Phase 2

4.8K 126 36
                                    

Amelia Fern's Pov

"Fern!! OMG!! Natapunan mo sya ng MilkTea??!" Sigaw ni Sarah. Napangiwi ako at bahagyang tinakpan ang aking tenga. Naikweto ko kasi sa kanya ang nangyari sa akin kanina pagkadating ko kanina sa apartment na tinutulayan natin.

Tumango tango ako. My head is in a massive turmoil. Lalo na at umoo ako sa offer ni Rhett kanina bilang personal assistant nya.

"Oh, tapos ano ang sinabi nya sa iyo?? Nung sinama ka nya kanina??" Magkaharap kami sa lamesa. Sabay kaming nagiis-skin care routine.

"He asked me to be his personal secretary for the payment"

"Tinanggap mo??" Tanong ni Sarah na naglalagay ng Moisturizer sa mukha. Tumango naman ako.

"Kailangan ko din nangpera para may share din ako sa apartment saka alam mo naman diba si Nanay may sakit. Kailangan ko pa din na bilhan sya ng gamot"

May Diabetes at Hypertension si Nanay. Gusto ko sana syang alagaan kaso mas pinilit nya na mag-aral ako.
Si Tita ang nagastos sa ilan sa mga school fees ko. Buti na lang ay may coffe shop dito sa may amin amin na natanggap ng highschool gradute kaya kahit papaano ay may pera akong pansarili ko.

"Ayaw nya ba na magpagamot??"

Umiling ako. Nagkaroon ng komplikasyon ang sakit ni Nanay sa paa kaya pinutol ito. Isa sa mga dahilan kung bakit naubos ang pera namin. Pangalawa, nanlalabo na din ang mga mata ni Nanay. Sabi ng doktor na komplikasyon din daw iyon sa Diabetes.

" Ayaw nya. Sabi nya sapat na daw yung mabuhay sya kahit hanggang sa maka-graduate ako. Para daw masaksihan nya ang isa sa mga importante na okasyon sa buhay ko"

Totoo yon. Parang ang ibig sabihin nun ay hinihintay nya na lang ang araw kung kailan sya mawawala. Para man lang malaman na maayos ang buhay ko.

And, I intend to make her proud. Para hindi masakit sa damdamin kapag nawala na sya. Atleast kung umalis man sya eh alam kong masaya sya sa mga narating ko sa buhay.

"Eh ang tatay mo?? Nasan sya??"

Napahinto ako sa paglalagay ng Moisturizer dahil sa sinabi nya.

Kailan ko ba huling nakita ang tatay ko??

As far as I can remember ay sabi ni Nanay ay samggol palang ako ay iniwanan na kami ng tatay ko. Kaya nga bihira lang ako umattend sa mga family day sa school eh. Feeling ko may kulang sa akin.

"Let's not talk about him" Sabi ko na lang Nang maramdaman na nanunubig na ang mata ko. I can't help but to be emotional when the topic is all about my dad.

"Okay but..." She trailed off. Nagpa-pat na sya ng skin.

"May kamukha ka eh.."  That only makes me curious cat.

"Sino???" Nagpa-pat na rin ako ng mukha tapos na ang aking skincare routine.

"Si Mr. Richard Gatchalian yung Ceo ng Gatchalian enterprises"

Napatango tango ako. I just shrugged it off. Maraming beses ko na din sya nakita kasi ay minsan akong naging photographer.

Nagaayos na kami ng gamit ng biglang nagring ang cellphone ko.

Kinuha ko ito at tiningnan ang caller Id nito.

Boss Navarro

Bakit naman kaya sya napatawag??
With that question I answered the call.

"Hello" Sabi ko ng masagot ko ang tawag.

"Come here tomorrow after class"
His voice is husky and deep.

The Billionaire's MistakeWhere stories live. Discover now