Kabanata 08

318 38 1
                                    

"Huh?" nagtataka niyang tanong sa akin.

Lumapit siya sa akin at humakbang naman ako paatras para bigyan siya ng espasyo. Marahan niyang hinawi ang kurtina at unti-uting sumilip doon para tignan si Dianne. Matagal pa siyang nakasilip bago tuluyang hinawi ang kurtina nang tuluyan na ikinagulat namin ni Akhi.

"Hoy!" sigaw ko sa kanya at mabilisang sinara ang kurtina.

"Tangina nito!" si Akhi naman.

"Wala na siya!" sabi ni Liam sa amin na muling hinawi ang kurtina sa mas malaki pa kesa sa kanina. "See? Wala na siya," aniya na sinilip pa ang labas.

"Liam, parang tanga naman!" iritado kong sabi sa kanya at muling binalik ang kurtina sa dating ayos at tinulak na siya palayo roon.

"Makikita kayo diyan sa ginagawa niyong dala—" si Akhi na hindi natapos ang sasabihin nang biglang tumunog ang doorbell ng penthouse ko.

Pare-pareho kaming natigilan at nagkatinginang tatlo. Nagsenyasan pa kami kung sino ang pupunta roon para tignan kung sino iyon.

"Tignan ko lang sa monitor kung sino," sabi ko na kahit na nanghihina pa rin ay sinimulan ko ng humakbang patungo roon.

"Sama! Sama!" si Liam na mas nauna pa sa paglalakad sa akin na nilampasan na ako.

Nakita ko namang tumayo na rin si Akhi sa kinauupuan niya at naglakad na tungo sa amin. Si Liam naman ay gulat na napatingin sa akin matapos tignan kung sino ang nasa monitor.

"S-Siya ba?" tanong ko saka na nagmadaling lumapit sa monitor para tignan din.

At doon na ako tuluyang nanghina nang makita ang kanyang mukha. Now, I have full access to her face. I can stare at her without her knowing it. But I feel like she's staring at me too when she looks at the camera outside.

"Oh, shit..."

Her eyes are attracting me the same goes with her lips even if she's not doing anything...

She's wearing a simple blue night satin dress and a blue slipper. Her long wavy hair is still loose. Mukhang hindi na siya nag-abala pang magsuklay or itali ito nang lumabas sa penthouse niya at dito na dumeretso agad. Ngunit habang hinihintay ang pagbubukas ng pintuan ko ay marahan niyang sinusuklay ang buhok gamit ang kanyang daliri.

"Tae! Ang ganda niya!" Si Liam naman na hinawakan pa ang monitor tila parang hinahawakan siya na nakatayo sa labas ngayon.

"Alis nga diyan!" inis kong sabi kay Liam na tinulak siya patagilid.

Ngunit hindi siya nagpatalo sa akin, tinulak din ako pagilid. Kaya ngayon pareho na kami nag-aagawan sa pwesto ng monitor. Kulang na lamang ay magsuntukan kami ngayon sa pagmumura namin sa isa't isa. Ngunit agad kaming napatigil nang biglang buksan ni Akhiron ang pintuan ng penthouse ko na wala man lang pahintulot sa akin! That's dangerous, for goodness sake!

Wala niya kaming ekspresyong tinignan na dalawa ni Liam na natigilan bago siya bumaling sa labas. Doon naman na kami napaayos ni Liam ng tayo na kanina pa pala nabitin ang mga kamay namin sa ere sa para sa pagtulak namin sana sa isa't isa.

"Good evening," Akhi said formally and with a serious tone.

"Uh..."

Bahagya kong tinagilid ang ulo, nagbabakasakali na masilip siya nang kaonti na nasa labas ngayon. Ngunit agad hinawakan ni Liam ang ulo ko at marahas na hinila dahilan para sikuin ko siya at tinignan nang masama. Good thing we can hit each other without making a noise. Ngunit alam ko na iba na ang timpla ng mukha ni Akhiron dahil sa amin kahit hindi niya sabihin.

Bomb Tamer's RevivalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon