21

293 12 0
                                    

Mas lalong naging busy kami dahil malapit na ang prelim exams kaso nitong mga nakaraang araw ay ni hindi man lang tumatawag sa akin si Elysa at noong isang araw ay pumunta ako sa kanila pero walang bumubukas. Saan kaya sila pumunta? Lumayo na naman ba sa akin si Elysa?

No, no. That's impossible. I know she loves me.

"May problema ba? Ang lalim kasi ng iniisip mo ngayon, Rai." Lumingon ako sa taong iyon - Si Edward.

"Nag aalala lang ako kay Elysa ngayon."

"What do you mean?"

"Hindi mo ba napapansin na ilang araw na siyang absent? Hindi siya ganito kung walang dahilan. I know her."

"Wala ba siya sinabi sayo?"

"Wala. Halos tatlong linggo na siyang walang paramdam. Imposible na lumayo ulit siya sa akin. Wala naman akong maalala na may ginawang mali."

"Almost three weeks." Pinag krus niya ang kanyang mga braso. "Hmm..."

"Ano ang iniisip mo, Ed?"

"Sana mali ang iniisip ko ngayon."

Kumunot ang noo ko. "Ano ba iyon? Sabihin mo na."

"Hindi mo ba napanood ang balita dati? Naka takas daw si Julian Diaz sa kulungan."

Namilog ang mga mata ko sa narinig. Masyado kasi akong busy kaya wala akong oras manood nang balita. "What?! Paano naka takas ang hayop na 'yon?"

"Hindi pa alam ng mga kapulisan kung paano siya naka takas pero may duda ako na may kasabwat siya." Tinapik ni Edward ang balikat ko. "Huwag ka mag alala tatawagan ko yung iba para kumuha ng impormasyon kung nasaan si Julian ngayon."

"Sabihan mo ko kung may nakuha ka na." Naiyukom ko ang kamao ko. Kahit sarili pa niyang anak ay kaya niya rin gawin ito.

"Kahit hindi mo na sabihin sa akin. Alam kong gusto mo iligtas ang mag-ina mo kung tama nga ang hinala ko."

"Salamat, Ed."

Hinding hindi ko siya mapapatawad sa pwede niyang gawin kay Elysa kung may kinalaman nga siya dito. Nangako ako kay Elysa na poprotektahan ko silang dalawa ni Kier. Asar!

Sinusubukan kong tawagan ang phone niya pero out of coverage palagi. May hindi magandang nangyayari sa mag-ina ko dahil hindi pinapatay ni Elysa ang phone niya.

Nagtuturo na ako sa susunod kong klase kaso hindi ako makapag concentrate ngayon kung nag aalala ako sa mag-ina ko ngayon.

"Sir, ayos lang po kayo?" Tanong ng isang estudyante ko.

"Yes, I'm fine. Huwag niyo na ako pansinin. Gawin niyo na lang ang pinapagawa ko sa inyo." Sabi ko.

Nang papunta na ako sa faculty room ay nakikita ko si Edward naglalakad papunta sa direksyon ko.

"Rai, may good news and bad news ako sayo. Ano ang gusto mong mauna?"

Kumunot ang noo ko. "Good news muna."

"Nakita na nila kung saan makikita si Julian Diaz pero ang bad news ay hawak niya ngayon si Elysa."

Sabi na. Wala talaga siyang puso kahit ang sariling anak ay dinadamay dito. Kung gusto niyang gumanti sa ginawa ko ay ako ang lapitan niya. Hindi 'yong maghahanap pa siya ng taong idadamay. Isa siyang duwag!

"Saan ko siya makikita?"

"Sumunod ka sa akin. Hindi tayo pwede dito mag usap." Tumango na lamang ako at nauna na siyang mag lakad kaya sumunod na lang ako.

Pumunta na kami sa office niya dahil wala makakarinig sa pag uusapan namin dito.

"Sa isang factory siya matatagpuan ngayon."

"Factory?" Takang tanong ko.

"Oo, malapit sa kumpanya niya dati. Maaari nandoon rin si Elysa."

Simulang nalaman ng nakakilala sa kanya sa ginagawa niya ay nawala na sa kanya ang lahat kahit ang kumpanya nito na matagal na niyang pinag hirapan. Sa totoo lang ako itong may kasalanan kung bakit naging ganito nangyayari sa buhay namin.

Kung hindi ito nangyari ay sana masaya na ako pero hindi ko naman sinabing hindi ako masaya ngayon. Kaso hindi ko makilala si Elysa at wala kaming Kier.

"Ano na ang plano mo ngayon, Rai?"

"Kahit ayaw kong gawin 'to pero nangako ako kay Elysa na poprotektahan ko sila ni Kier kahit buhay ko pa ang kapalit."

Matagal tagal na rin ang huling hawak ko ng baril. Hindi ako lumaban dati kay Julian noong inambush nila ng mga kasamahan niya ang bahay namin. Isa lang talaga ang nasa isip ko sa panahon na 'yon. Ang protektahan ang pamilya ko. Wala na akong pakialam kung ano pa pwedeng mangyari sa akin kaso hindi ko rin nagawang protektahan sila kaya hindi na ako papayag na may mapahamak pa ng dahil sa akin.

Baril sa baril, kamao sa kamao, buhay sa buhay basta ma protektahan ko lamang sina Elysa at Kier sa kamay ni Julian.

"Naiintindihan kita. Kung ano ang nasa pwesto mo ay iyan din ang gagawin ko basta mag iingat ka."

Nagmamadali akong lumabas sa school campus pero nagulat ako sa nakita ko sa taong nakatayo sa harapan ko ngayon. Buhay pa pala siya pero wala akong oras makipag usap sa kanya kaya nilagpasan ko na siya.

"Raizen... Anak."

Huminto ako sa paglalakad at humarap sa kanya. "Anak? Hindi ikaw ang ama ko dahil walang matinong ama na tuturuan ang anak na pumatay ng isang tao. Kung hindi dahil sa inyo sana hindi ganito ang buhay ko ngayon."

"Alam kong marami ako naging kasalanan at pagkukulang ko sayo, Raizen. Sana–"

"Patawarin kita? Kahit kailan hindi kita mapapatawad sa lahat na ginawa mo noong bata pa ako. At kung wala ka ng sasabihin sa akin ay kailangan ko ng umalis." Tumalikod na ako. Masyado na akong problemado ngayon kaya huwag na siya dumagdag pa.

"Handa akong tulungan ka sa paghahanap mo sa mag-ina mo."

"Tulungan ako? Hindi ko kailangan ng tulong mo. Kaya kong iligtas ang mag-ina ko."

Hindi ko alam kung paano niya nalaman na kailangan kong hanapin ang mag-ina ko. Imposibleng si Edward o kahit sino sa mga miyembro ng mafia dahil wala niisa sa kanila may alam kung sino ba talaga ang nag turo sa akin kung paano gumamit ng baril.

Habang naglalakad ako ay may natanggap akong tawag galing kay mommy. Bakit naman kaya tumawag sa akin si mommy ngayon?

Sinagot ko ang tawag. "Hello, mom-" Kumunot ang noo ko ng may narinig akong putok nang isang baril. "Mom, are you okay?"

Shit. Mukhang alam ko na kung sino may gawa nito kung bakit may mga masamang loob nasa bahay ngayon. I hope my parents are okay.

"Okay kami ng daddy mo, pero sino ba yung mga taong-"

"Mom, mag tago kayo ni daddy sa basement. Don't worry, hindi ako papayag na may nangyari sa inyo."

"Ano ba nangyayari, Raizen?"

"Mamaya ko na lang sasabihin sa inyo, mom."

Kahit ang mga magulang ko ay nadamay dito. Kailangan kong tawagan si Edward para magpadala ng tauhan sa bahay.

Love Or RevengeNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ