CHAPTER FORTY-SEVEN

23K 355 92
                                    






CHAPTER FORTY-SEVEN


End


Euthanasia, is the practice of intentionally ending a life to relieve pain and suffering of a patient. Most importantly...In 1997 euthanasia has been declared illegal in the Philippines. It is a death assisted by the physician.

"Euthanasia...David?" I asked in a small voice.

Tuyo ang lalamunan at halos hindi ako makagalaw sa aking puwesto. Ang paligid ay tila naging blanko at nanlamig ang aking mga kamay.

Napamulagat na lamang ako ng umalis na ang kaniyang kausap na abogado. Ang kaninang gulat na ekspresyon ay napalitan ng madilim at mariin. Ang kaniyang mata ay hindi na mahagilap dahil sa diin ng kaniyang kunot noo.

Tuluyan siyang bumaling sa akin bago bumuntong hininga. Binasa ang pang ibabang labi ay hindi alam kung ano ang sasabihin.

"What?" I asked when I found my voice. "Euthanasia, David? Really? Mercy killing?" halos ipamukha ko sa kaniya ang diin ng bawat salita.

Mariin siyang pumikit. "Let's talk about this in my office."

Walang sere-seremonya niya akong nilagpasan at umakyat ng hagdan. Nanganak ang bawat ideya sa aking isipan dagdagan pa ng narinig kanina. Hindi ko halos maramdaman ang paa ng tumungo ako sa kaniyang opisina.

"You proposed Euthanasia?"

Agad kong tanong hindi na nagpaligoy-ligoy pa. Ni hindi ko na nga naisipan pang maupo sa kaniyang sofa. Nanatili siyang nakatayo sa harap ng kaniyang mesa habang nakahilig dito. Ang kaniyang ekspresyon ay hindi nagbago kasabay ng pag buo ng tensyon sa paligid.

"Yes." Walang emosyon niyang sagot habang tagpo ang aking tingin.

"Do you know what you're talking about, David Angelus?" I stated as I stepped forward. "Doctor ka, hindi ka mamamatay tao." Mariin kong sambit.

His jaw ticked. Nanlisik ang kaniyang mata kasabay ng pagbigat ng kaniyang paghinga. Ilang Segundo niya akong pinagmasdan.

Ginusto man iyon ng pasyente o hindi ay mananagot siya sa batas. Mawawalan siya ng lisensya at kaakibat nito ang mga hospital na tatanggihan siya, sa malalang usapan ay dito na magtatapos ang pagiging Doctor niya. And heaven knows, how I disagree with that.

"I am indeed a Doctor, that's why..." aniya. "He's twenty-nine years old, male, diagnosed with stage three, stomach cancer."

He licked his lower lip. "He stated that he can't bear it, Camila. For every passing day that he does live, he told me that he is surviving for him to suffer again—"

Mariin akong umiling. Ang emosyon ay sumiklabo sa aking dibdib dahilan upang manginig ang aking labi.

"That doesn't change the fact that, you'll kill. That you will perform such an illegal thing!"

He raked his hair full of frustration. "Camila, listen to me..."

Namuo ang butil ng luha sa aking mga mata at umiling.

"On every pain that the person's feels, the first thing that comes on their mind were the Doctors." Aniya. Napayuko ako kasabay ng pagunahan ng luha sa aking pisngi.

"Camila, for every distress of a patient the doctors were their hope. They're anticipating that we will put an end to the pain they are feeling," buo ang kaniyang boses at puno ng determinasyon.

David was a man of determination, I know it from the very beginning. Ngunit ngayon lang, ngayon ko lang hiniling na sana ay maging duwag siya. Na sana matakot siya sa kaniyang ginawa. Na sana...hindi na.

Chasing Wild RedamancyWhere stories live. Discover now