...

220 6 0
                                    

“ You better leave now Diane unless you want me to drag you from this house! "
Halos pasigaw na saad ng binata sabay turo sa pinto.

“ Luc please..hear me out first.”

Nagmamakaawang saad nito habang pilit na yumayakap ke Luc. Pilit naman syang inilalayo nito sa katawan. Parang robot na nakatingin si Jana  at Aling ledia sa dalawang nag aaway. Hindi naman maintindihan ng bata ang nangyayari at palipat lipat ang tingin sa uncle nito at sa babae.

“ I said leave!”

Biglang nagulantang ang tatlo sa kusina sobrang lakas ng boses ni Luc. Napayakap ang bata kay Jana at biglang umiyak.First time makita ni Janana nagalit ng ganito si Luc  simula pagdating niya dito. Natigatal ang babae sa naging reaction ng binata. Nagpahid ito ng luha at tsaka tumalikod.

Nang umalis ang babae ay napasulyap si Luc sa tatlo..lumapit ito sa kusina nang may pag aalala habang nakatitig kina Jana at Macky.

“ Macky..”

malambing na tawag nito sa bata, ngunit biglang humigpit ang yakap nito sa dalaga at hindi lumingon. Hinimas- himas nito ang likod ng bata para e assure na ok lang ang lahat.

“ Im so..sorry my Angel if daddy raised his voice. It wont happen again.”

Ngunit hindi ito lumingon.

“ Daddy loves you so much..” 
Patuloy na pang aalo nito.

“ Can you forgive me..hmmm?”

Tinapunan ni Jana ng tingin ang binata. Hindi nya akalaing ganito pala ito ka sweet kay Macky. Ang sarap siguro nito maging daddy. Anya sa sarili..napatigil sya sa pag iissip ng ma realize na nakatitig din sa kanya ang binata habang kinakausap si Macky. Hindi talaga lumingon ang bata.

“  Saka mo na kausapin.”

Anya sa lalake. Inirapan nya din ito. Bakit kasi dito pa nag lovers quarrel sa baba..eh pwede naman sa kwarto nya. Naiinis nyang saad sa sarili. Kumunot -noo ang lalake, wari ba’y ramdam nito ang kung ano ang naiisip nya.
Itinaas nito ang dalawang kamay tanda ng disappointment at tumalikod para umakyat sa taas.
Nagawang aluin ni Jana ang bata at pakainin ng breakfast. Malambing nya itong kinausap at pinaintindi ang tungkol sa nangyari kaninang pagsigaw ng daddy nito.

Pagkatapos nilang maligo at mag almusal ay iginiya sya nito sa kwarto ni Luc. Nagulat sya sa ginawa ng bata. Parang ayaw pa niya ulit makita si Luc. Masakit parin ang puso nya sa nakita nung gabing magkasama ito at ang Diane na yun..at halos mabaliw sya sa pag iisip kung ano ang ginagawa ng dalawa sa kwarto nito ng gabing yun.
Hawak nito ang kamay nya habang kumakatok sa pintuan. Nagtagal din bago ito buksan ng binata ang pinto. Iniluwa niyon ang nakataping maskuladong katawan ng binata. Tumutulo pa ang basang buhok nito na halatang kagagaling lang sa shower. Saglit na nagkatitigan ang kanilang mga mata.
Dumako ang tingin nya sa makinis at mala adonis nitong dibdib na animo’y may sarili itong buhay at para bang nagsasabi na “yes Jana? Hindi sya nagmumura pero sa pagkakataong yun ay napasambit sya ng  “Shit” .

“ Jana..?"

Saad ng binata. Bumaba ang tingin nya kay Macky at na gets naman agad ito ni Luc. Matamis na nginitian ang bata at bigla itong binuhat. Hinalikan ito sa pisngi.

“ So, i am forgiven now?

Itinaas- baba pa ng binata ang dalawang kilay. Natawa ang bata at ginaya ang ginawa ng daddy Luc nito. Napangiti si Jana habang tinitingnan ang dalawa at dahil feeling awkward sya sa nakikitang eight packs ng binata ay minabuti nyang magpaalam muna.

“ Bibigyan ko muna kayo ng time. Bababa lang ako para tulungan si nanay Ledia..”

anya sa binata.

"THE NANNY' S  LOVE AFFAIR"Where stories live. Discover now