THIS IS ME

61 2 0
                                    

9 September 2020

Ipagamit mo sa akin at ako ang bahala sa'yo. - Lord

Huwag mong ikahiya kung sino ang ginawa ko, huwag mong ikahiya ang identity mo at talent and skill mo dahil ako ang naglagay niyan sa iyo. - Lord

Bata pa lang ako mahilig na akong magsulat, mostly sa sinusulat ko ay love story, that time hindi pa ako nagsusurrender ng buhay ko sa Lord. Lumalaki ako mas lalo akong nahihilig magsulat, nagsusulat na din ako ng tula,  mahilig din ako magsulat sa journal or diary. Simula nuon ay hindi ko sinasabi sa pamilya ko na nagsusulat ako, nahihiya at natatakot kasi ako dahil sa society natin ay hindi lahat sumusuporta sa pagsusulat. Hanggang nag college at lalo nung naging Kristyano ako ay mas tumindi yung hilig ko sa pagsusulat, hanggang sa naisipan ko na din gumawa ng personal blog dito sa wattpad.

Pero kahit naging malaya ako dito sa wattpad sa pagsusulat ng totoong ako at ng nasa isip ko o imahinasyon ay natatakot pa din ako at nahihiya na ipakilala ang sarili ko sa publiko, sa private facebook account ko ay hindi ko din ipino post anu man ang sinusulat ko dito. Una ay natatakot na mahusgahan, pangalawa ay natatakot sa iisipin ng pamilya ko tungkol sa akin. Pero sa totoo lang, sa pagsusulat ako pinaka nagiging totoo, sa pagsusulat ako nagiging malaya dito ko naipapahayag ang totoong nararamdaman ko. Dito ako kumportableng magkwento ng tungkol sa buhay ko at sa pinagdadaanan ko o sa sitwasyon ko.

Pero parang may mali, parang may nakagapos sa akin. Sa una ay ayaw ko naman talaga magpakilala, ayaw kong ipaalam na ako ang may ari nitong account na ito, na ako yung nagsusulat dito dahil dito nga kasi ako nagiging malaya at totoo pero matagal ko na din nararamdaman na gusto din ng Panginoon na maging malaya ako sa takot ko, na maging malaya ako na ipaalam din sa ibang tao yung totoong saloobin ko nang hindi ako nakatago sa pangalan na aybisidii lang kundi kung meron man magtanong kung sino ako ay malaya kong masasagot ng totoong pangalan ko.

At ngayon nga ay handa na akong buksan ang pintuan ng totoong ako sa mga tao, yung ipakilala na ito ako. Naalala ko na sinabi ni Alex G or ni Toni G, di ko kasi maalala sino nagsabi since nabasa ko lang sa shared post sa fb sabi ay kapag hindi mo niyakap ang mundo(opinion ng tao) tsaka ka yayakapin din ng mundo sa pagiging totoo mo. Hindi yan yung exact na sinabi pero ganyan yung thoughts na nakuha ko. Alam kong hindi ko naman ito ginagawa para sa sarili ko pero paano ako mas magagamit ng Panginoon sa pang malawakan kung hindi ko bubuksan ang buhay ko sa ibang tao pagdating sa pagsusulat?

Kung ikukubli ko ang sarili ko sa pangalan Esther Grace at hindi sa totoo kong pangalan? Paano ako magagamit ng Panginoon kung puno ako ng takot at hiya? Alam ko na bawat ginagawa ko ay para sa Lord at dapat nasa behind the scene lang ako pero iba ang gusto mong ibigay sa Lord ang spotlight sa iba din kung nagtatago, natatakot at nahihiya ka lang din. Kaya ngayon tatayuan ko ng buong puso ang panawagan at ministry na binigay sa akin ng Lord. Tatayuan ko na ako mismo ang kikilos at hindi ang pangalan na binuo ko dahil sa takot.

At sinusuko ko lahat ng takot at pangamba at alinlangan sa Panginoon. Ngunit may isa lang akong hiling sa mambabasa, lahat sana ng mababasa niyo dito ay sa inyo nalang muna lalo ang personal na mga kwento ko may mga sinulat kasi ako dito lalo sa past ko na hindi alam ng Pamilya ko. Hayaan niyo na kapag maayos na ang lahat ay ako na din mismo ang magsabi nang nakaraan ko. Maraming salamat. :)


Facebook page: facebook.com/aybisidii.fb/Youtube account: youtube.com/channel/UCcUuE...Twitter: https://twitter.com/aybisidiii

PURPOSE (Book 1 - Completed)Where stories live. Discover now