6

292 13 0
                                    

Hinatak ko siya sa braso. "Saan mo ko dadalhin?"

"Samahan mo ko sa library." Sabi ko.

Hindi ako papayag na dito magtatapos ang plano ko sa pamilya niya. Hindi ako papayag na maikasal siya.

Nang makarating na kami sa library ay ang daming estudyante ang nag aaral rito.

"Ano ang ginagawa natin rito?" Tanong niya.

Imbes na sagutin ko siya ay pumunta kami sa tagong lugar. Sigurado walang tao ang pumupunta sa lugar na 'to.

Tumingin ako sa paligid para siguraduhin wala talagang tao at binaling ko sa kanya ang tingin. "Sa tingin mo ba papayag ako magpakasal ka sa iba?"

"Ano ang ibig mong sabihin?"

"Tsk." Pinag krus ko ang mga braso ko. "I will not allow you to marry someone else because you are mine."

"Mahal mo ba talaga ako? Kasi ako, oo. Mahal na kita."

"No. Not yet. I don't know. Pero hindi ko kayang mawala ka sa akin." Sabi ko dahilan na yumuko siya. "Buntisin na lang kaya kita para hindi matuloy ang kasal."

Inangat niya ang tingin, gulat na gulat. "Huh?!"

Tinakpan ko ang bibig niya. "Shh... Huwag ka maingay baka may makakita sa atin dito."

"Babaliw ka na ba? Bubuntisin mo ko?"

"Kung iyon na lang ba ang tanging paraan para–" Hindi natapos ang sasabihin ko ng halikan niya ako at ang mga braso niya nakapalibot sa leeg ko.

"Dito ba? Baka may makarinig sa atin dito."

"Wala 'yan. Kung hindi malakas ang sigaw mo."

Inayos ko na ang suot ko dahil nagusot sa nangyari sa amin ni Elysa. Wala talaga sa plano ko ito pero kung ito na lang talaga ang paraan para hindi matuloy ang kasal niya.

"Pananagutan mo ba ako kung magkaroon ng bunga ang nangyari?"

Tumingin ako sa kanya at tumango. Shit. Wala akong balak panagutan yung bata pero dugo't laman ko ang dumadaloy sa pagkakataon. Damn.

Niyakap niya ako. "Thank you, Rai."

Hindi pa nga sigurado kung may bunga nga ba talaga yung nangyari kanina. Pero hindi naman ako baog para hindi maka buntis ng babae.

Oras na ng uwian kaya sabay kami ni Elysa umuwi sa bahay dahil uuwi pa rin siya sa kanila.

"So this is good bye..." Aniya.

"I don't think so... Magkikita pa naman tayo bukas sa school."

Kinabukasan ay mag isa na lang ulit ako dahil kaninang madaling araw umuwi na siya sa kanila. Sa huling pagkakataon ay may nangyari ulit sa amin. May round 2 pa. Kung pwede nga lang na tuloy-tuloy hanggang umaga pero may pasok pa kami.

Ang unang nakita ko ay si Elysa habang papasok siya ng campus.

"Hi." Bati ko.

Lumingon siya na may ngiti sa mga labi nito. "Good morning, Rai."

"How are you? Anong oras ka na rin umuwi sa inyo kagabi."

"Inaantok pa ako pero hindi pwede umabsent. Malapit na ang exam." Hinayaan kong hawakan niya ang kamay ko. "Mamaya nga pala ay makikipag kita ako sa papakasalan ko."

Kumunot ang noo ko. "Bakit? Akala ko ba hindi mo kilala kung sino ang papakasalan mo."

"Oo pero may nakuha akong information sa office ni papa kaya tinawagan ko kanina yung fiance ko dapat. Pumayag siyang makipag kita sa akin mamaya."

"Gusto mo bang samahan kita?"

Umiling ako. "Huwag na. Kaya ko naman ito."

"Basta tawagan mo lang ako at dadating ako kaagad."

"Ang sweet mo talaga sa akin. Para kang boy– Ano nga pala ang status natin ngayon? Dalawang beses na may nangyari sa atin kahapon. Ayaw ko namang friends with benefits."

"Hindi naman ako papayag na ganoon ang status natin."

"So, ano nga?"

"Tao?" Parang hindi ako sigurado sa sagot ko.

Pinalo niya ang braso ko. "Kainis. Yung seryoso kasi."

Hinawakan ko ang kamay niya. "If you want to be my girlfriend. Kahit isang beses pa lang ako nang ligaw sayo."

"Ibig sabihin boyfriend na kita?" Tumango ako sa kanya. "Ingatan mo ko dahil ikaw ang first boyfriend ko."

Ngayon ay nahulog na siya sa patibong ko. Konting panahon na lang ay matatagumpay na ako sa binabalak ko. Humanda ka sa akin Julian Diaz sa muli nating pagtutuos.

"Dapat pala pinakilala na kita kay papa." Sabi niya.

"Hm? Baka mas lalo siyang magalit sayo kapag nalaman niyang may boyfriend ka at hindi yung lalaking papakasalan mo."

"Hindi na ako bata para kontrolin niya. At mas lalong hindi ako puppet para maging sunod-sunuran sa kanya. Ako dapat ang magdedesisyon kung ano ang dapat kong gawin sa buhay."

"Ganito na lang... pagkatapos mo diyan sa fiance mo ay magpapakilala ako sa papa mo."

"Promise mo yan ah."

Tumango ako. "Of course."

Hindi pa ako handa maka harap ulit ang ama niya pagkatapos kong umalis bilang bodyguard ni Elysa.

Pumasok na ako sa klase ko para ituloy ang lesson ko kahapon na hindi natapos dahil nag bigay ako ng seatwork sa kanila at hindi na ako bumalik.

Ang dami rin ang nagtatanong sa akin at sa nakikita kong desidido talaga silang matuto sa klase.

"Okay, magbibigay ulit ako ng seatwork."

"Seatwork na naman, sir?" Reklamo nilang lahat.

"Yes. Hindi niyo ba napapansin na review itong ginagawa natin para maging handa kayo sa darating na exam."

Nakikita kong nilalabas na nilang lahat ang kanilang libro.

"Hindi kayo sasagot sa libro. Kumuha kayo ng 1 whole sheet of paper at sa page 600-601." Umupo na ako sa upuan habang binabasa ko ang magiging lesson namin bukas.

"Sino may papel diyan? Pahinge ako." Rinig kong sabi ng isa kong estudyante.

Anong klase 'yan. Pumapasok na kulang sa school supplies.

"Sino may extra ballpen? Pahiram ako."

Inabot ko sa kanya ang ballpen ko. "Oh. Basta balik mo sa akin pagkatapos mo."

Importante sa akin ang ballpen na iyan dahil hindi iyan ordinaryong ballpen.

Kinuha na niya ang ballpen ko. "Salamat, sir."

Tumahimik na silang lahat dahil nag concentrate na sila sa seatwork na binigay ko. Sana nga ganito rin sila kapag exam pero may tiwala naman ako sa kanila. Sa nakikita ko matatalino silang lahat pero tamad lang sa pag aral kaya nandito sila sa Section F. Bagay nga sa kanila sa Section A.

Love Or RevengeWhere stories live. Discover now