....

223 5 0
                                    

Bumaling kay Jana.

“ Mommy will take care of you while im finishing my work, okay?”

Anito na nakatingin parin kay Jana. Napatango naman ang bata na inilapag nya sa kama. Lumapit si Jana kay Macky at pinahiga ito habang bumalik naman si Luc sa mini office nito. Alas nuebe na ng gabi nang makatulog si Macky dahil ang dami nitong katanungan.

Nag imbento pa sya ng kuwento para lang tuluyan na itong makatulog.
Maya- maya ay nakaramdam sya ng sakit ng puson..kanina pa nya gustong umihi ngunit hindi nya magawa dahil gising pa ito. Dahan- dahan syang bumangon para lumabas ng kwarto at tumungo sa kwarto ni Macky para gumamit ng banyo..nang bigla nyang marinig ang boses ni Luc.

“ Where are you going? "

Nakatayo ito sa pinto ng mini office nang lingunin nya.

“ Sa room ni Macky. Gagamit lang ng banyo”

Taas kilay na saad nya. Napakunot noo ito.

“ May banyo dito o..”

Sabay turo ng banyo na katabi ng mini office nya.
Tinapunan nya ng tingin ang itinuro nito. Alam nyang may CR sa loob ng kwarto kaso naiilang syang gamitin ito lalo na’t katabi lang ng mini office nito.

“ malinis yan..”

Nakatitig na saad sa kanya.

“ Ahmmm..ok. Pero lalabas din ako..kukuha ng tubig.”

Pag dadahilan nya na tila tinatantiya nito ang sinasabi nya.

“… hmmm okay. Can you get me some coffee? No sugar.”
Saad nito.

“ Ok…”

kasabay nun ay lumabas na sya. Habang binabagtas pababa ang hagdan ay kinakausap ang sarili. Bakit kaya kakaiba sya ngayon? Bulong nya. Kanina pa sya mukhang masungit. May nangyari kaya sa trabaho.? Napapailing nyang saad. Tinungo nya muna ang banyo malapit sa kichen para umuhi at pagkatapos ay napainom ng tubig ng wala sa oras.
Kinakabahan parin sya sa inaakto ng lalake idagdag pa na matutulog na naman sya sa kwarto nito.

Sariwa pa sa alala nya ang nangyari nung nakaraang gabi. Yung higpit ng yakap at init ng halik nito. Napapikit sya at napalunok sa isiping yun.
Ipinilig nya ang ulo at pilit iwinawaksi ang ang mga nangyari nung nakaraang gabi. Nagtimpla ng kape at hindi namalayang nalagyan nya ito ng asukal. Umakyat muli at dahan dahang pumasok ng kwarto. Busy padin ito nang madatnan nya sa mini office.

Dahan dahan nyang inilapag ang kape sa kanan nito. Naramdaman nyang inilapag nito ang papel na binabasa. Akmang tatalikod na sya nang bigla itong nagsalita.

“ Huwag kang padadala sa matatamis na salita ni Jason..”

Napatigil sya at nalilitong tiningnan ito. Nakataas ang mukha nito at tinititigan sya. Muli ay napako ang tingin nya sa 8 packs nito..at di nya maiwasang mailang.

“…baka sa bandang huli umiyak ka lang..” nakatitig parin na saad nito sa kanya.

“ Pwede bang paki klaro kung bakit ako iiyak?"

Naiinis na tanong nya. Na gets nya kung anong ibig nitong ipakahulugan. Akala yata nito isa syang cheap na babae na basta basta nalang maniniwala at papaiyakin ng lalake.

“ Oh common! You know what I meant. Yung mga babaeng nauuto ni Jason nang ganung kabilis ay cheap!”

Mariing saad nito. Na naniningkit ang mga mata nya.

“ Don’t worry..hindi ako cheap! Hinding hindi ako papatol sa lalakeng hindi ko pa kilala ng lubusan at hindi ko mahal.”
Mariin nyang saad sa sobrang inis.

"THE NANNY' S  LOVE AFFAIR"Where stories live. Discover now