STORY DEDIC TO KRONUS SILVENIA.
Don't lose hope. Keep moving forward. Hindi lang ikaw ang nahihirapan, maraming tao sa mundo na may mas malalang karanasan kumpara sayo. KEEP BREATHING. Wag ka gumawa ng bagay na alam mong ikasasama mo, oks ba?
Sabi nila kung may problema, sandalan ang pamilya.
Pero..
pa'no ko sila sasandalan kung papalapit palang ako, mura at pangmamaliit lang ang maririnig ko sa kanila?
"Lumayas ka nga rito, Kronus! Wala kang kwenta! Puro nalang problema ang dala mo sa pamilyang ito! Palamunin ka lang! Ba't kasi hindi ka gumana sa mga kapatid mo, ha? Matalino at masipag!" paninigaw ni mama saken
Kakasikat palang ng araw sa umaga.
Ang gandang pambungad.
Hindi ko sinunod ang sinabi niya.
Kahit masakit, tinitiis ko.
Pangkukumpara para sa mga nakababatang kapatid ko.
Ah, ako ang panganay pero para sa kanila ang mga bunso kong kapatid ang laging may silbi.
Ginagawa ko naman lahat.
Nag-aaral ako ng mabuti, tumutulong sa gawaing bahay pero wala pa rin akong kwenta?
Nakakatawa naman.
"Kuya, 'wag mo na isipin ang sinabi ni mama," nilingon ko si Kairus at blankong tiningnan ito
"Lumabas ka sa kwarto ko, baka mahawa ka pa sa kawalan ko ng kwenta," sagot ko sa kanya sabay ng pagpigil ko sa sariling boses na pumiyok
"Kuy--"
"Labas sabi!" sigaw ko sakto namang naabutan kami ni mama
Agad akong sinugod nito at sinampal.
"Kita mo na? Kahit kapatid mo minumulat mo diyan sa basura mong ugali! Tumigil tigil ka, Kronus ah! Konti nalang talaga ang pasensya ko sayo!"
Padabog niyang sinara ang pinto ng kwarto ko.
Basura kong ugali?
Kayo ang dahilan kung ba't ako ganito.
Ginawa niyo akong ganito.
"Kuya!" pagtawag saken ng isa ko pang kapatid na babae, si Kises
Kinakatok niya ang kwarto ko. Inaaya akong kumain.
"Mauna na kayo. Tira nalang yung saken," malamig kong sagot sa kanya
"Kuya naman, pinaghanda ko na ang plato mo. Gusto mo dalhin ko dyan?"
"Wag na. Wag mo'ko kulitin, pwedi?"
Ilang segundo lang ay narinig ko ang mga yapak niya papalayo.
Dahil sa kung paano kami tratuhin ng mga magulang namin, nagkaganito ako.
Hindi sila pantay magmahal.
Laging may mas mahal at hindi minamahal.
Dahil din sa kanila, lumayo ang loob ko sa dalawa kong kapatid.
Tinatrato ko sila na labag sa kalooban ko.
Gusto ko silang saktan para maramdaman nila ang nararamdaman ko.
Bakit?
Pakiramdam ko, hindi ako anak.
Pakiramdam ko, hindi ako parte ng pamilya.
Tulala akong nanatili sa kwarto.
Nagmukmok, nag-iisip ng malalim habang kaharap ko ang salamin kaya kita ko ngayon ang aking replekyon.
YOU ARE READING
ONE SHOT STORIES
Short StoryThese are my compilations of one shot stories. Feel free to read people! Votes and comments will be highly appreciated. Thank you! Thanks to @Scychee for the cover 090120