self" si Miss.

Pumunta ito sa harap na tila walang pakialam sa mundo? Problema niya?
Nang mapansin niya na nakatingin ako sa kanya, bigla siyang napangiti.

Tss? Ano nginingiti-ngiti niya don?

"Calix Bautista, 17, don't you dare call me Cal! Were not close" maglakad na siya sa upuan niya.

Nagtaka naman ako kase parang alam na ng mga kaklase ko na dun siya uupo dahil kanina pa yun bakante. May dalawa pang bakante sa katabing upuan na yun at halatang binigay talaga sa kanila ang space na yun?

"Kumuha ng one fourth sheet of paper at isulat ang name, address, birthdate at contact number ng magulang" Utos ni Miss.

Kinuha ko ang papel sa bag ko. At sinulat sa papel ang mga sinabi ni Miss. Nasa 4th row ako at nasa 1st row naman si Calix at sa kanya mapuounta ang lahat ng papel pag nagkataon.

"Pass your paper forward" pinasa ko na ang papel at sakto namang nag ring ang bell. Kinuha ko ang phone para tignan ang susunod na schedule ko.

Vacant?

Ano ba yan? Nakakatamad naman. San ako pupunta nito? Buti pa yung iba may mga subject pa sila na susunod ako vacant agad tapos 1 hour pa.

Yuna Point of view

"Yuna naman eh! Uminom ka na ng gamot mo!" Alam Kong pinipigilan lang ni Mix ang galit niya dahil may sakit ako.

"Ayoko nga eh! Pag sinabi Kong ayaw ko, ayaw ko! Gets mo?" Sinamaan niya ko ng tingin at nilapag sa harapan ko ang tubig at gamot saka padabog na lumabas.

Ano kayang gagawin nun?

Nagulat ako pag balik niya dahil may dala siyang martilyo, alam Kong galit na talaga ito. Agad akong tumakbo papalayo sa kanya ng alma siyang malapit sakin.

"Ah.. Ah Mix- iinumin ko naman-- shit! Mix-- oo na iinumin ko na!" Bigla naman siyang napangisi ng nakakaloko.

"Dalian mo pumunta ka dito at inumin mo to!" Wika niya sabay ulo sa couch.

"Oo na, bitawan mo yang martilyo!-- fuck! Mix!" Nagulat ako dahil sakin pa niya mismo binato yung martilyo Buti na lang ay sa kama yun tumalbog.

"Hahaha! Inumin mo na na to" tumakbo ako papuntang sa kanya at dali daling kinuha yung gamot at ininom yun.

Hays dapat pala si Ash na yung nandito. Kainis!

"Peram nga ko ng phone Yuna, wala akong load eh"

"Ano bang gagawin ko sa phone ko? May phone ka naman" umupo ako kagabi niya.

"Syempre itetext si Ash, haha sira pala yung Orasan ko sa kwarto, akala niya late na siya kaya madaling madali haha" Wika ni Mix habang naka hawak pa sa tiyan.

"Magpaload ka na lang! Ayoko magpagiram ng phone sayo, last time I remember binasa mo yung convo namin ni Klen" tinarayan ko siya.

"Dali na, hihiramin lang naman eh. Saka bakit may boyfriend ka ba ngayon? Wala naman ah? Oh baka naman may--" di na niya tinuloy yung sasabihin niya ng nginudngod ko na sa pagmumukha niya yung phone ko. Kainis eh.

"Boyfriend ba kamo? Tangina Mix, ikaw nga din wala eh! Saka di na ko magkaka boyfriend period!" Sigaw ko sa kanya.

"Oh chill, baka sumabog ka niyan ah" pagkasabi niya nun ay bumaling na siya sa phone at tinext si Ash.

Tss.. Letcheng mga lalaki na yan.

A/N: pls vote and comment thankyou!

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Sep 05, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

The Man HatersWhere stories live. Discover now