...

207 1 0
                                    

Akmang tatalikod na ang dalaga para lumabas ng kwarto ng magsalita si Luc.
“ Nauuhaw ako Jana, pwede bang dalhan mo ako ng tubig? Samahan mo narin ng  prutas at gusto ko ng snack”

Natigil ang dalaga. Biglang napakunot noo.
“ Sige sasabihin ko ke Nay Ledia....”

“ Ikaw ang gusto kong maghanda..at dalhin mo dito”

Muling napatigil si jana..seryoso ba to? Pagkatapos nya akong breakan may gana pang mang utos! Bulong nya sa sarili.

“ Nag aantay kasi si Mack....”

“ Jana, you heard me..and dont make me repeat it!”

Matigas na saad ng binata. Agad naman na tumalima si Jana na tila hindi maintindihan ang ikinikilos ng lalake. Naghanda sya ng prutas at tubig para iakyat. Gusto nyang umiyak at magsisigaw dahil sa nangyari ngayong araw. Nagpaalam muna sya ke Aling Ledia para i akyat ang prutas at tubig.

“ Hay Jana..ako nang bahala ke Macky..naglalaro lang naman sya dito. Walang problema sa akin..tsaka dapat day off mo ngayon kasi linggo.”

Nginitian nya ang matanda at mabilis na umakyat sa taas. Naabutan nyang nagpapahinga si Luc sa sofa habang busy sa pagtetext. Inilapag nya ang prutas at  at tubig sa kaharap na center table at pagkatapos ay akmang lalabas na sana.

“ Jana..

“ Ba..bakit..?

“ Im so fucking tired right now. May jet lag parin ako..can you massage my back? "

Napataas ang kilay nya. Seryoso? Kaka break lang namin tas may gana syang magpa masahe sa ex nya? Sira ba ang tuktok ng lalakeng to? Napatingin sya dito.

“ Pwede ba?” 

Bigla itong naghubad ng pang itaas at tumalikod sa kanya. Gigil na pumwesto sya sa malapad at maskuladong likod ng binata. Nagsimulang syang igalaw ang mga kamay ng swabe. Magaling kaya syang mag massage.

Sa katunayan kumuha sya ng short course sa tesda nung nasa college days pa sya kaya alam nya ang mga strokes ng swedish massage. Maya’t maya pa ay napaungol na ang binata sa sobrang sarap.

“ Hmmm..ang sarap naman. Magaling ka palang mag massage..hmmm lakasan mo pa..”

Hindi ito tumigil sa pag ungol kung kaya’t napalunok na lamang sya dahil sa sexy ng boses nito. Nainis sya bigla sa sarili..ano ba kasi ang ginagawa nya dito..pagkatapos syang breakan nito bakit nagawa pa nyang magmasahe! Bigla nyang hinampas ang likod nito.

“ Aray!  Bakit ba? Napalingon ito.

“ Tumigil ka sa pag ungol mo! Para kang kinakatay na kuneho! “

Bahagyang natawa si Luc sa sinabi ng dalaga. Alam nyang may epekto ang ungol na yun sa dalaga kaya ito nagkakaganito. Tumigil na ang dalaga sa pag mamasahe..

“ Ayan! Siguro naman makakatulog kana nyan ano? O baka gusto mo patulugin pa kita at kantahan ng lullaby?” 
Naiirita nyang tanong.

“ Kung ok lang sayo? Nakangising saad nito sa dalaga na biglang humarap at hinila  ito palapit sa kanya. Nagulat ito..at namilog ang mga mata.

“ Damn! I miss you so much!"

At walang sabi sabing hinalikan nito sa labi ang dalaga. Mariin at  mapusok. Mabilis ang mga pangyayari at hindi ito inaaasahan ni Jana.
Nalilito man ay nangibabaw parin ang pangungulila nya sa binata nitong mga nakaraang araw habang wala ito. Hindi na nya namalayan ang pag ganti nya ng halik dito.

Tila nasanay na ang inosente nyang mga labi na sumabay sa bawat galaw ng mga labi ng binata. Pinapamilyar ng utak nya ang sensasyong ibinibigay sa kanya ng bawat haplos ng mga kamay ni Luc sa knyang katawan at bawat dampi ng mapang akin nitong mga labi  sa labi nya.
Nagagalit sya ! Naiinis sya!  At nalilito sya sa ginagawa nito sa kanya. Pero anong magagawa nya? Isa syang alipin..alipin nang mapaglarong puso ni Luc, Alipin ng ala greek god nitong kakisigan.
Naghahabol sya ng hininga samantalang halos ayaw bitawan ng binata ang kanyang mga labi..at nanatiling mahigpit ang pagkakayakap nito kay Jana. Bahagyang inilayo ng dalaga ang mukha sa lalake at tinitigan ito.

“ Hindi pa ba tayo break?"

Nalilitong tanong nito.Napakunot noo ang binata.

“ Gusto mo bang mag break tayo?"

May kinahuhumalingan ka bang ibang lalake bukod sa akin?  May himig pagbibiro na saad nito.

“ Akala ko kanina..ayaw mo na..”

“ Lagi mo akong pinangungunahan Jana, ang advance mong mag isip”

Naiiritang saad ng lalake. Tinitigan sya nitong maigi at mas lalong hinapit sa beywang.

“  Lucifer..matutunaw ako..itigil mo na yang mga titig mo.”

Naiilang nyang saad. Napangiti si Luc..at kita nya ang pantay pantay nitong ngipin na mas lalong nagpa gwapo dito.

“ Im just thingking..maybe you could transfer here in my room..? Umpisa nito na ikinagulat niya.

"THE NANNY' S  LOVE AFFAIR"Where stories live. Discover now