Fight me 15

41 10 11
                                    

FIGHT ME 15

"Let's go! Move! Move! Move!" Ryan shouted as all of us started to run outside of the house.

Nagkanya kanyang sakay ang lahat ng miyembro ng Huff gangs sa kanilang motorcycle. Mabilis ang aming pagkilos at walang hintayan na nagdrive ang karamihan ng kanilang sasakyan paalis. Medyo madilim pa rin ang paligid ngunit halos medyo lumiliwanag na. I know for sure, any minute ay sisikat na ang araw.

Hinila ako John palapit sa kanyang motorcycle at pinanood ang mga miyembro niya na isa isang umalis. Nang kaming dalawa nalang hindi niya pa ako binibitawan at mabilis niya akong hinila papasok nga bahay. When we got inside, pumasok siya sa isang kwarto at mula sa ilalim ng kabinet at may inilabas siyang dalawang piraso ng baril.

Humarap siya sa akin at binigay ay kulay black na baril na may nakaukit pa rito na dahon at bato! Both of the guns are color black and one of them is engraved with a leaf and one of it engrave with a stone! Gulat akong napatingin sa kanya dahil sa uri ng baril na binibigay niya sa akin ngayon.

"Smith and wesson 60.357 magnum gun," hindi ko makapaniwalang sabi.

My heart flutters because this kind of gun is what I love the most! Ganitong ganito ang baril ko na ginagamit tuwing nakikipaglaban. Pero ang pinagkaibahan lang ay ang kulay. What I always used is color pink. But, these two guns are color black with design.

"Gusto ko na iyan ang gamitin mo. Binibigay ko na sa'yo ang mga baril na iyan, Nads," he said and started to walk out of the room. Sumunod ako sa kanya, "I want you to use that guns to protect yourself. 'Wag mong iasa sa akin na proprotektahan kita sa lahat ng bagay."

I rolled my eyes to him.

"As if..." confident kong sabi, "I'm not asking you to protect me, Attorney. I can handle myself."

"Mabuti kung ganon. Ayaw ko magkaroon ng responsibilidad sa'yo."

"Duh! Baka ikaw pa nga ang protekhan ko dyan!" Sigaw ko sa kanya dahilan para matigil sya sa paglalakad palabas ng bahay.

Nilingon niya ako na nasa gilid niya at dahan dahan na naglakad palapit sa akin. For unknown reason, napaatras ako ng hakbang at ilang saglit pa ay naramdaman ko ang pader sa likod ko.

Inocente ko siyang tinignan habang ang puso ko ay unti unting bumibilis ng tibok. I can feel his breathing too as he stares my eyes. Nakahawak na siya ngayon sa pader na sinadandalan ko at unti unti niyang inilalapit ang kanyang mukha sa mukha ko. Huminto siya nang halos isang dangkal nalang ang layo ng mga mukha namin sa isa't isa.

"Ako ang proprotektahan mo?" He asks.

Hindi ako nakasagot. Para bang hindi ko alam ang sasabihin ko sa kanya. It takes seconds before I saw him smirk to me.

"Being physically strong doesn't mean that you are stronger than me. You can't beat me in everything, Nads."

Inalis siya ang kanyang kamay sa gilid ko at medyo lumayo sa akin.

"Tara na," he said bago nagsimulang maglakad palabas ng bahay.

Napabuga ako ng malalim dahil sa kanyang ginawa. He doesn't know that his simply acts makes my heart beats so fast.

"Ihatid mo nalang ako sa San Luiz kung saan ako pupuwesto," sabi ko sa kanya pagkalapit ko.

Tinitigan niya ang aking mata at hindi makapaniwala sa aking sinasabi. His stares to my eyes longed for minutes. Nagbawi lang siya ng tingin nang mapansin niyang wala na akong balak na makipagtalo sa kanya.

I have a plan. But, I can't tell him.

Hindi nagtagal ay sumampa na siya sa motorcycle niya kaya itinago ko ang binigay niya mga baril bago sumampa na rin ako. Tahimik ang buong biyahe namin hanggang sa makabalik kami ng San Luiz. Sa mismong boundary ng San Luiz at Batasan kami pupuwesto para magbantay.

Fight me, Attorney(COMPLETED✔)Where stories live. Discover now