CHAPTER SEVENTEEN

40 10 0
                                    

ROSE'S POV

"Bakit ngayon ka lang??" Tanong ni mama

"May inasikaso lang" walang gana kong sagot

"Tawagan mo papa mo at sabihing mag padala wala na akong ibibigay na allowance sayo" sabi nya

"Bakit di Mo tawagan ikaw may kailangan diba??" wala kong ganang sagot

Lalagpasan ko na sana si mama ng hilahin nya ako para sampalin

"Natututo kana sumagot sakin tandaan mo anak lang kita" sabi nya

"Yun na nga ma anak mo ko pero parang hindi ko ramdam yun dahil sakin mo binubunton Yung galit mo kay papa dahil sa pang loloko nya sayo. Tama ako diba halos ituring mo na nga akong katulong eh" sabi ko bago tumalikod

Pagpasok ko pa lang sa kwarto ko tumulo na mga luha ko. All my life si ate ang laging tama sa mga mata nya malaki lang pasasalamat ko kasi si ate Hindi yun pinaramdam sakin.

Mahirap tanggapin na ako ang sinisisi ni mama dahil iniwan sya ni papa at ipinagpalit sa iba. Kung si kuya Darwin nararanasan to parihas kami kaso di nila alam to kami lang ni ate ang may alam na ganito buhay namin. Ayaw ko kasing isipin at kaawaan nila ako.
At yun ang dahilan bakit ako galit kay papa. Kaya ganun nalang ako magagalit sa kanya...

"Tahan na papangit ka pag di ka tumigil. Nag kasagutan nanaman kayo ni mama" sabi nya

"Obvious ba" malamig kong sabi

"Pag pasensyahan mo na alam mo naman dahilan kung bakit ganyan si mama" sabi ni ate

"Na ano?? Na ako sinisisi nya sa pag iwan sa kanya ni papa na ako ang sumasalo sa galit nya kay papa ate pagod na ako Sana naman maisip nyang nasasaktan din ako mahal ko si mama kaso Sana maisip nya ding may puso din akong nasasaktan" sabi ko habang umiiyak. Niyakap lang ako ni ate, alam ko kasing kahit sya walang magagawa.

Hindi ako iniwan ni ate hanggang sa nakatulog na ako.
Dala na rin ng pagod sa school sa gang at ngayon sa bahay....

....

Nagising ako dahil sa tunog ng cp ko

My love calling...

"Hello mahal" bungad ko

"Mahal ko musta kana ano gawa mo??" Tanong nya

"Ahh ok naman kakagising lang heheh Nagising sa tawag mo" sabi ko

"Ayyy sorry hahaha gusto ko lang nalaman kung nakauwi ka kanina sorry talaga kung di Kita nahatid ah" sabi nya

"Ok lang nu besides may pinuntahan din ako eh hehe" sabi ko

"Kumain kana??" tanong nya

"Di pa po kakagising ko lang po" sabi ko

"Kumain kana papalipas ka na naman eh" sabi nya

"Ehh ayaw wala akong gana" sabi ko

"At bakit naman ok ka lang ba?" tanong nya

"Oo mahal ok lang ako" sabi ko

"Sure ka ah baka di ka ok sige na kita nalang tayo bukas kumain ka pag nagutom ka ok I love you mahal kong reyna" sweet nyang sabi

"Haha ilove you most my hubby" sabi ko

Ayaw ko munang malaman nya lahat ayaw ko ng madamay sya sa problema ko

...

BREANNA'S POV

Pakiramdam ko may problem si rose.
Pakiramdam ko may tinatago sya hindi ko alam kung ano hayy

"May problema ba anak??" Tanong ni mama

Be My LadyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon