FINAL CHASE

26.2K 455 344
                                    

This is my love song to you,

Let every woman know I'm yours

So you can fall asleep each night babe,

And now I'm dreaming of you more,

Kasabay ng pagsibol ng pamilyar na kanta ay siyang pagbukas ng dahan-dahan ng higanteng pintuan. Bahagyang nanibago ang aking paningin sa liwanag ay kasabay ng paghigpit ng kapit sa akin ni Alessia.

She was crying non-stop. Simula pa kanina sa bridal car. Ang kaniyang pagtangis ay naroon ang kaba at galak. Napahalakhak ako ng mas lalong lumakas ang kaniyang hikbi at humigpit ang kapit sa akin.

"Don't cry. Papangit ka, magbago pa isip ni Apollo," biro ko na nagsanhi ng kaniyang halong tawa at hikbi.

Sa cathedral sa Sta. Monica nila napili na idaos ang kasal. Hindi okupado ang buong simbahan at tanging mga kakilala lamang ang inimbitahan. Ang simbahan ay dinesenyuhan ng malamlam na kulay at mga bulaklak. The decoration was simple, ngunit hindi maitatanggi ang kung gaano ka-espesyal ang araw na ito.

I'll never stop opening your door,

I'll never stop choosing you babe

I'll never get used to you,

We were walking in a crimson blood carpeted floor, at sa dulo kung saan nagtatapos ito ay altar kung saan nakatayo ang kanina pa tahimik na lumuluha na si Apollo, his shoulders were shaking as he slowly massaging the bridge of his nose. Napangiti ako.

Even Alessia and I, weren't blood related, it feels like this is my baby sister's wedding. And I as her brother was teary-eyed for she, finding a good man to be with for the rest of her life. I'm totally delighted that they never surrendered their love despite of the obstacles they face, I'm happy for Alessia's bravery, and Apollo's patient.

Pinunasan ang bahagyang namamasang mata ay nilibot ko ang aking tingin. Natawa ako ng  mapadako ang aking mata kung nasaan ang mga bride's maids.

On her maroon infinity dress, Camila's beauty screams and draws for attention. Parang gusto kong sumunod kay Apollo, pagkatapos.

Bakit siya umiiyak? Hindi naman ako ang ikakasal! Saka kana umiyak Camila, kapag ako na ang naghihintay sa'yo sa Altar.

"Parehh! Ito 'yung pinagmamalaki ni Jumi na pinsan niya daw!" si Liam, matapos niyang makuha ang aking activity na pina-photo copy niya.

Nasa library kami ngayon ng School napapa-photo copy ng Activity ko dahil hindi sila gumawa! Mga damuho talaga.

Itinaas ni Liam ang isang brochure sa shelf katabi ng machine. Nakapamewang ko iyong sinulyapan.

"Sabi ni Jumi, mabait daw 'to," si Mason naman ngayon na may subo-subong lollipop.

Napailing ako. "Basta babae ang gagaling niyo! Pag activity kolelat!" inis kong palatak.

"Ayos lang maganda naman si Cervantes! Worth it!" si Liam.

My expression become sour. Sinulyapan ang hawak niyang magasin ay napangiwi ako.

"'Yan maganda? Okay lang. Hindi iyan ang mga tipo ko," naiiling kong sambit.

Tumawa si Mason dahilan upang sitahin kami ng librarian.

"Ang gusto niya kasi malaman, 'yung medyo chubby ganon. 'Yung may mapipisil siya,"

Natawa ako at itinaas ang aking middle finger sa kaniya. Wala naman kesyo sa akin ang tipo ng katawan. Ngunit kung mas pabor sa akin ay iyong malaman, o voluptuous kung baga. Mas malaman, mas malusog.

Chasing Wild RedamancyWhere stories live. Discover now