|14| SINO ANG PUMATAY?

17 3 0
                                    


Kilala si Helena Madrigal sa kanilang bayan bilang isang maganda at mabait na dalaga. Isang Brazilian ang kanyang ama ngunit mula pagkabata ay hindi niya na ito nakita pa.

Matangkad siya at maputi. May matangos na ilong, mahabang pilikmata, mahabang blonde na buhok at may magandang hubog ng katawan. Hindi maiiwasan na maraming mahuhumaling sa kanyang taglay na kagandahan.

Naglalako  lamang ng ulam at mga kakanin ang kanyang ina kaya tuwing weekends ay tinutulungan niya ito.

Lakad ng sila ng lakad, nagbabahay-bahay. Kalaunan ay nakarating sila sa kabilang bayan para maibenta ang mga natirang paninda.

Maaga pa naman at mukhang maganda ang panahon.

Isa si Jerome sa nakakita  kay Helena sa araw na iyon. Isang simpleng binata na tanging pangingisda at pangangaso ang panghanap-buhay.

Unang kita niya pa lamang dito ay alam niyang may gusto na siya sa dalaga.

Sino ba naman ang hindi magkakagusto sa babaeng maihahalintulad sa isang dyosa?

"Tay, may gusto po akong ligawan..." nakangiting saad niya sa ama habang abala sila sa pag-ahon ng lambat

"Aba e, sino naman ang maswerteng dilag na yan?"
"Kikilalanin ko pa po e, hehehe." sabay kamot sa batok

Lingid sa kaalaman niya na may dalawa pa palang binata ang may balak na manligaw sa dalagang gusto niya.

Si Julius, anak ng isang kilalang Mayor.

"Dapat ay mapasaakin si Helena. Gagawin ko lahat para makuha siya.. Isa pa, wala pa akong ginusto na hindi ko nakukuha.." anas ni Julius sabay inom ng kanyang alak

Napatawa na lamang ang kanyang ama habang tumatango, sumasang-ayon sa kanyang sinabi.

Si Joseph naman na anak ng isang tanyag na Gobernador sa kanilang bayan.

"Ano man ang magiging desisyon niya, kailangan kong tanggapin. Hindi ko kailangang ipilit ang sarili ko sa taong hindi naman ako gugustuhin.." matapos sabihin iyon ay nilisan na nila ang lugar at nagbalik sa kanilang tahanan

Kung ihahambing, walang-wala si Jerome kumpara sa dalawa pero hindi yun naging hadlang para umatras siya.

Mula nang magkagusto sila sa dalaga ay kanya-kanya sila ng diskarte. May mga araw na kapag naglalako si Helena kasama ang kanyang ina ay bibilhin ito lahat ni Julius.

Si Joseph naman ay aabangan si Helena sa labas ng kanilang bahay at ipaabot nito ang kanyang pagbati ng "Magandang gabi."

Habang si Jerome ay walang araw na hindi nagdadala ng pagkain para sa mag-ina. Minsan naman ay pinag-iigib niya ito ng tubig at pinagsisibakan ng panggatong upang hindi na ito mahirapan.

Isang araw, dumalaw si Jerome sa bahay ni Helena upang manligaw pero mas nauna sa kanya si Joseph habang kararating lang ni Julius.

Si Julius ay may dalang isang supot ng rosas habang siya naman ay tanging luto lamang ng kanyang ina ang kanyang dala.

Kapwa sila nagsukatan ng tingin at nagpakiramdaman hanggang sa patuluyin na sila ng Nanay ni Helena.

Do'n sa loob, tumambad sa kanilang dalawa ang masayang pag-uusap nina Joseph at Helena.

Kapwa na lamang sila napamura sa kanilang isipan.

Nakaramdam ng pagkailang at inis ang tatlong binata sa isa't-isa lalo na't pareho sila ng gusto.

Ang mapasagot ang nag-iisang Helena Madrigal.

Sa kanilang tatlo, wala ni isa ang sumuko. Araw-araw silang bumibisita sa dalaga na may dalang kung anu-ano. Pati kapitbahay ay nakikiusyoso na sa kanila dahil sa inggit na nararamdaman.

Meron din kasi silang mga anak na dalaga pero wala sa tatlo ang lumapit sa mga ito sapagkat kung ganda lamang ang usapan ay hindi nila madadaig si Helena.

Isang araw, dumating ang kaarawan ni Helena kaya nagkanya-kanya ang tatlo sa pagbibigay ng regalo.

"Maraming salamat Jerome.."  matipid na sagot ni Helena kay Jerome nang abutin niya na ang regalo nito

Sumunod naman si Julius.

"Maraming salamat Julius.." ngumiti siya ng matamis sabay abot nung regalo

"Salamat talaga Joseph.. "  simpleng saad niya sa binata

Nang makuha niya ang regalo galing dito ay agad nitong kinuha ang palad niya at hinagkan na mas lalong nagpalaki ng kanyang mga ngiti.

Hindi nagtagal ay natapos narin ang munting salo-salo. Nagsiuwian na ang mga bisita. Lingid sa kaalaman ni Helena na mas lalo lamang nagkainitan ang tatlo ng gabing iyon.

May kaunting inuman sa salo-salo na akala niya hindi siya tatamaan pero nang pumasok na siya sa kanilang bahay ay nakaramdam siya ng kulo sa kanyang tiyan kaya nagmadali siyang lumabas at sumuka.

Kinabukasan, hindi na magkamayaw sa pag-iyak si Linda. Hindi nadin alam ng mga kaibiga't kapitbahay niya kung paano siya aaluin.

Sino ba naman ang hindi maiiyak na pagkatapos pala ng masayang gabing yun ay ang kagimbal-gimbal na pangyayari?

Natagpuan lang naman si Helena sa isang talahiban kung saan tadtad ng saksak ang katawan, may mga hiwa ang mukha at hubo't hubad. Halatang pinagsamantalahan muna at pinahirapan bago patayin.

"Kailan mo siya sasagutin, Helena?" tanong ng kaibigan niya

"Bukas. Sabi niya babalik siya dito para sa sagot ko."  masayang sagot niya

"Sino ba kasi talaga sa kanilang tatlo?" nagtatakang tanong nito

"Bukas ko na sasabihin kapag nasagot ko na siya." kinikilig na sagot ni Helena

"Sus! Sino ba kasi?"

"Basta!"

"Hindi naman siguro yan si Jerome, ano? Pumili ka naman ng mayaman!"

"Ano ka ba Tessa! Baka may makarinig sayo!" sigaw niya sa kaibigan at luminga-linga

"Pero te, mas gusto ko talaga yung Julius hehehe." napairap lang si Helena

"Gusto ko rin si Joseph..." sabat niya at umirap parin na animo'y kinikilig

Pareho na lamang silang natawa ng kaibigan niya.

Hindi nila alam na kanina pa pala may nakikinig sa kanila.

Isa sa mga manliligaw niya.

Pagkatapos niyang sumuka, akmang papasok na siya nang may mga kamay nang yumapos sa kanyang bewang at agad siyang pinaharap rito.

Hindi pa man siya nakakabawi sa pagkagulat ay bigla na lamang siya nitong sinikmuraan dahilan para mawalan siya ng malay.

Makalipas ang ilang taon ay hindi parin nasasagot ang tanong na matagal ng naglalaro sa isipan ni Linda.

Namatay ang pinakamamahal niyang Helena pero wala paring hustisya.

SINO ANG PUMATAY?

071419

ONE SHOT STORIESWhere stories live. Discover now