|13| DATING TAYO

18 3 0
                                    


Dates...

Flowers...

Chocolates...

Surprises...

Gifts...

Kisses...

Sweet messages...

Holding hands...

Tampuhan...

Suyuan...

Cool offs...

Away....

At siyempre, di nawawala ang problema pero lahat naman yun ay nalampasan namin,

Noon...

Hindi na ngayon.

Hindi ko rin alam kung sino samin ang nagkulang. Hindi ko lubos maisip kung sino samin ang dapat sisihin dahil umabot kami sa hiwalayan.

Ang sweet namin eh.

Hindi kami nagpapa-apekto sa problema.

Well, noon nga yun.

Yung may kami.

Yung may dating kami.

Blangko akong napatingin sa labas habang nagkakape.

Umuulan.

Sinasabayan lang naman ang aking kalungkutan.

Tss! Ang OA na, grabe.!

We broke up for the past 8 months but still I am here, holding the past that we had before.

"Wala na ba talaga?" wala sa sarili kong sambit habang tinatanaw ang nagdadaanang mga sasakyan at mga taong nagtatakbuhan, makaiwas lang sa ulan.

Naglakas loob akong i-text siya para hingan ng explanation. Hindi parin talaga ako matahimik.

I need his answers.
I need clarifications.

Bakit niya pa ako kailangang hiwalayan noon na agad ko namang sinang-ayunan?
Hindi ko rin maintindihan ang sarili ko that time.

Why did I let him go?

Bakit?

Hinintay ko siya sa lugar kung saan kami unang nagdate dati at kung saan rin biglaang natapos ang lahat ng sinimulan namin.

Hopefully, dumating siya.

Sana. Sana lang!

"Chocolate cake, please..." nag-order ako ng dalawa in case na dumating siya.

I've been waiting him for almost an hour already.
Darating pa kaya yun?

Bakit ganun? Kung itrato niya ako ngayon, parang walang pinagsamahan ah.

One hour...

Two hours...

Three hours...

Four hours akong umasa na sisipot siya pero hindi. Nagmukha lang akong tanga sa lugar na yun.

How stupid.

Pagkauwi ko sa bahay, agad akong sinalubong ni mama sabay abot ng panyo saken.

"Magpunas ka, anak. Basang-basa ka ah! Sa'n ka ba galing?"

"Nag pahangin lang po..." walang gana kong sagot

"Aba, nasubraan ka pa nga ata sa hangin. May kasama pang tubig ano?" sarkastika niyang sagot

ONE SHOT STORIESWhere stories live. Discover now