DATI

67 2 10
                                    


Date: November 11, 2020



Nakakamiss yung dati

Nakakamiss si Lord

Nakakamiss yung panahon na una ko Siyang nakilala

Yung panahon na bago pa sa akin ang lahat

Bago ang simbahan

Bagong Kristyano

As in yung mahaba pa ang oras ko para sa Kanya

Ano nga ba'ng nangyari?


Bandang August ko 'yan naramdaman, though nararamdaman ko naman na talaga siya nung nag start yung pandemic pero mas tumindi nung August. Miss na miss ko na si Lord, miss na miss ko na yung dati, yung nakakapunta ako sa Church, yung dati na excited ako sa lahat, yung dati na inlove na inlove ako sa Lord. Hanggang sa ikinuwento ko sa kaibigan ko yun, and she asked me why? Bakit ko nga naman daw nasabi yun? Kasi that time okay naman ako sa walk ko sa Lord.


Sinagot ko lang siya na, ibang iba na kasi dati kesa ngayon, kumbaga dati kasi kasisimula ko pa lang sa Lord, sa Church, sa lahat, nag-iinvest sa relationship sa mga bagong kakilala. Nag spend ng time mas makilala pa si Lord at napakadami ko pang oras nuon para mag worship sa Lord ng sobrang haba. Yung pakiramdam na kapag new school year, na bago ang uniform, bago ang shoes, bago ang bags at gamit sa School.



Ganoon yung pakiramdam ko, na hindi ko maipaliwanag kung bakit ko siya nararamdaman. Pero miss na miss ko ang Lord.



Hanggang nung linggo, nakahiga ako at nakikinig sa isang online preaching, nag start na mag praise and worship and grabe, as in grabe dahil praise song pa lang naiiyak na ako, iba na yung kabog ng puso ko. Hanggang sa nung worship song na at Goodness of God yung kanta duon na ako nagkarealization. Hindi ko namimiss yung dati, yung ganap dati, namimiss ko yung dati na ako, yung carefree na ako, dahil kasi ngayon napaka bigat na ng pasanin ko.


Dati pwede akong magpahinga, pwede akong sumuko, pwede akong mag petiks pero ngayon hindi pwedeng basta-basta ko gawin yun dahil may responsibilidad ako, sa bawat gagawin ko kailangan ko magdesisyon mabuti dahil madami ang maapektuhan. Ang bawat oras na meron ako, napakahalaga dahil sa dami kong ginagawa.


Kaya pagdating ng sabado't linggo e mas gusto ko nalang humilata at magpahinga or manuod ng movies dahil totoo naman nakakapagod pag adulting ka na. Nagbago na kasi ang mundo ko, hindi ako basta pwedeng sumuko sa mga hamon ng buhay, kahit pa minsan ang sakit sakit na at ang hirap hirap na, sobrang pressure.


Totoo, masyado na akong busy at wala na din oras na katulad dati para sa Lord. Pero sa totoo lang hindi naman ako nire-require ni Lord na maging kasing dami ng oras ko dati, what He wants ay yung hindi ako maghanap ng kapahingahang sa worldly things, nang comfort at joy sa makamundong bagay. Yes, hindi masama ang mga bagay na yun pero wag sosobra na wala ka nang time sa Kanya.


And that moment, nung narealize ko lahat, iyak ako ng iyak. Humingi ako ng tawad sa Lord sa lahat ng kakulangan ko sa kanya, sa lahat ng pagkakamali ko, kailangan ko din talagang gawin ito para sa bagong pagdadalhan ng Lord sa akin na hindi na pwede yung dati kong ginagawa.


Dahil sa bago, maraming irrequire na magkukulang ako kung yung nakasanayan ko pa din ang masusunod. Salamat sa Lord, salamat sa pagmamahal Niya nakabalik ako.


Sabi ko nga "Huwag mo nalang akong ibalik sa init na katulad ng dati, Panginoon, kundi gabayan at ituro mo sa akin yung init ng bago, yung apoy ng ngayon."
























PURPOSE (Book 1 - Completed)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora